START!

79 2 2
                                    

Ngumiti ako sa salamin pagkatapos kong maglagay ng lipgloss sa labi ko. Hinawi-hawi ko pa ang buhok ko at tumayo na.

Sobrang saya ko ngayon. As in di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Di ko nga inaasahan na aabot kami sa ganito ng boyfriend ko na si Elmar eh. Akala ko kasi wala talagang forever pero sa araw-araw na ginawa ng diyos para sa amin  ni Elmar ay masasabi ko talaga na totoo nga yon. Mga bitter lang talaga ang di naniniwala sa forever. Ang sarap balibagin eh. Lol. HAHAHA.

Kinuha ko na yung pouch ko at dumiretso na sa sasakyan ko at pinasibad na ito patungo sa meeting place namin ni Elmar my behbehlabs. Halos di matanggal ang ngiti sa labi ko habang nagmamaneho ako. Pag kasama lang ako siguro yung Bff ko ngayon dito ay babatukan lang ako nun at sasabihin na nababaliw na naman ako. Oo,baliw kay Elmar. HIHIHI.

Ikaanim na anniversary namin ngayon ng boyfriend ko at sobrang saya ko. Dahil di din matanggal sa isip ko na baka yayain na niya ako magpakasal mamaya. Impit akong napatili at pilit na sinusuway ang sarili dahil sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

Pero bakit nga ba hindi? Yun na lang ang hinihintay ko eh. I even imagined my future with him. With our family. Iniisip ko na,paano pag may pamilya na kami may mga anak kami na nakakatuwang tingnan na naglalaro at nagkukulitan sa loob ng dream house namin. I sighed. Hindi imposible yun dahil wagas ang pagmamahalan namin ni Elmar.

I believe in Forever and Eternity ng dahil yun sa kanya. 1st year college simula ng maging official kami ni Elmar at yun ang pinaka masayang taon na nangyari sa buhay ko. I treasure him just like how I treasure my family.

Nagitla ako sa pagiisip ng tumunog ang cp ko at lagi na lang ako napapangiti sa tuwing naririnig ko yung ringtone nito.

"Love,may text ka… I love you."

Ohh my god 23 na ako pero parang teenager ako na sobrang kinikilig. Kinuha ko yung cp ko na nasa passenger seat lang at tiningnan ito. Palipat-lipat ang tingin ko sa daanan at sa cp dahil baka mabangga ako mahirap na special day ko pa naman ngayon.

Unknown number? As i opened the message ay bigla na lang nanlaki ang mata ko at napapreno.

"Oh my god!" I gasped. Umiling-iling ako sa nakita kong larawan na sinend sa'kin ng unknown number na yun.

Nireplyan ko siya.
Who the hell are you?

But i get no responce. Gustong tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko ito. I saw Elmar in the picture with another girl,naked.

Parang di ako makahinga sa nakita ko. Marahan akong umiling.

"No,Lurie. You trust Elmar,di niya magagawa 'to sa'yo."

Pagpapakalma ko sa sarili ko. Tama,hindi niya magagawa sakin ang palitan ako. Ako lang ang mahal niya at alam kong wala ng iba pa. Photoshop lang yun, may gusto lang manira ng relasyon namin kaya ganun. Pero mas mananatili ang tiwala ko kay Elmar at alam kong di niya magagawa talaga sakin yun. Ayaw niyang masaktan ako.

Nagmaneho ulet ako at ilang sandali pa nakarating na ako sa paboritong meeting place naming dalawa. I saw him at the bench and i know that he's waiting for me. Ngumiti ako kahit may kaba na natira sa puso ko dahil sa larawang yun. Pinipilit ko siyang alisin sa isip ko pero parang naka-stuck na. Letche.

"Hey."

Bati ko ng makalapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinalikan ko siya at ngumiti. Binati ko siya ng Happy 6th Anniversary pero wala akong sagot na natanggap sa kanya. Nangunot ang noo ko pero binalewala ko yun dahil baka may problema lang siya.

"Hmm Mar,may problema ba?"

Tanong ko. But he did'nt answer. Nagtataka na ako sa kanya. I hold his hand and I asked the same question again. Pero wala paring sagot. I sighed. May problema yun ang nasa isip ko.

Nang maalala ko ang larawan na sinend sa'kin nung unknown number kanina. Posible kayang totoo yun? At ngayong araw makikipaghiwalay na siya sakin? I smiled bitterly. Bakit pa ngayon?

Himinga ako ng malalim at pagalit na nagsalita. Reality striked me. Iba na pala panahon ngayon. Bakit ako magpapakatanga? I'm not in television any way. Elmar is having an affair with someone and it sucks like hell.

"Tell me Elmar,may problema ba talaga?"

This time sumagot na siya. Yung sagot na kahit di mo i-explain sakin ay maiintindihan ko na. Yung sagot na kahit 100+ pa yung ibig sabihin eh sa isang meaning lang naman mapupunta. Tumulo ang luha ko.

"Lurie,ayoko na."

Muling tumulo ang luha ko. Nahihirapan akong huminga. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya. Ganito pala kasakit.

"Why?" Kalmadong tanong ko. Pero yung puso halos sasabog na sa sobrang sakit. Kahit siguro alam ko na ang isasagot niya gusto ko parin malaman na mismong manggaling sa bibig niya. Bumibigat na ang paghinga ko at anytime babagsak na ako tulad ng luha ko na bumabagsak lang kahit pigilan ko.

"I-im in love with someone else Lurie."

Nang marinig ko ang sagot niya ay marahan akong tumayo at tumingin sa kalangitan nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha na patuloy parin ang bagsak. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao sa park dahil narin siguro na nakikita nila akong umiiyak pero wala akong pakealam. Punyeta ansaket.

"Since when?" I asked. Tumayo na rin siya at lumapit sakin. Pinipilit niya akong hawakan pero umiiwas ako.

"L-last year."  Nasampal ko siya dahil sa isinagot niya sa'kin.

"Putangina Elmar! Matagal mo na akong niloloko?!!!!"

I shouted at the top of my lungs kasabay ng paghagulhol ko. Putangina ang sakit. Bakit ko kailangan maranasan to? Bakit ako? At bakit ngayon pa? Pwede namang bukas or nextweek eh. Wag lang ngayon? Sana may camera dito at sabihing joke lang. Na surprice lang ito ni Elmar dahil anniversary namin ngayon. Pero hindi eh. Ang sakit. Ang sakit manapak ng katotohanan na totoo ang lahat.

"I'm sorry" He said. Yumuko siya at umiiyak na rin tulad ko. Wala akong pakealam dahil sumagi na sakin ang katotohanan na niloko niya ako at matagal na. Matagal na niya akong pinagmukhang tanga na walang alam sa kababuyan niya. Ehh kung katawan lang ang habol niya. Kung katawan lang ang gusto niya dapat sinabi niya at ibibigay ko naman ng buong-buo eh. Pero naghanap pa siya ng iba.

Sinusubukan niyang yakapin ako pero pinagsusuntok ko lang siya sa dibdib. Lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ako sa bewang at duon umiyak at paulit-ulit na sinasabi ang salitang 'sorry'.

Sorry? Nasaktan na ako wala ng magbabago.

Lumayo ako sa kanya at sinampal siya. I slapped him again and again and again and again.

Kahit sumakit na ang palad ko kakasampal sa kanya at alam kong nasaktan ang mukha niya WALA AKONG PAKEALAM.

Dahil walang makakapagpaliwanag ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang sakit na dala ng puso ko. Ang sakit sobra. Akala ko masaya na pero bakit may ganito pa? Lahat na binigay ko may kulang pa.

"Pinapangako ko hindi kayo magiging masaya kung sino man ang babae mo. Mararamdaman niya rin ang nararamdaman kong sakit ngayon."

I said and I walked away. Iniwan ko siyang nakaluhod parin sa damuhan.

Pumasok ako sa kotse ko at nagdrive na pauwi.

I entered my room at duon nag wala. Lahat ng poster niya ay sinira at pinunit ko. I cry hard like a baby na parang nawalan ako ng laruan.

Ang sakit. Sobrang sakit. Minahal mo na ginago ka pa.

----------------------

Thanks sa BC ate SupergirlIya19 super talaga ako nagandahan. HOHOHO.

Comments and Votes are higly appreciated. Thanks ;)

-BHCarps-

Relationship WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon