Chapter 1

49 2 2
                                    

Lurie's PoV

"May Forever ba?"

Yan agad ang una kong nabasa ng pagka-open ng pagka open ko pa lang sa fb account ko. Post ng kung sino man. Ehh bakit ba nauso yang forever-forever na yan? Ulol na lang naniniwala diyan. Nag comment naman ako at sinabing walang forever with matching limang exclamation point pa. Wala,naiinis lang ako na di ko alam. Simula ng nangyari ang araw na gusto kong kalimutan ay kasabay ng pagbaon ko sa Forever na yan. Nakatanggap ako ng Notif. Dahil may nag comment din sa post na yun at minention pa ako.

"@Lurie may Forever anong tawag mo sa lolo't lola natin naglandian lang ganun?"

Biglang naginit ang bumbunan ko sa walangyang babaeng nag comment. Sino ba siya sa akala niya? Dinamay pa Lolo at Lola ko na patay na. Opinyon ko at naranasan ko kaya ako ganito. Nag comment din ako dahil ayokong magpatalo.

"Oh? Talaga eh kung may Forever nga edi sana walang taong nasasaktan ngayon."

Nasasaktan? Oo,nasasaktan parin ako sa nangyari sa'min ni Elmar. It's been 2 years pagkatapos niyang wasakin ng buo ang puso ko ay hindi pa ako nakaka-move on. Masakit parin to the point na gusto ko ng mamatay. Yes, i tried to kill my self but I failed dahil sa walangyang lalaking nakilala ko last 2 years na pinakealaman ako. Well,I don't know him at di ko alam kung saang impyerno siya nakatira. And I don't care dahil sa nagdaang dalawang taon di ko na rin naman nakita yunng pakealamerong yun.

Nagreply si Ateng pakialamera,bagay sila nung lalaking pakealemero mga walang magawa sa buhay.

"Tama naman, kasi ang mga taong bitter lang ang hindi naniniwala sa forever."

Halos pumutok na bumbunan ko sa inis sa kanya. Eh pakealam ba niya sa'kin?!

"So Miss sinasabi mong bitter ako ganun? Wait lang hah. Opinion ko ito at wala kang pakealam dun. Kaya nga nagtanong para malaman ang opinyon hindi yung pakekealaman mo comment ko!"

Nakakainis. Hindi ako bitter. Oo,hindi talaga ako bitter sobra. Swear! Hindi talaga. Dahil sa inis ko ay binato ko yung unan ko sa pader. Balak ko pa sana ibato laptop ko pero wag na lang sayang. Nag-logout na ako at humiga na lang ulet sa kama at sinusubukang matulog pero di ko naman magawa.

Pumikit na ako. Pero sa pagpikit ko mukha ni Elmar ang rumihistro sa utak ko. I sighed. Hindi pa talaga ako move on. At di ko magawang mag move on kahit sobrang sakit ng ginawa niya sa'kin. Naghintay ako na tatawagin niya ako nun at yayakapin ako at sasabihing joke lang pero wala eh. Yun na talaga.

Naging miserable ako dahil sa nasasaktan ako. Hindi ako gumagamit ng ibang kulay na damit kundi kulay itim lang with my redlipstick on. BlackSanta nga ang tawag sakin ng BFF kong si Ekang. Pero nginingisian ko na lang siya. Sabi niya kasi parang lagi daw ako namamatayan.

Oo,dahil araw-araw patay ang puso ko. Buhay ako dahil sa humihinga ako. Pero yung pakiramdam ko? I'm Barely breathing but my heart is dead and wrecked into pieces.

So,sa anim na taon na magkasama kami. Isang taon na niya akong niloloko at ako naman si tanga walang alam sa nangyayari.

Akala nga ng mga pinsan ko okay na ako. Na naka-move on na ako dahil nagagawa ko ng ngumiti sa harapan nila. Pero nagkakamali sila. I used to pretend that I'm okay pero hindi naman talaga.

Wala na rin akong balita kay Elmar siguro patay na kasama yung pinagpalit niya sa'kin. Kahit sabihin kong wala akong pakealam. Well,iba naman ang sinasabi ng puso ko. Galit ako,galit ako dahil sinaktan niya ako. Hindi ako ganun kabait para tanggapin lang lahat yun na parang pagkain na isang lunukan lang at pagkatapos nun ay wala na. Galit ako pero nangingibabaw parin eh. Nangingibabaw ang pagmamahal ko.

Relationship WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon