Chapter 3

23 0 0
                                    

Lurie's Dress on Multemedia

-

Lurie's PoV

I know you got all dressed up for the club
Waiting on them to come pick you up
Baby, when I saw ya walking out the door
I just knew ya needed something more
Now whip it straight back to the crib
Finna give you something that you won't forget…

"Lurie,tama na madami ka ng nainom."  Ekang stopped me. Kinuha niya ang hawak kong baso na may lamang alak pero agad ko naman itong binawi atsaka ininom lahat ng diretso. Tiningnan niya lang naman ako pero halata ang daming tanong sa mukha niya. Inirapan ko lang siya at kinuha ang alak na nasa harapan ko lang at tinungga ito. Kukunin sana ulit ito ni Ekang but i give her a death glare kaya nanahimik na lang siya at umalis. Napa-face palm na lang ako sa sarili ko. Alam kong lasing na ako pero alam ko pa ang nangyayari sa paligid ko.

Pucha! Ano ba nangyayari sa'kin? The Reunion party is still going on madami na akong nakaplastikan kanina pero ng mapagod ako ay umupo na lang ako at inaaliw ang sarili sa pag-inom. Gusto ko na lang magpakalasing ngayong araw  para malimot yung sakit na nararamdaman.

Yung pakiramdam na andyan lang yung taong mahal mo sa harap mo pero kasama naman nito ang taong mahal niya rin. Ang sakit. Para akong diganan ng 10 wheeler truck at di na ako makatayo sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pero ganun parin I'm still pretending that I'm not affected. Ngumingiti-ngiti na lang ako sa tuwing makikita kong magkahawak kamay sila ng babae niya at nag ngingitian pa. Pero ang totoo binabagyo na ang puso ko. Gusto ko ng lumayas sa party na'to dahil feel kong impyerno ang buhay ko ngayon dito. Pero di naman sumusunod ang katawan ko.

Hindi ko alam kung alam ba nung Lauren na yun na may relasyon kami dati ni Elmar o hindi. Dahil kinakausap niya ako at mabait ang trato niya sa'kin pero hindi ko lang alam kung may halo ba itong kaplastikan. Pero nagtataka din ako kasi minsan nahuhuli kong nakatingin sa'kin si Elmar. Haist! Siguro ilusyon ko na lang dahil sa pagmamahal ko sa kanya. I sighed.

Nagsalin ulit ako ng alak sa baso at ininom ito. Nahihilo na rin ako sumasakit na rin ang ulo ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang sarili. Wala eh,mas masakit parin 'to. Iinumin ko na sana ang natitirang alak ng may biglang naglayo nito sa'kin. Akala ko si Ekang pero nang paglingon ko nagulat ako nang si Elmar.

"Madami ka ng nainom dinaig mo pa ako. Tama na." Sabi pa niya. Napataas naman ang kilay ko. Anong palabas 'to? Tiningnan ko lang siya. 8 pm nagstart ang party at 11 na ngayon niya lang ako kinausap. Pinagkrus ko ang braso ko at nagsalita.

"Pake mo?" Pinipilit kong kunin ang baso sa kanya pero pinipilit niya rin itong nilalayo. Napamura ako. Tumayo ako at napagewang ako kaya natumba ako pero agad naman niya akong nasalo na ikinagulat ko. At ngayon magkalapit ang mukha naming dalawa.

Baby, I just wanna get you out them clothes
I just wanna see you dance in

Slow motion
We can take, we can take, we can take our time, baby
In slow motion
We can take, we can take, we can take our time, stay here
In slow motion

Napalunok ako ng halos magka dikit na ang labi naming dalawa. Hindi ako makagalaw sa pangyayari ngayon para kaming may sariling mundo at kami lang ang tao sa lugar na'to. I looked at his eyes. I miss his brown eyes. Halos ng lahat sa kanya namimiss ko. Even his lips I want it to touch mine. Hinawakan ko ang labi niya and I traced it using my thumb. Nakatitig lang siya sa'kin. Tumulo ang luha ko dahil mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko alam kung bakit ganito kahit sinaktan na niya ako pinipili ko parin 'tong nararamdaman ko.

"Meet my girlfriend Zianna Lauren Clemente" 

Biglang naalala ko si Lauren. Yung girlfriend niya. Agad akong napatayo at pinunasan ang luha ko at dun ka na-realize na nakatingin na sa'min ang halos lahat ng tao.

"I'm sorry" Sabi ko at tumakbo palabas ng hotel I even heard him calling my name. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko at di ko na alam ang gagawin. Ang sakit parin sobra. Di ko kayang tanggapin na iniwan niya ako dahil may mahal siyang iba. Natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad sa malapit na park. Umupo ako sa isang bench sa may puno at doon umiyak ng umiyak. Buong buhay ko siya lang ang minahal ko pero nagawa pa niya akong ipagpalit sa iba. Ano bang kulang sa'kin? Hinablot ko yung kwintas sa leeg ko na gitara ang pendant. Bigay niya ito sa'kin ng 1st Anniversary namin. At kahit kailan di ko ito tinanggal kahit ngayong wala na kami. Bakit? Dahil umaasa ako. Umaasa ako na maibabalik pa. Pero wala na.

Tinapon ko sa kung saan ang kwintas at sumigaw. Wala na rin akong pakialam kung may nakatingin sa'kin.

"BAKIT?! BAKIT NILOKO MO LANG AKO? MINAHAL NAMAN KITA EH. HALOS BINIGAY KO NA LAHAT ANO PA BANG KULANG?! MAS MABAIT BA YUNG BABAE MO?!KAYA KONG MAGING GANUN ELMAR BUMALIK KA LANG! ANG SAKIT-SAKIT PUTANG-INA. BAKIT DUMATING KA PA?!" I cried. "BAKIT IKAW PA MINAHAL KO GAGO KANG PUTANG INA KA! SANA MABAOG KANG MUKHANG PAA KA. ANSAKIT ELMAR. SOBRANG SAKIT!"

Napaluhod ako at umiyak ng umiyak. Ayoko na. Nakakapagod na masaktan. Masaya na siya ako hindi pa. Ang lawak-lawak ng mga ngiti niya pero ako puro ka-plastikan lang ang mga nagagawa ko. Gusto ko yung ako naman masaya. Gusto kong maranasan yun. Yung kahit masaktan ako pero masaya pa rin ako. At ngayong sakit na nararamdaman ko ngayon gusto kong maranasan ng babae niya. Kung paano maging miserable at kung paano masaktan na halos wala ng katapusan. Kung hindi ng dahil sa kanya wala namang ganito eh. Dapat ako yang nasa lugar niya ngayon. Dapat kami ni Elmar ang masaya at hindi siya. Kaya gagawa ako ng paraan na mapapabalik sakin si Elmar at masaktan si Lauren.

Wala akong pakialam kung masama ang iniisip ko. Dahil walang imposible sa taong nasasaktan.

Napatingin ako sa gilid ko ng may nag abot sa'kin ng panyo. Nakapamulsa ang lalaki at kahit gabi na kita ko ang blonde niyang buhok. Hindi siya nakatingin sa'kin pero nakaabot ang isa niyang kamay na may panyo sa'kin. Nagsalita siya pero hindi parin nakatingin sa'kin dahil siguro ang panget ko ngayon.

"Hindi mo tatanggapin? Bahala ka."

Ibababa na sana niya ang kamay niya pero hindi ko alam sa sarili ko dahil agad kong kinuha ang panyo na bigay niya at pinunasan ang luha ko. Ngumisi siya at humarap sa'kin.

Ngayon,iba muna ang kailangan ko. Kailangan ko ng kasama. Hindi naman siya mukhang masama kahit stranger siya. Mukha siyang mayaman kahit simpleng Shirt at jeans lang ang suot niya.

"Salamat nga pala sa pag sira ng tulog ko Miss."

Sabi niya. Agad naman akong nag sorry at nag thankyou sa kanya pero inirapan niya lang ako. I smiled out of nowhere because i find it cute. Nagulat ako ng tumalikod siya pero hinila ko ang laylayan ng damit niya kaya napaharap siya sa'kin with poker face. Napangiti ulet ako.

"Ano?" Inis niyang tanong.

"Please take me with you"

Hindi ko alam pero magaan ang pamiramdam ko sa kanya kahit na stranger siya.

-----------
Somg used: Slow motion - Trey Songz

Votes and Comments pls para ganahan ako thanks :)

-BHCarps-

Relationship WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon