Chapter 18: Last Practice

52 4 3
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula ng niyaya akong mag-date ni Monster. Bukas na ang contest, kinakabahan ako, oo pero alam ko naman ready kami ni monster dahil talagang pinaghandaan namin 'tong dalawa.

"Ms. Choi and Mr. Orias. You may now go, you two are excuse because tomorrow is the pageant. You can practice." Sabi ni Ma'am. This is it! Pansit! Bukas na ang pageant.

Sabay kaming lumabas ni Monster at pumunta sa hall kung saan lahat ng mga contestant ay nandoon, may short meeting and infos about the pageant.

"You look nervous?" Tanong niya sa'kin sa matigas na ingles.

"Sort of, but I'm fine, very." Sabi ko nalang sa kaniya.

Tumango na lamang siya bilang sagot.

Umupo na kaming dalawa, pangalawa sa unahan kami naka pwesto. Buti nalang hindi pa nagsisimula.

"Kompleto na ba tayo?" Tanong nung teacher sa gitna.

"Yes! Cher!" Sabi naman nung babaeng mahabang buhok na sa pagkakaalam ko ay may gusto kay Monster. Tsk! Kasama pala yang hilaw na 'yan?

"Okay, good. I'm here to inform you that tomorrow is the pageant and it will start at 9:00 am in the morning. So, all of the contestants will be here at 8:00 am straight no late and excuses. So, first you will make 'rampa' in the stage and introduce yourself in very unique way. Second, rampa with your partner in formal gowns. Third, the talent. Fourth, the sports wear. Fifth, The four finalist will have question and answer portion and will make 'rampa' again. Lastly, they will announce all the winners." Matigas na sabi nung teacher.

"Is it clear?"

"Yes, teacher." Sabay-sabay naming sagot.

"Okay! Good. You may now all go and practice for tomorrow's contest." Sabi nung teacher at umalis na sa room.

Nagsilabasan na ang ibang mga estudyante pero may mga natirang iilang babae. Take note! Puro babae.

"Uhmmm... Hi! I'm Norma. Your Patrick, right?" Tanong nung makating babae kay Monster. Si Monster naman ay ngumisi at kinuha ang kamay nung babaeng makati.

Seriously? Eww! Marami kayang germs 'yan. Huwag niyang hahawakan ang kamay ko at baka mahawa ako sa infection nitong dalawang 'to.

"Hi! Nice to meet you, yep! I'm Patrick." Sabi ni Monster at ngumiti. Yung babae naman kung makangiti wagas sa sobarang kilig.

"Halikana! Dapat 'di tayo nagsasayang ng oras para lang diyan sa mga babae mo." Naiirita kong sabi at hinila siya.

"Wail lang girls ah! Mamaya nalang ulit." Narinig kong sabi pa niya.

"Uy! Ang harsh mo kanina! Huwag ganun." Sabi niya at ngumisi sa'kin.

"Nagsasayang lang tayo ng oras! At tsaka wala naman akong pakielam, ang gusto ko lang ay makapag-practice na tayo." Sabi ko at tinarayan siya.

"Ito naman! Huwag ka ng magselos. Alam mo namang ikaw lang ang babae ng buhay ko e sila mga fangirls lang 'yun." Sabi niya.

Magsasalita na sana ako ng hinalikan niya ako sa pisngi. Ughh! Bushet. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko.

"Hindi ako nagseselos! Masyado ka lang nag-aasume." Sabi ko at tinalikuran siya. Nakakainis talaga siya! Kahit tama ang hinala niya Nakakainis pa rin.

Oo na! Inaamin ko na sa sarili ko na unti nalang nagugustuhan ko na siya, o kaya gusto ko na talaga siya matagal na.

Pumunta na kami sa Rehersal room. Hindi ko na lang siya pinansin. Nakakainis na nakakakilig. Bakit niya ba ako hinalikan? Kahit na sa pisngi lang 'yun, big deal sa'kin. Bakit ba?!

"So.. Ibahin nalang kaya natin yung talent natin?" Sabi niya. Ibahin? Bukas na kaya ang pageant tapos iibahin namin yung talent. Loko talaga 'to.

"Ibahin ka diyan! Bukas na yung pageant kaya, hindi pwedeng rush." Sabi ko naman sa kaniya.

"Sus! Madali lang 'yan. Kakanta lang naman tayo! Magaling ka naman kumanta. Ako rin at tsaka magaling rin ako sa instrumentals kaya kaya natin 'yan. Kahit rush pa!" Sabi niya naman. Tinignan ko siya ng masama, may point kasi siya, although mayabang ang pagkakasabi niya.

Kinindatan niya lang ako. Ughh! Buset!

"Sige na! Anong kakantahin natin?" Pumayag nalang ako, kaysa naman sumayaw kami, mas unique ang kumanta. Kahit na sayang lang yung dance instructions namin. Gora na!

"Yung theme song natin." Sabi niya at ngumiti sa'kin.

"Theme song? Pinagsasabi mo diyan." Theme song? May theme song kami? Kinilig naman ako bigla. Enebe! Pakipot muna.

"Haha. Hindi mo alam." Sabi niya at nag-pout. Oo na! Ikaw na cute."Yung 'Walang Iba' bagay kasi satin 'yun kaya ayun yung naisip kong theme song natin."

In fairness, maganda yung concept ni Monster. Yiee! Huwag ganun. Mas lalo akong nai-in love.

"L-loko ka talaga." Nauutal kong sabi. Sana 'di niya mahalata na kinikilig ako. Enebeyen?!

"Sige na payag na ako." Malakas ka sa'kin e. Bulong ko a a sarili ko.

"Good. So let's start." Sabi jiya at kinuha ang kaniyang gitara.

Sabay kaming kakanta pero siya kakanta at mag-gui guitar. Kainis talaga 'tong lalaking 'to! Take note: Ang hirap ma-in love kung sa tao rin lang naman na Almost perfect God.

Nagsimula na kaming mag-practice. Mayroong part na sabay kami at magkahiwalay. Hay! Ang galing niya kumanta, mag-guitara, sumayaw at matalino, gwapo, macho, sira ulo, loko-loko, minsan menopause, minsan ang bait, ang galing magpatawa. Lahat na! Ano pa ba ang hahanapin mo? All in one package kasama na yung kalokohan niya na mamahalin mo.

Juice ko! Inalab na talaga ako.

"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano, ikaw pa rin ang gusto ko." Mahinang kanta ko sa sarili ko. Tama nga siya! Bagay sa'min 'tong kanta. Pero hanggang ngayon 'di ko pa rin confirm kung may feelings ba talaga siya sa'kin.

Ganito ba talaga kapag in love? Nakakabaliw!

-
Thank you for supporting and reading guys! LabyoHaterificsLoverifics

07/06/15

#LastPractice
#WalangIba

My Lover is My Hater (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon