Chapter 16: February 14

60 6 0
                                    

Papasok palang ako ng University kung anu-ano na ang mga naririnig kong tilian. Mga babae, lalaki, bakla at tomboy ang tumitili.

Ang alam ko dati mga babae lang ang tumitili kapag nakakakita ng mga gwapo't machong lalaki, 'di ko alam na pati pala lalaki ngayon sumusigaw na rin at hindi lang 'yun ang malala pa baka pati mga lalaki na straight nagiging baliuktot na rin. Naku! Sana hindi naman, sayang naman ang mga dyosang katulad ko. Tsk!

Sino ba 'yung tinitilian nila? Mga papansin talaga sa school, andame grabe!

"Mixs! Nandiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap e." Mukhang pagod na pagod siya sa paghahanap sa'kin.

"Naku! Sorry Kyles ah, medyo na late lang talaga ako ng gising e." Sabi ko ng sincere at tsaka nag peace sign.

"Tsk! Oo na, alam mo naman hindi kita matitiis diba?." Nakangiti niyang sabi. Sabi ko na nga ba mapapatawad rin ako ng babaeng 'to e.

"Oo naman! Maiba ako, sino yung pinagkakaguluhan diyan? Parang sobrang sikat naman kung makapagtilian yung mga tao parang sinasamba na nila 'yung taong 'yun." Nakakunot kong tanong.

"Hindi mo alam? Tsk! Sino pa ba? Edi yung papable mong partner." Ngiting ngiti niyang sabi. Huwag niyang sabihin na na gwa gwapuhan siya mokong na 'yun.

Si Monster na Payatot, pinagkakaguluhan? Parang bago ata 'yun.

"Wahhhhh! Akin ka nalang Patrick." Sigaw nung babae mula sa second floor ng school building.

"Patrick patikim ng abs kahit isang beses lang." Seriously?! Pati bakla namamanyak sa payatot na 'yan. Eww! No way.

"Halika ka na nga Kyles! February 14 ngayon, tapos nag-iinit at naiirita lang ako. Uhghhh!" Naiinis kong sabi. Feeling talaga nung baulaw na 'yun.

"Yieee! Aminin mo na kasi na may nararamdaman ka na para sa kaniya." Nagbibiro ba siya? Sa Monster na 'yun magkakagusto ako? So fictional.

"Never ever! Okay!" Pagpupumilit ko naman.

"Tsss! K. Fine."

Nakarating na rin kami sa wakas sa classroom. Buti pa dito peaceful!

Pagka-upo na pagka-upo ko may nakalagay doong isang bouquet ng red roses at chocolates. Kanino naman kaya galing ang mga ito?

"Haba ng hair! Meron ka agad na suprise kapapasok mo pa lang. Inggit ako! Sana meron din akong ganiyan mamaya." Nag-aasam na sabi ni Kylie.

"Tigna mo na kung kanino galing. Dali!" Mas excited pa sakin si Kylie e nuh.

Tinignan ko yung card.

To: Lovely Mixs Choi
From: Leslie Matthew Lei

Ang sweet naman ni Matt, pinadalhan niya pa ako nito. Nakakatuwa lang isipin.

"Yieee best! Kay Matthematics daw galing. Haha, ang sweet naman niya." Baliw talaga 'tong babaeng 'to pati pangalan ni Matt pinagkakadiskitahan na i-bully.

Pagkatapos namin mag-usap ni Kylie tungkol kay Matt at sa mga suitors ko at suitors niya. Nag bell rin agad, buti naman at bumalik na sa pagkaka peaceful ang school na 'to.

Isa isang pumasok ang mga kaklase ko sa classroom at nag-kwentuhan tungkol sa mga hot na lalaki sa school. Isa na doon si Matthew, Monster at Ales.

Ang tagal naman magsimula ng klase. Siguro pati yung mga teachers gumagawa na rin ng kani-kanilang love life. Tsk!

Naghihintay ako na may pumasok na teacher ng biglang pumasok ang isang monster sa school. Akala ko hindi na siya papasok at lalandi nalang doon sa baba.

My Lover is My Hater (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon