Chapter 17: The Date

74 5 2
                                    

"Ano na Mixs? Ang tagal mo naman sumagot. Bulag ka ba? At ayaw mo sa mga gwapo." Ang kapal talaga ng lalaking 'to. Kahit kailan talaga pinapagana niya ang pagiging antipatiko niya. Siya na nga ang nagyaya't lahat pero kung makapagsalita parang hindi niya ako niyayang makipag-date.

Monster talaga siya ng buhay ko! Ughhh!

Napatingin muna ako sa mga kaklase kong hinihintay ang magiging sagot ko sa tanong ng monster na 'to. Sasagot na sana ako ng napatigil ako ng makita kong nakatitig sakin si Matt. At parang may lungkot sa mga mata niya.

Kaya ba siya malungkot dahil alam na niya ang sagot ko sa tanong ni Monster. Naku! Ang hirap pala kapag sobrang haba ng hair mo nuh!

Pero Sorry talaga Matt, may nag-u-udyok kasi sakin na gawin 'to.

"Hell Yeah! Sige na nga payag na ako." Sagot ko kay Monster. No choice e!

No choice nga ba o talagang gusto mo lang siya masolo? Sabi naman ng utak kong ubod ng kulit.

Ughhh! Lagot ka talaga sa'kin Monster kapag nalaman kong pinagti-tripan mo lang ako. Makikita mo talaga ang hinahanap mo.

"Sasagot ka rin pala e. Haha! You can't resists my charms, admit it." Sabay kindat niya sa'kin. Bigla kong naramdaman na nag-init ang mga pisngi ko. Bakit parang ang init? Aircon naman yung classroom ah?

Nababaliw na talaga siya kung minsan e. Bakit ba kasi ang tagal ng mga teacher.

"Laters, baby.. Tsaka tayo mag-de-date." Bumulong niya sa tenga ko.

Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin. Tumawa naman siya. Inis talaga 'to!

"Okay class. Let's start our discussion." Sabi ni Sir pagkapasok.

-

*Dismissal Time*

"Babe... C'mon let's go." Sabi niya sa'kin at tsaka hinawakan ang kamay ko. Maypa-babe-babe pang nalalaman 'tong monster na 'to.

"Bakit mo ako niyaya na maging valentine date mo?" Seryoso kong tanong sa kaniya. Pag nalaman ko talagang pinagti-trip-an ako ng lalaking 'to. Makikita niya hinahanap niya.

"Bakit masama ba, babe?" Sagot naman niya.

"Hindi naman sa ga'non. Marami namang babae diyan na nagkakandarapa sa'yo tapos ako pa yung pinili mong pag-trip-an." Sabi ko sa kaniya. Napatigil siya sa sinabi ko at tumingin tsaka tumingin sa'kin.

"Sa tingin mo ba pinag-ti-tripan lang kita ha?" Seryoso niyang sabi. Ngayon ko lang siyang nakita mag-seryoso.

"Hindi naman." Bigla naman siyang ngumiti.

"Ayun naman pala e. Don't worry babe, hindi kita pinagti-trip-an no! Sino naman nagsabi sayo niyan?" Sabi niya at tuluyan niya na akong hinila papunta sa parking lot ng school.

"W-wala naman.."

Nang makarating na kami sa parking lot. Nagulat nalang ako ng isasakay niya ako sa MOTOR!

Syete! Otso! Nuwebe! Yung totoo, date ba 'to o torture?

Isinuot niya sa'kin yung dala niyang extra helmet. Sasakay ba talaga ako dito? Kaya ko ba? Kaya ko na ba talagang mamatay ng V I R G I N? Ugghhh! Ano ba 'tong mga naiisip ko.

"Magco-commute nalang ako. Saan ba yung restaurant na pupuntahan natin?" Tanong ko sa kaniya.

"Anong magco-comutte ka diyan? Sakay na. Don't worry hindi kita ipapahamak. Just trust me, everthing will be fine." Sabi niya sa'kin at ngumiti. Napapadalas na yung ngiti niyang 'yan ah. Konti nalang Gwapo na siya. Oo na! Siya na gwapo.

My Lover is My Hater (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon