04: Crush

237 9 0
                                    

I charged my phone when I got home. Hindi ko muna binuksan at nagbihis na para pumunta sa kabilang bahay. Nandoon na si Alliyah at nakikipagkulitan agad sa tito niya. Pagdating ko sa bahay ni Lola Jessa ay nag-aayos na sila ng lamesa. Agad akong lumapit at tumulong sa kanila.

"Nanay! You're home!" Hinalikan ako sa pisngi ni Alliyah. Ngumiti naman sa akin si Achi.

"Am I late?" tanong ko pagkatapos magmano kay Lola.

"Just right on time, Ma'am," sagot ni Achi.

"Kailangang bumalik agad ni Achilles bukas dahil may importanteng lakad daw sila ng boss niya," ani Lola.

"Huh? Akala ko ba tatlong araw ka dito?" tanong ko.

"I'm done checking the site, Ma'am. My boss wants me to go back immediately because he needs me for business abroad."

Tumango-tango ako. "So aalis ka na bukas? Anong oras?"

"Possibly morning. We're leaving for Canada in the afternoon."

Napangiwi ako sa schedule niya. Hindi ba siya pinagpapahinga ng boss niya?

"I'm going to miss you, Tito! Balik ka po ah," sabad ni Alliyah saka niyakap si Achilles sa paa.

"Of course, Pretty Divine. Babalik ako rito kapag natapos na trabaho namin sa Manila. I'll visit you soon."

Napangiti naman doon ang anak ko. Pinaupo naman kami ni Lola at sinabihang kumain muna bago mag-usap. We had a rich dinner. We talked and shared jokes a lot. I can't help but warming up around Achilles, too. He's too funny for a guy who looks mature and serious. Hindi ko mapantayan ang sense of humor niya pero si Alliyah ay nakakasabay agad sa lalaki.

When we had to go home, Alliyah was already sleeping in my arms. Nagrepresenta si Achilles na siya na ang magbubuhat sa anak ko pero tumanggi ako. Mabigat na si Alliyah pero siguro nasanay na rin akong binubuhat siya. And I don't want to send wrong messages to Achilles. He's a great guy, but right now, I can't see any man with me and my baby. I only want the two of us. Ayaw ko ring umasa ang anak ko at masaktan kapag hindi kami nag-work out. I have to always consider her in my decisions. She's my top priority.

Not that Achilles verbally told me his intentions. Siguro tunog assuming ako ngayon, but as a woman, I know when a man is hitting on me or just wanting to be a friend. Although he's already a friend, I just have a feeling that he'll not settle for friends only. Lalo na't binubugaw din kami ni Lola sa isa't isa kaya hangga't maaga pa ay umiiwas na ako. Ayoko ng kumplikasyon lalo na sa lovelife ko. I don't want to stress myself over something that isn't really important. Sa ngayon, si Alliyah dapat ang inuuna ko.

Nagpaalam ako kay Achilles bago pumasok sa loob ng bahay namin. Nang maisarado ang pinto ay agad kong hiniga sa kwarto niya si Alliyah. She was already sleeping soundly so I chose not to wake her up and change her clothes. Paliliguan ko na lang siya nang maaga bukas.

After kissing her forehead, I went to my room and cleaned myself. Noong nakahiga na ako sa kama ay saka ko lang naalala ang nangyari kanina. I immediately unplugged my phone and opened it.

Dahil naka-open lang naman ang data ay agad na nagsipasukan ang notifs sa cellphone ko nang mabuksan ko iyon. Hinayaan ko munang magtumunog at mag-vibrate iyon bago isa-isang ni-check ang messages.

Egsel had new messages for me, too. She saw me seen her messages and she was furious. Wala ba ra akong balak mag-reply sa kan'ya. I rolled my eyes before typing a reply.

Ivy Ferrer:

Na-deadbatt cellphone ko kaya hindi agad ako nakapag-reply.

Kahit late na ay agad siyang nag-seen sa messages ko.

BS #3: Angelus' One-Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon