06: Flashback

399 18 5
                                    

Hi! Paminsan-minsan lang update ko sa story na 'to dahil priority ko pa rin pong tapusin ang isa kong ongoing. Enjoy reading!

PS. Pls don't forget to vote, too! Hehe :)

*****

I was devastated when I heard that Reoron was getting married. Loko-loko lang ako pero seryoso ako sa kan'ya. I never had boyfriend after realizing I like him. Marami akong crushes, but I only want him.

I knew I was serious about him, but I try to make it look I was not falling hard because Egsel and Margarita wasn't used to seeing me like that. Ayaw kong isipin nilang sobrang seryoso ko na dahil alam kong wala akong pag-asa kay Reoron. Kaya nga lagi kong sinasabing marami akong crush, 'di ba? Nagkunwari akong lahat ng pogi ay crush ko kahit na ang puso't isip ko ay para kay Reoron na.

But I lost it when he announced his engagement with his two-year girlfriend. Syempre, noong nagka-girlfriend siya, gina-gaslight ko ang sarili ko na okay lang. Okay lang kasi girlfriend pa naman, hindi pa asawa. May pag-asa pang maghiwalay. May pag-asa pang mapansin ako. Pero sino bang niloloko ko? Reoron was obviously in love with his girlfriend.

"Ivy, tama na 'yan. Nakakarami ka na," suway sa akin ni Margaret sabay kuha ng baso ko.

I glared at her. "Hindi pa ako lasing. Alam mo namang kulang pa ang limang galloon ng alak para malasing ako."

Maybe I am exaggerating, but whatever. Hindi pa ako lasing.

"Kahit na. Awat muna. Halos gawing tubig mo na 'tong beer."

"Bakit ka ba naglalasing? Dahil ba 'to sa engagement ni Kuya?" tanong ni Egsel na seryosong nakatitig sa akin.

I looked at her and scoffed. Fucking yes, I wanted to answer. "No. I'm drinking because I'm celebrating. Ikakasal na si Reoron kaya tanggal na siya sa lists of crushes ko."

"You're celebrating? E mukhang iiyak ka na nga oh," nakataas ang kilay na sabad ni Margaret.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I won't cry!"

Agad siyang nagtaas ng kamay bilang pagsuko pero nakataas pa rin ang kilay.

"You know from the start that Kuya Reo only sees you as his sister, Ivy," tila nagpapaintinding sabi ni Selly. "He loves you as his friend and sister."

Tangina, Egsel. Sige. Ipamukha mo pa sa aking hinding-hindi ako magugustuhan ni Reoron.

Inis kong inagaw ang baso ni Margarita at tinungga ang laman no'n. Duh! Broken ako kaya nag-iinom ako. Pero tangina! Hindi ko iiyakan ang lalaking 'yon! Sister pala ha? Alam kong wala akong pamilya pero hindi ko kailangan ng kuya-kuyahan! At talagang sa lahat ng pwedeng tumayong kapatid ko, siya pa talaga na love of my life ko? Tangina mo talaga, Johansen. Nabulag ka na nga't lahat-lahat, hindi mo pa rin nakikita ang halaga ko!

"Ivy! Magdahan-dahan ka nga sa iniinom mo!" suway na naman ni Mother Margarita.

"H'wag niyo nga akong sawayin! E kung uminom na lang din kayo?" singhal ko sa kanila.

"Bawal ako uminom. Nagbabantay asawa ko sa 'kin," mahinahong sagot ni Egsel.

Napatingin ako kay Tristan na nasa malapit na lamesa lang sa bar kung saan ko sila dinala. Napailing ako sa pagiging overprotective ng lalaking 'yon.

Mapait akong napangiti. E 'di sana all may asawang mahal na mahal ka.

"Buhayin niyo nga si Matteau. Siya na lang jojowain ko," ani ko.

BS #3: Angelus' One-Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon