07: Story

258 13 6
                                    

Happy New Year, everyone! Here's my first update this year. I love you all. xoxo

— Shanny

-------

“Then? What happened?” tanong ni Egsel after shooing away her husband. Tristan just shook his head and went to the kids.

“Well, ang naalala ko lang ay hinalikan niya ako pabalik. Umalis kami roon at... boom! Wala na akong maalala masayado. Siguro mga putol-putol na pangyayari lang. Like...” Namula ako sa naalala, “...ako ang unang naghubad sa harapan niya at hinalikan siya. Tas ’yong nasa loob ko na siya... at... at...”

“You're mine, Angelus Ivy. Mine. Fucking remember that.”

Umiling ako. Sa lahat ng pwede kong maalala, iyon pa talaga.

At scam ang sinabi kong maaalala ko lahat kinabukasan dahil pagkagising ko, halos wala akong maalala. Mga ilang araw pa bago unti-unting bumalik sa akin ang mga nangyari noon. Talagang lasing na lasing ako at wala sa sarili.

“Hindi na ako magtatanong dahil pulang-pula ka na. Pero naalala mo pa ba kung malaki ba ano niya?” nakangisi niyang tanong.

Mas namula ako. Syempre naalala ko. I held and sucked his birdie. But there's no way I'm going to tell her that.

Iyon nga. I forgot the other details but the feeling when we did it, hindi ko makalimutan! Ilang buwan din akong nasa impyerno kakaisip ng ginawa namin! Nasa impyerno kasi ang hot at sinful! Ang patunay ng pagkawasak ng v-card ko ay ang kirot tuwing gumagalaw ako. Aivan surely has a big dick. Given his foreign blood, hindi na ako magtataka. Well, at least it was worth it giving my virginity to him. Taena, Angelus. Napakalandi pa rin talaga.

“Tumigil ka nga! Sumbong kita sa asawa mo!” suway ko na lang kay Egsel para matigil siya.

Tumawa siya sabay tingin sa asawa na kausap na ngayon ang mga bata. “Alam naman ni Tristan na ’yong sa kan'ya lang ang titikman ko.”

Umiling ako. “Ewan ko sa ’yo.”

“Pero malaki nga?”

Mas namula ako. “Egsel kasi!”

Malakas siyang tumawa.

“Ang galing, ’no? Siguro lasing talaga kayong dalawa o sadyang nadadala na kayo sa ginagawa niyo kaya hindi na kayo nakagamit ng condom. Ilang beses niyo bang inulit?”

Hinampas ko siya ng trapo sabay iling. “Tumigil ka na kakatanong. Basta gano'n ang nangyari.”

“Kuha ka nga sibuyas. Luto tayo ulam,” aniya at kumuha ng ingredients at iba pang gagamitin.

Sinang-ayunan ko ang suhesyon niya at tumulong sa mga gagawin.

“Pero alam mo ba? Ang sabi ni Tristan sa akin ay pinahanap ka raw ni Kuya Aivan ah. Sobrang galit din daw noong nawala ka,” kwento pa niya.

Noong nagising ako ay wala na siya sa tabi ko. Muntik pa akong sumigaw sa sobrang gulat nang makitang ang tanging suot ko ay isang loose gray t-shirt. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at nilibot ang tingin sa kwarto bago naalala na si Aivan nga ang nagdala sa akin sa condo niya. Doon ko rin medyo naalala ang nangyari kaya kahit masakit pa ang ulo at katawan ay agad akong nag-ayos para umalis. Natakot pa ako dahil baka nandoon siya sa labas pero nang mapansing walang tao ay dali-dali akong umalis.

Saktong palabas ako nang makita ko siyang seryosong papasok sa building na may dalang... groceries? Hindi ako sure. Basta agad akong nagtago at hinintay na makasakay siya sa elevator bago lumabas sa pinagtataguan ko at naghanap ng taxi. Habang nasa byahe ay nag-book ako ng ticket pa-Cebu kaya pag-uwi ko naman, nagligpit ako ng gamit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BS #3: Angelus' One-Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon