PROLOGUE

3 0 0
                                    

Disclaimer:
This story is a work of fiction. Characters, Names, Business, Places, Events, and Incidents are either products of author's imagination. Any resemblance to actual Person's, Living, or Dead, or actual events is purely Coincidental.

•••

Hays anak ng tinapa naman tong panahon na to oh!

Kaninang umaga apaka init ng panahon, pakiramdam ko e nilelechon ako, ngayon namang hapon biglang umulan. Paano na to ang dami ko pa namang dala tapos ang liit pa ng payong ko malapit na rin mag-start ang meeting namin para sa mga susunod na project with client, asar bahala na si Batman or kahit superman sakin.

Lumabas ako ng café ng hindi malaman kung paano hahawakan ang payong at ang mga dala kong gamit BAD TRIP DI KO NGA PALA DINALA KOTSE KO ASAR!
Medyo Malapit lang naman kasi to sa company namin kaya nilakad ko nalang di ko naman kasi ini-expect na uulan ng kalakasan ngayong araw.

I was walking while struggling sa mga dala-dala ko ng may nakabanggaan ako ASAR WALA NA BANG MAS MAMALAS SA ARAW NA TO!

Nakita kong nabasa yung ang plano para sa susunod kong prpject lagot ako dahil kailangan ko na namang umulit halos ilang linggo ko ding ginawa yun at parang gusto ko nalang umiyak. Nagsimula kong pulutin ang mga gamit ko mabuti nalang tinulungan ako ng nakabanggan ko.

"I'm sorry miss" he said at that moment that i heard his voice I know na sa taong hindi ko nanaisin pang makita ang boses na yun.

"Caelus" mahinang banggit ko sa kanyang ngalan nakita ko ang pagtitig niya sa'kin hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang paglunok niya ng makailang ulit.

"Lluvia" he called my name it was gentle and there was sadness in his voice. Pagkatapos niya kong tulungan pulutin ang gamit ko ay bigla ulit siyang nagsalita "how are you? it's been a long time" he manage to smile at me kahit na malungkot ang mga mata niya.

"I'm Fine Caelus" yun lang ang sinabi ko pinigilan kong magtanong sa kanya "i have to go sorry may hinagabol ako sched and thank you. Excuse me" alam kong kabastusan pero hindi ko na siya hinintay pang magsalita kinuha ko sa kanya ang gamit ko at umalis na agad.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko hindi ko napansin na nasa opisina na pala ako nakita ako ni Ishie napakunot ang noo niya pero bigla siyang natawa ng makita ang kabuuan ko.

"WHAHAHA lumangoy ka ba sis? Ilang isda naman ang nahuli mo ha? Basang-basa ka gaga" galing din nito e tawanan pa daw ako oh. Pero imbis na sagutin siya ay inirapan ko lang siya at dumeretso sa table ko nakita ko ang plano ko na basang-basa nakakapanghinayang yun.

"Tapos na ang meeting?" Tanong ko sa kaibigan ko habang inaayos ang mga gamit ko inabutan niya ako ng towel bago sumagot.

"Hindi na natuloy hindi makakapunta ang client natin basang-basa na daw kasi siya kaya naisipan niyang umuwi nalang" sagot niya sakin. Ng sabihin niya yun para kong mas lalong gustong umiyak putcha wala lang din pala ang pagpapaulan at pagmamadali ko.

Dumaldal pa ng kung ano-ano si Ishie pero hindi ko siya mapakinggan kahit gustuhin ko naiisip ko parin si Caelus bakit siya nandito? I thought he was in canada? Akala ko for good na siya don? Bakit pa siya umuwi? Bakit sa lahat ng taong makakabangga ko siya pa?

at gaya ng una naming pagkikita. it was in the middle of the rain.

•••

A/N: Hi! I'm Ellocin this is not my first time wring a story but this is my first time publishing a story. Sana suportahan niyo!

In The Middle Of The Rain (Season Series #1)Where stories live. Discover now