01

0 1 0
                                    

TW: kung ayaw mo ng may mga foul words, mag next story ka muna :p

This story is all fiction. Any names, places, event, time in this story are purely fiction and does not contain facts.

----------------------------
From: Callie de gago
Aeris, can you come here sa house tomorrow? Let's gawa our assignments!

To: Callie de gago
Asus! Ayan na naman tayo sa assignments, pero mauuwi 'yan sa chikahan tyaka kantahan

Tuwing mag aaya ng group study si Callie hindi naman lagi natutuloy, gagawa lang kami assignment mga 5 minutes tapos mag kakantahan na. Oo beh, hobby namin kumanta kahit umuulan!

From: Clairdiminahal
jokes on you Ris, ikaw naman nag sisimula ng chika

Yes, oo true! Sa dami kong nasasagap na chika, nadadala ko pati sa pag gawa ng assignments! Pano naman kasi sila mag tatanong about kay Cruella, edi ikekwento ko!

Para alam mo, Cruella is my high school ex bestfriend. She's a transgender, I support her for that. Pero, I'm against how she treats people around her. She's just nice when she needs something, mang hihiram ng gamit ibabalik sira na, or mangongopya. Pero pag wala na s'yang kailangan, 'di ka na papansinin sa hallway kahit sigawan mo pa s'ya.

From: Callie de gago
You guys payag na! Kasi pupunta here si Ciel (ata) and si Xion (ata)

To: Callie de gago
Nanto! Dadamay mo na naman kami sa kaharutan mo! Pero, sige! Mahal naman kitang puta ka

From: Clairdiminahal
Gara lang me mga sis mars!

Okay, umo-o na 'ko agad pero 'di pa nag paalam kay mama, hehe.

I think si Syera na bahala dun. Si syera laging taga linis ng kalat ko, she's my twin, and she's older by 5 mins than me. Mom always loved Syera more because maybe she looks and acts just like Mom, and I'm the complete opposite!

Syera and I were both academic achievers, except for the fact that Syera is always behaved and calm. She doesn't allow her emotions to dictate her actions. While me, I'm a complete mess. I get mad over small things, and I cry easily.

Some people who have favoritism in their family hate their counterparts, but me? I'd buy anything for Syera. She's always there for me, the only family that I consider.

"Aeris! Wake up na! 'Di ba pupunta ka pa kay Callie?" Marahang pag gising sa akin ni Syera, ang tinig nya ay parang ibong manipis at malambing, mas lalo akong inantok.

"It's 12 na" dugtong nya

Bigla akong tumayo sa pagkakahiga ko nang marinig ko na alas dose na, agad agad akong naligo at pagka tapos ko ay tapos na rin mag luto si Syera.

"San si mama?" Tanong ko habang pinipiga ang buhok ko ng tuwalya

"She left, pumunta sa headquarters," she answered and smiled

"I'll tell mom nalang na you have project" dagdag nya pa

Agad akong kumain kahit na alam ko na pag dating ko doon ay mag oorder si Callie ng mcdo. Pagkatapos ko kumain nag bihis na ako, sinuot ko nalang ay ang black kong Adidas sweater at nag leggings. Linagay ko nalang sa pag bun ang aking buhok at hinila ang dalawang maninipis na curtain bangs kaya nag mukha itong messy bun.

Naglakad nalang ako pa punta kina Callie dahil malapit lang naman, sayang gasoline pag nag pa hatid pa ako.

Dumating na ako kina Callie at sumalubong sa akin ang aso nyang napaka cute si chuchay! Onti nalang talaga ipapasok ko na sya sa bag ko at itatakbo papalayo! Kinulit ko muna si Callie at pumunta na sa kwarto ni Callie.

WHO AM I TO YOUWhere stories live. Discover now