TW: kung ayaw mo ng may mura, mag next story ka muna :p
"Mother fucker!" Bulong ko sa sarili ko at napahampas sa ulo ko, pangalawang beses ko na 'tong late sa trabaho sa linggong 'to. Ang pasok ko ay 8:00 am, at ngayon ay 9:30 am na at nasa higaan pa rin ako iniisip kung ba't ako nag kakaganto.
Dumeretso na ako sa bathroom para maligo, bigla namang nag ring ang cellphone ko kaya lumabas ulit ako para tingnan kung ano 'yun.
"Good morning! What can I do for you?" Sagot ko
[Good morning, Doctora Atienza! Urgent meeting po right now, you have to come here na raw po says Doctor Martinez]
"Uhh kakagising ko lang eh, can he wait for like 1 hour?" I asked, alam kong napaka unprofessional ko nito pero shit I don't go outside without ligo
[No po, he needs you right now na po doc]
"Okay, alright, sinong doc nga ulit?" Tanong ko kasi hindi ko masyado narinig 'yung kanina, lutang pa ako eh
[Doctor Martinez po]
Martinez?!
Martinez?!
Huy gago!
Marami namang Martinez, hindi naman siguro s'ya 'yun...
Anyway, hindi s'ya 'yun, okay?
Binilisan ko nalang 'yung kilos ko, mag hahalf bath nalang din ako. Kumuha nalang ako ng biscuit sa upper cabinet ng kitchen ko at kinain ito habang nag dadrive.
Dumeretso muna ako sa opisina ko para ayusin naman 'yung mukha ko, lintek kase na Doctor Martinez yun! Hindi ba s'ya maka hintay na maliligo muna? Ka badtrip tuloy.
Kung gano ka init 'yung panahon, ganon din kainit ulo ko kase walang ligo, punyeta!
Inayos ko lang ang suot kong white polo na folded sa elbow part at ang pagbaba ko ay black na trousers at black na heels. Sinuot ko nalang ang aking laboratory coat at stethoscope.
"Shit! Professional na late!" Bulong ko sa sarili ko bago sinuklay ang buhok ko, naka straight lang ang buhok ko ngayon, unlike kapag ready ako naka soft curls pababa.
Umakyat na ako sa 4th floor, nasa 4th floor daw kasi ang opisina ni Dr. Martinez. Lintek naman kase yun sya lalake, bakit hindi kaya sya yung pumunta sa office ko!
Kumatok muna ako sa pinto nya at binuksan naman ng isang nurse na medyo familiar sa akin. I'm certain na nakita ko na sya somewhere! Pero anyway, wala akong pake kung sino sya. Sa sobrang busy ng buhay ko wala na akong time para makipag chikahan sa ibang buhay ng mga tao sa paligid ko.
"Where's Dr. Martinez?" I asked coldly.
"Bumili lang po saglit ng coffee," she answered and gave me a slight smile.
Lintek talaga!
Pinag madali akong pumunta dito tapos bumili lang ng kape?! Sya ang hindi professional sa aming dalawa! Pinagmadali ako?! Walang ligo lahat lahat tapos sya pakape kape lang?
Ugh.
Nag phone muna ako at binuksan ang instagram ko, I saw a post of Callie celebrating her 200k followers! I'm so proud of her! Isa na syang ganap ng artista ngayon at bigating model!
"Doctora Atienza" a men with a deep voice leaned and whispered near my ears. Napatayo mga balahibo ko!
Hindi ko man lang napansin ang pag bukas ng pinto!
Nararamdaman kong sya 'to!
Hindi ako handa!
"Meet my eyes doctora" sabi nya while placing his coffee on his table.
YOU ARE READING
WHO AM I TO YOU
Ficción GeneralAeris doesn't believe in love anymore. She tries to avoid it 'cause it might just hurt her and disturb her peace. She met Xion, a pluperfect, no one can resist his charm. A young love that would survive chaos of destiny. "Never told you the answer t...