02

0 1 0
                                    

TW: kung ayaw mo ng foul words mag next story ka muna :p

This story is all fiction. Any names, places, event, time in this story are purely fiction and does not contain facts.
------------------------
Nagising ako nang biglang nag tilian sila Callie. Pagbukas ko ng mga mata ko agad akong nagtaka...

"Puta kaninong balikat 'to?" Tanong ko sa utak ko,

Bigla ko namang tiningnan kung kaninong balikat nga ako naka sandal at naka tulog...

Jusko po Josefa Maria Escobar Realonda y Mercado! BALIKAT NI XION?!

Hala!

Hoy, hindi ko sinasadya yun ah, yung ulo ko yon! Ulo ko!

Malandi na ba ako neto? Na tulog ako sa balikat ng lalaking ngayon ko palang nakilala?!

Shit!

Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at hindi nag salita ng ano man kay Xion! Ano ba Aeris! Landi landi mo!

Pagkabangon ko na kita ko si Jean, katabi ko na at sumesenyas na naka tulog daw ako sa balikat ni Xion...

Aakto nalang ako na parang walang alam, shit ang awkward non!

Humiga ulit ako pero hindi na sumandal sa balikat ni Xion.

Binuksan nya ang cellphone nya at ewan ko ba kung anong kagaguhan naisip ko at sinide eye ko ang cellphone nya. Nakita kong may ka chat syang babae, tinitingnan ang isang groupie picture ng mga babae, baka girlfriend nya ang isa dun. Na guilty tuloy ako.

What if may jowa sya?

Edi magmumukha akong kabit neto!

Pero isa lang ang alam ko, kung wala syang jowa alam kong mahuhulog din ang loob nya sakin!

Nakahalata ata syang naka tingin ako sa phone nya kaya umusog sya papalayo ng onti. Ano ba yan nakiki chika pa ako eh!

Binuksan nya ulit ang phone nya at nakita kong may ka text sya, daddy nya ata kase pinapauwi na sya dahil 6 pm na.

Nag picture muna kami bago sila ihatid sa labas ng subdivision, ngayon palang iniisip ko na kung pano ko kaya sya ichachat.

What if wag nalang kase may jowa naman na sya...

Umuwi na rin ako dahil minumura na ako ni mama sa chat, umuwi na daw ako o dito nalang ako tumira. Mas bet ko actually dito, char.

Pag dating ko sa bahay, hindi ako nagpakita kay mama, dahil panigurado ay papagalitan na naman ako non. Agad akong pumasok sa kwarto ko at nag chat sa gc

To: mcdo moments
Bahay na ko mga sis

From: Callie prettie (mcdo moments)
Good, I have dm

From: Shaylee
Sayang 'di ko nakita si Xion babycakes

Shaylee? Wtf?!

Si shaylee ay isa pa naming barkada first year k-12 ng HUMSS at si Mira HUMSS first year din.

Alam ko ka mu ni shaylee yung kapit bahay ko eh, pero hinaharot nya pa si Xion? Okay, pero bat parang nag seselos ako?

Bat ako mag seselos? Di ko naman sya gusto

Stinalk ko si Xion at nakita yung dp nya nung December naka lagay "ang ganda nya" at may nag comment dito. Jowa nya ata to eh!

Red flag! Nginitian ako kanina may jowa pala!

Wala! Backoff na ako dito!

Kakasabi ko lang na backoff na ako pero I literally found myself typing sa pm.

WHO AM I TO YOUWhere stories live. Discover now