CHAPTER 2

27.1K 483 88
                                    

CHAPTER 2: SNOWFALL

-------- ≪ 。❅*⋆⍋⋆*❅。 ≫ --------

🌸Red Ashthea Point of View🌸

*Ringing Alarm Clock

"Tsk! Ang sakit ng ulo ko, agh! Pati likod ko masakit!" Angal ko nang magising ako dahil sa malakas na alarm. 2 hours lang ang tulog ko kaninang umaga. Fuck!

"Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Unang araw palang parang gusto mo ng mag-end ang school year" Saad ng katabi kong Professor na si Kate.

Pareho kaming graduate from this school, pareho din kaming na employed at the same year. Bestfriend ko at siya lang ang nakakaalam sa mga kagagahan ko sa buhay.

"Jusko! Ito kasing si Jason parang tanga, hindi makaintindi. Sinabihan ko na ngang hindi ako pwedeng mapuyat kaso mapilit" Nakabusangot kong sagot.

Napatawa naman siya at binigyan ako ng tubig at Cup Noodles.

"Ayan pagkain mo, sa susunod kasi, kung mag-jojowa ka hindi iyong katulad mong puro pasaya lang ang alam. Mag-boyfriend ka rin ng marunong magluto para naman hindi ka tag-gutom lagi sa umaga. Alagaan ka man lang sana ng boyfriend mo" Natatawa niyang sabi saka muling umupo sa designated swivel chair nya.

Alam ng bruhildang 'yan ang ganap ko sa buhay sa loob ng isang buwan na pakikipagrelasyon ko kay Jason. Mula noong naging kami ni Jason ay lagi na akong nagdi-dinner sa resto, it's been months since someone made me a proper meal. Diana is the last one, kaya mas magandang makipagrelasyon sa kapwa babae eh, lulutuan ka lagi at aalagahan.

Kapag ka lumalabas kami sa gabi ni Jason for a date e siguradong party ang sunod na destinasyon. Condo-bahay tapos bahay-condo, ganyan lang ang ganap ko sa dalawang buwan na academic break. Nasanay na rin akong hindi kumain sa umaga dahil hindi sanay si Jason kumain ng breakfast.

He's an Actor kaya hectic ang schedule niya. Parati ring wala kapag may shooting. Good thing my ka love-team siya dahil ayaw kong ma-link siya sa akin romantically. Noong bago palang kami sa relasyon ay gusto na niyang i-announce publicly ang status namin,  kaso ako ang umayaw. Ayaw kong pagpiyestahan ng tao ang personal life ko. Mahirap na. Bahala siyang ma-link sa mga ka-love team niya.

Umubo ako kunwari.

"Ex-boyfriend" Pagtatama ko kay Kate.

 Nanlaki ang mata niya saka tuluyang natawa, hawak pa niya ang kanyang tyan and kunwaring papunas punas ng luha.

Nang matapos siyang mang-asar ay agad niyang inilapit ang swivel chair niya at bumulong.

"Hindi pasado sa standard? Anong mali? Gago ka 1 month palang kayo nun, shet Jutay ba?!" Halos yugyugin ako habang pilit niyang nililiitan ang boses.

Sinapok ko siya gamit ng papel na nasa table ko. Ang daming tanong! Nakaka-imbyerna ang chismosang ito.

"Gaga! Mamaya ko ikwe-kwento, delikado dito baka may makarinig" Sagot ko habang inaayos ang desk ko. Tumingin tingin pa ako sa paligid, dapat makasiguradong walang nakarinig ng sinabi ko.

Bumalik na si Kate sa desk niya, parang tangang nagsa-sign language. Bruhang to akala mo naman ililihim ko sa kanya ang nangyari.

Mahaliparot din kasi yan. So parang ako lang din, maayos tignan kapag nasa trabaho pero sa personal matters medyo may pagkaharot. Ang pinagkaiba lang namin ay nagi-stay siya sa relasyon ng at least 7 months of dating.

Sinandal ko ang ulo ko sa hea rest ng swivel chair saka hinilot ang sintido ko. Gusto kong matulog ulit, talagang masakit ang ulo ko. Akmang iidlip na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Walang katok katok, basta nalang pumasok. Tsk!

Kneel, Ashthea.[UNPUBLISH SOON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon