CHAPTER 28

12.2K 292 138
                                    

CHAPTER 28: MEET HER MOM

-------- ≪ 。❅*⋆⍋⋆*❅。 ≫ --------

🌸Red Ashthea Point of View🌸


I never knew na sobrang big deal pala ng lakad namin papuntang Ilocos. Una nag-away away muna silang lahat kung sasakyan ba ang gagamitin or magtatake ng plane pa Ilocos.

By majority votes, cars. Sabi kasi nina Mang Andres and Mang Wilbert na mas gugustuhin nilang mag-drive ng pitong oras kaysa sumakay sa himpapawid. First time daw nila kung sakali.

Si Shalini at Ykaela naman ay mas gustong magdrive rin, dahil maganda ang mga sasakyan ni August. SI Kate, mas gustong magtake ng plane dahil nakakangawit daw magdrive, which is totoo. Nakakangawit nga talaga.

Bale Apat ang dala naming sasakyan. Sa unang sasakyan si Mang WIlbert ang nagdrive, nandoon sina Nana, Camilla at Daniel. Sa pangalawang sasakyan ay nandoon naman sina Mang Andres, Fresha at Amalia. Sa pangatlong car naman ay ang tatlo kong kaibigan. Dalawa lang kami ni August dito sa sasakyan niya.

"You can sleep if you want, 2 hours pa bago tayo makarating sa bahay" Bulong ni August. Gabi na kasi kami bumyahe, mas maganda walang traffic at hindi mainit.

Para hindi mabagot si August ay nanatili rin akong gising sa buong byahe. Nagkwentuhan, minsan stop over sa convinence store kaya nakakapagkape kami.

August is addicted with coffee, bumili pa siya ng tatlong starbucks coffee para mailagay sa mini cooler na nasa sasakyan. Sinusuway ko siya pero ramdam ko rin kasing halos antukin na siya. Ayaw naman ako na kapalitan, matulog nalang daw ako or maglaro sa Ipad.

"August, anong gagawin sa Ilocos? Like anong activities?" Tanong ko, wala na kasi akong ibang matanong.

"Madami, pero mananatili tayo sa farm most of the time, may beach naman at sand dunes na pwede puntahan pero ang talagang maganda doon ay fresh air at agricultural crops" Sagot ni August.

"So mostly ng business doon agricultural products?"

"Yes, may mga farms din kung saan nagbebenta sila ng mga hayop, like cows, pigs and even rabbits"

"Farm life, anong line ng business mo doon August?"

"Halo Halo, Sole proprietor ako under trading industry. Dahil mga farmers ang mga nasa Ilocos, ginawa ko nalang na dealer ang business ko to help the farmers"

"Sounds interesting, paano mo ginagawa?"

"Naghahakot ang mga tauhan ko sa mga farmers around Ilocos Norte, kunwari yung bigas na 40 pesos per kilo, kinukuha namin ng 35 pesos, para naman may kita sila, sinu-supply namin sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Since Agricultural products ay qualifies sa Zero Tax policy, nage-export din kami sa ibang bansa sa Asia, minsan sa EU rin pero not the main target. Asia parin dahil nandito ang most demands"

Napatango ako sa paliwanag niya. Oo nga, kung may business na maganda pag investan lalo kung may malaki naman capital. Agriculture will be the best option.

Exempted kasi sa Tax, as long as "as it is" ang products. Hindi to Tax Evasion kundi ginawa ng batas na ito to promote agricultural products, and encourage farmers to continue cultivating.

Ang problema lang kung bakit nalulugi ang mga farmers ay dahil sa natural disasters pero ang mas malaking problema ay mga traders na mababa ang kuha nila pero ang laki ng tubo kapag binenta na sila.

Kumbaga bibilhin nila sa farmers ng 20 pesos, tapos ibebenta sa merkado ng 40 pesos.

"August. Paano mo alam ang ganito? 3rd year ka palang sa college" Tanong ko.

Kneel, Ashthea.[UNPUBLISH SOON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon