1

7 1 0
                                    

Una kitang nakilala sa taon 2013, through my friend's birthday party.

The moment you entered that room you caught my eyes. Ang ganda nang mga mata at ang lalim ng dimple mo. I was pretty sure then madami ng nahulog sayo. I can't blame them dahil kakaiba nga naman ang dating at epekto mo.

Abala ka sa pakikipag usap sa ibang mga bisita, pero ako naman sa mga oras na yon ay patago kang sinusundan ng tingin.

"Baek baka matunaw naman si Chanyeol nyan." Sambit ni Kyungsoo, kaibigan ko.

Tinignan ko naman siya at sabay sambit
"Sinong Chanyeol?"

"Yung tinititigan mo." Sagot niya at napatango nalang ako.

"Nacurious lang, first time ko kasi siya makita."

"Barkada yan ni Kai. Kakauwi lang galing sa state." Paliwanag ni Kyungsoo.

Kaya pala hindi familiar ang mukha mo ng mga panahon na yun. Nang matapos na akong kausapin ni Kyungsoo ay umalis na siya para asikasuhin pa ang ibang mga bisita. At ako naman ay nakaupo pa rin sa sulok, habang ikaw ay nakikipag usap na sa isang babae.

May hawak hawak na kayong inumin at nagtatawanan. Inisip ko sa mga oras na yun ay baka kasintahan mo ang kausap mo.

Tinigil ko nang sundan ka ng tingin at lumabas muna para tumambay sa bakuran ng bahay nina Kyungsoo, naparami na rin kasi ang bisita sa mga oras na yun kaya naisipan kong sa labas nalang mag muni muni.

Nakalipas ang ilang minuto ay may narinig akong nagsalita, at paglingon ko ay nakatayo kana pala nang hindi kalayuan sa pwesto ko.

"Hi." Bati mo sa akin at ngumite.

"Hello." Bati ko rin pabalik sayo.

"I'm Chanyeol, nice to meet you." Sambit mo at lumapit sakin para makipag kamay.

Kinuha ko naman ito at nakipag kamay rin sayo. "Nice to meet you too." Sagot ko.

"You are?"

"Baekhyun."

"Nice name." Tipid mong sagot at umupo sa damuhan.

Nakatitig lang ako sa likod mo, at hindi alam ang gagawin. Kung aalis na ba ako sa pwesto na yun, or mananatili lang.

"Baekhyun?" Sambit mo pagkalingon mo, at baka nga nahuli mo pa akong nakatitig lang sayo.

"Bakit?" Tanong ko.

"Do you wanna sit?" Sagot mo.

Hinubad mo naman ang jacket mo at nilapag iyon sa tabi mo. "You can sit here." Nakangiti mong sambit sabay tapik sa jacket mong nakalapag ngayon sa damuhan.

"Hala, wag na baka makita tayo ng girlfriend mo. Baka ano pa isipin." Sagot ko.

Tumawa ka naman ng malakas at tumingin ako sayo ng nakakunot ang noo dahil sa naging reaksyon mo.

"Yung kausap ko ba kanina? Joyce is not my girlfriend." Sambit mo.

"Come sit here and I'll explain it to you."
Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa sinabi mo.

Nagsimula ka nang magkwento habang ako naman ay nakaupo lang sa tabi mo, at pasikretong pinagmamasdan ang mukha mo.
Napansin ko ulit ang dimple mo, sunod naman ay mga mata mong malalaki, na para sa akin ay sobrang ganda.

"Joyce is just my friend, kasabay ko lang siyang umuwi dito. Sabi kasi ni Kai isama ko nalang rin daw sa birthday, para naman makagawa rin ng kaibigan dito." Pagpapaliwanag mo.

Hindi ako sumagot at nakatitig lang sayo, dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot, at dahil na rin sobra akong namangha sa itsura mo. Because I've never felt this kind of feeling to anyone. Ikaw ang una.

Hindi kana rin nagsalita at tumititig kana rin sakin, na para bang nangu-ngusap ang ating mga mata. Sa hindi malamang rason, unti onti na rin nagkakalapitan ang mga mukha natin.

"Can I?" Tanong mo.

Tumango ako sayo bilang pa hintulot.

Hinawakan mo ang pisnge ko, at inilapit ang labi mo saakin, we kissed each other that night. It was my first kiss. Our kiss was slow and passionate. At ganun pala ang pakiramdam ng mahalikan, parang sasabog ang puso mo dahil sa saya at kasabikan. 

Humiwalay tayo sa isa't isa at pinag-dikit ang ating mga noo, sabay tayong ngumite at nagkatinginan.

"Baek I don't know why, but I never felt this kind of feeling before." Sambit mo.

"Ako rin, Chanyeol." Sagot ko pabalik sayo.

Is this how love at first sight feels like? Everything feels so new to me, and I don't know how to express it through words, or maybe there's no words for the feelings we felt that night.

"Let's make this night memorable." Lakas loob kong sambit.

Tumingin ka muna sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Baek ayokong kunin, kung nabibigla kalang, or baka naninibago kalang. Gusto ko sigurado ka." Sambit mo at hinalikan ako sa noo.

"I'm sure Chanyeol. Please let's get out here. I want to remember you." Sagot ko at hindi na nag dalawang isip sa mga sinabi kong kataga. Because I do wanna remember you that night.

Umalis na tayo sa party at sumakay na sa sasakyan mo, papunta sa condo na tinutuluyan mo.

Habang focus ka sa pagmamaneho ay hindi rin matago tago ang pagkasabik mo.
Nakahawak ang isa mong kamay sa manobela, habang ang isa mo naman kamay ay nakahawak sa binti ko at hinihimas sabay pisil rito, halatang sabik na sabik ka sa nararamdaman natin sa isa't isa ng mga gabing yon.

Lumipas ang ilang minuto ay nasa parking area na tayo ng condo mo, pagkapatay mo ng sasakyan, ay agad mo akong sinunggaban ng halik na tinanggap ko naman na walang pagaalinlangan.

"Y-yeol.." Sambit ko at humiwalay muna sa halikan natin.

"Chanyeol, bumababa na tayo. Ituloy nalang natin sa kwarto mo."

Bumaba na tayong dalawa sa sasakyan at sabik na pumasok sa loob. Pagkarating natin sa condo mo ay sinunggaban agad kita ng halik.
Pumunta tayo sa kwarto mo ng hindi nababasag ang halikan natin. Wala na tayong mga saplot sa mga oras na yon at patuloy pa rin sa pagroromansa sa isa't isa.

And that night you took me and I let you. Because I want you to be my first. I want to remember you for the rest of my life Chanyeol.
It may be sudden, but I am sure about you. I want you to be my first in everything.

Ginawa natin ang lahat ng mga ginagawa ng dapat ay magkasintahan lamang. But I didn't mind dahil hindi ko naman pinagsisihan.

Before that night ended, we gave each other long and passionate kiss. Dahil hindi natin alam kung pagkatapos ba nito ay pipiliin parin natin ang isa't isa.

Ang bilis nang mga pangyayare ng gabing yon, pero ni isa don wala akong pinagsisihan Chanyeol.

----
(Author's note: sorry if meron typos at maling grammars)

12:51 (chanbaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon