Lumipas ang ilang buwan at taon pagkatapos ng nangyare satin, bumalik kana sa state at hindi na tayo muling nagkaruon pa ng connection. Huli kong balita sayo ay nakipagbalikan ka na sa ex mo at inayos ang relasyon niyo.Nalungkot man ako pero naintindihan ko rin.
Matagal mo nang siyang kilala at madami na rin kayong pinagsamahan. Hindi ko rin inisip na naging panakip butas lang ako sayo ng gabing yon, dahil naramdaman ko naman'
totoo ang koneksyon na naramdaman natin.May mga pagkakataon lang talaga na mas pinipili natin ang nakasanayan pag-ibig kaysa kumilala ng panibago.
Ganun kasi paminsan ang puso, mas gugustuhin pa nito maranasan ng paulit ulit ang sakit kaysa bitawan ang nasakanayan.
May mga nanligaw at nagparamdam rin sakin, ngunit hindi ko na sila pinansin, ang iba naman ay pinatigil kona, dahil naging busy at focus na rin ako sa buhay ko. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung bakit simula ng nakilala kita ayaw ko nang kumilala ng iba. Isang gabi lang naman nagkaruon ng tayo pero nahirapan na akong limutin ka..
"Baek, basted nanaman ba yung nagparamdam sayo?" Ani ni Kyungsoo.
"Kuntento na ko sa sarili ko muna." Sagot ko sakanya habang kinakarga ang anak nila ni Kai.
Napangiti ako dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan nilang dalawa, ngayon masaya na sila at biniyayaan narin ng sariling anak.
"Sus ang sabihin mo panay hintay ka parin don sa tropa ni Kai. Taon na ang lumipas Baek, palayain mo na ang sarili mo."
Binigay ko naman kay kyungsoo ang kanyang anak at umpo sakanilang sofa "Hindi ah."
Pinagmamasdan ko si Kyungsoo habang ina-asikaso ang kanyang anak. Hindi ko naman maiwasan hindi mapaisip sa nangyare dati.
"Kyung kung nalaman ko kaya nang maaga, sa tingin mo ano kaya magiging kalagayan namin ngayon?"
Tinignan niya ako na may-awa sa mukha at umupo sa tabi ko.
"Sa tingin ko masaya kayo pero wag mo nang sisihin ang sarili mo. Hindi mo rin naman alam, at kung may dapat sisihin dito yun ay ang madrasta mo."
"Kung naging ma ingat lang sana ako baka kasama kopa siya ngayon." Sambit ko at hindi mapigilan hindi malungkot.
May nagbunga sa nangyari satin nung gabing yon, hindi ko na nasabi sayo dahil
nalaman ko nalang rin nung nakunan na ako at nakabalik kana sa state.Naging depressed at nawalan rin ako ng ganang mabuhay. Maliban kasi sa nakunan ako ay pinalayas rin ako ng aking madrasta sa bahay namin. It was one of the worst year of my life.
Pero hindi ako sinukuan ng bestfriend ko, tinulungan nila akong dalawa ni Kai na maging maayos ulit ang buhay ko.
"It was never your fault Baek. You were so young back then, patawarin mo na ang sarili mo."
5 years.
Limang taon na ang naka-lipas simula nung nangyare sa atin at huli kong balita sayo.
Limang taon na rin ang lumipas simula ng pagkawala ng anak natin.Pero hanggang ngayon, hindi ko parin kayang kumilala ng iba. Maybe because part of me is still wishing you'd come back, kahit alam kong impossible dahil mukhang masaya kana sa buhay mo ngayon. I should move on but I can't.
BINABASA MO ANG
12:51 (chanbaek)
FanfictionChanbaek (Taglish) "We loved each other for so long that we were certain we would spend the rest of our lives together. But fate had a different plan for us." Started: May 14 2023