01

61 16 4
                                    

FAMILY HISTORY | KABANATA 1

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Busineses, Places and Incidents are either the product of the authors' imagination or used in a fictitious Manner. Any resemblance to an actual person living or dead, actual event is purely Coincidental.

-

Regine's PoV

"We are almost run out of time, we'll continue next week, goodbye,class."

"Goodbye, Miss Trinidad!" Sabay-sabay nilang paalam.

Masaya akong lumabas ng room, nagtungo ako ng faculty room at nakita ko rito sa loob ang aking dalawang anak na gwapo't maganda.

"Hi, mom." Pareho nilang bati sa akin.

Estudyante sila dito sa Southeast University of the Philippines. College students sila pareho, ako naman ay guro.

"Kanina pa ba kayo?" Tanong ko,umupo ako at nilapag ang gamit ko sa aking mesa.

"Three minutes before you came. Daming activities e." Tugon ni Charlie.

Siya ang panganay, magdi-debu na. Namana naman niya lahat ng physical appearance niya sa Dad niya. Siguro y'ong minana niya lang sa akin ay y'ong boses at y'ong pagka-kinis ng balat niya.

"Buti pinapasok pa kayo ng Ninang Judy niyo rito after what you did to her yesterday." Natawa kong tiningnan si Judy.

"We said sorry to ninang earlier."tugon ni Chelsea.

Siya ang bunso, 17 na siya,bago pa lang siya dito sa SUP. Saka magdi-debu na rin siya, pero next year. Kung si Charlie nagmana sa dad niya, si Chelsea naman sa akin, y'ong minana lang ni Chelsea sa dad niya ay y'ong pagkakaroon ng malabong mata.

"Where's the po , Chelsea?"

Halos araw-araw ko rin kasing pinapaalala sa kanya na huwag kalimutang mag po sa lahat ng nakakatanda sa kanya. Kaya minsan, nagkakaroon talaga kami ng spark. But actually, hindi minsan, kasi kaming dalawa, hindi kami ganu'n ka close,ayaw niya sa akin.

"Charlie, kapatid mo ha,turuan mo ng magandang asal." Ani ni Judy, natawa naman ako sa ginawa niya.

"Opo, ninang." tugon ni Charlie,ang bait.

"Buti pa 'tong isa,ang bait. Ikaw talaga Chelsea y'ong nagmana sa nanay mo,ang tigas ng ulo at ang taray niyo." pagiging mataray ko na naman before ang naalala niya.

Help!

"Mom, let's go. Daddy is waiting outside na raw."reklamo ni Chelsea.

Nang maligpit at maayos ko na ang mga gamit ko ay 'saka na kami lumabas ng faculty at nagpaalam. Narating namin ang exit at kung saan naka park ang sasakyan at si Carlo naman ay nasa labas nh sasakyan nakasandal.

"Maghapong chismisan, don't tell me hanggang sa loob ng sasakyan mag-uusap pa rin kayo ng Aga na iyon?"

Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko dahil sa sinabi ni Carlo. Sinenyasan ko naman si Charlie na pumasok na sa loob ng sasakyan at sinunod naman nila ito.

"Ano ba, Carlo. Baka nakakalimutan mong nandito pa rin tayo sa university. Ano na lang kung may makarinig sa'yo-"

"I don't care. He deserves to know na galit ako sa kaniya." Ito ang huling sinabi niya bago pumasok ng sasakyan.

Family HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon