Solo's POV
"Welcome to 711!" nakangiting sambit ni Raine sa kada customer na pumapasok habang naglilinis siya gami ang mop.
At ako naman, nasa counter lang na nakatulala at walang gana.
Hanggang ngayon inaalala ko pa rin 'yung sinabi ni Lexus kahapon.
Parang ang sakit isipin na kailangan ko layuan si Sage para lang hindi ko na siya masaktan.
Tipong dati kailangan nasa tabi niya ako para masigurado ko na masaya siya.
Ngayon naman, kailangan kong lumayo para maging masaya lang siya.
(Sigh!)
"Kuya Solo, may problema ka?" tanong ni Raine at nagulat na lang ako nang makita ko na nasa tabi ko na siya.
"Wala! Maglinis ka doon!" naiinis kong saad.
"Pwede mo ko kausapin, Kuya Solo! Magaling ako mag advice!" natutuwang saad ni Raine habang nakangiti siya sa akin at nakaturo ang index finger niya sa kanyang ilong.
"Umalis ka nga dito! Naririndi ako!" saad ko.
Napabuntong hininga na lang siya at napailing.
"Kuya Solo, alam ko naman na kakakilala pa lang natin, pero try me. Baka mamaya makatulong pa ako sayo." saad ni Raine.
Tiningnan ko lang naman siya nang seryoso at hindi na ako umimik pa.
"Sabi ko nga, maglilinis na lang ako! Hehe!" natatawa niyang saad at doon ay pumunta na siya sa mga stalls para ayusin ang mga items na ginulo ng mga customer.
Doon sa mga may headband na pambata siya nag-aayos at mukhang may binabalak pa ata na gawin.
Habang iniisip ko 'yung pag-uusap pa rin namin ni Lexus tungkol kay Sage, hindi ko namalayan na nakatitig pala ako kay Raine.
"Kuya Solo! Bagay ba?" tanong ni Raine at nang matauhan ako, nakita ko na lang siya na nakasuot ng bunny na headband at nakapeace sign sa akin.
Ilang saglit lang ay may lalaking customer na lumapit sa kanya at tinanong siya.
"Hi, ang cute mo naman. Pwede ko ba mahingi number mo?" saad ng lalaking 'yun kaya napasigaw ako.
"Hoy! Itigil mo 'yan!" saad ko at nagulat silang dalawa, "Wag mong ginagalaw si Raine! Manyak!"
Nainis ako bigla kasi itong si Raine, kahit lalaki siya, alam 'yung sa sobrang cute niya na nga pati pagkilos niya ang inosente minsan pero may kakulitan, di malabong may magkagusto sa kanya na mga lalaki.
Tsaka medyo bata din kumilos 'to kaya pakiramdam ko parang nakababatang kapatid ang tingin ko sa kanya.
"Sorry po!" saad ng lalaking nanghihingi ng number ni Raine at tumakbo palabas ng store.
"Grabe ka naman, Kuya Solo! Tinakot mo naman siya!" natatawang saad ni Raine, "Mukha naman siyang mabait ah?"
"Tigil-tigilan mo ko, Raine. Hindi mo sigurado ugali ng mga tao ngayon. Akala mo mabait sila sayo pero hindi! May kailangan sila kaya mabait sila! Katulad ni-" saad ko kaya napatigil ako.
BINABASA MO ANG
Love Chaser (Pinoy BL)
RomanceTitle: Love Chaser Genre: BL, Romance, Comedy, Drama Author: Gonzo Language: Taglish Sage went back to the Philippines after his 11 years of stay in Australia when his grandma died due to an accident. From there on, he's about to meet his childhood...