crush ata kita?

6 0 0
                                    

Niña's POV

weeks had passed and wala namang bagong nangyari, almost everyday nagkikita kita kaming apat (ako, mariz, kuya mike at mond) at tumatambay kala kuya mike, may kubo kasi sa bahay ni kuya kaya masarap tumambay nakaka relax, maliban lang pag anjan si raymond, favorite padin nya akong asarin. siguro crush nya ko hahaha yuck! yung kapatid nya crush ko si ron, cute kasi nung batang yun hehe

close nadin naman kami ni mond, sa dalas ba naman naming mag bangayan eh haha minsan inaaya nya akong gumala kung saan saan, malls o kaya sa park, basta anywhere parang bata eh kung ano maisip.

ok naman kami mdalas nga lang may isa samin na napipikon, gaya kahapon habang nagkukwentuhan kami sa kubo.

inaantok ako dahil puyat ako sa pag gawa ng project ko, di ko namalayan napasandal na pala ko sa katabi ko.

"siguro crush mo ko noh?pasimple ka pang humihiga sakin eh" he said while smirking

"oo crush kita. crush kitang sapakin, sorry ah napuyat po kasi ako sa project ko" sabay suntok sa braso nya

"akala ko kasi gwapo ko, aminin mo na dali hindi ako maiilang"

"gwapo pa nga yung tuta ng kapitbahay namin sayo eh" kahit inaantok ako di ako magpapatalo sakanya.

"hoy kayong dalawa tama na yan kain na tayo" saway ni mike samin

kaya tumahimik na kami at kumain habang nagkkwentuhan kaming tatlo nakatahimik lang si mond bakit kaya? hayaan na nga sya para matahimik kami.

Raymond's POV

nakakabadtrip si niña ikumpara ba naman ako sa aso >.< gwapo kong to! psh. tatahimik nalang ako bahala sila jan

hanggang makauwi kami hindi ako kumikibo. badtrip talaga!

dumiretso lang ako sa kwarto ko para magbihis. matutulog muna sana ko ng nag ring ang cp ko. si Niña pala ano nanaman kaya kailangan nito??

"bakit?!" masungit na tanong ko

"wala naman galit ka ba?" tanong nya nakaramdam pala akala ko manhid 'to eh

"buti alam mo psh. badtrip ka kasi eh"

"sorry na kung nainis ka sakin, di na ulit kita aasarin"sabi nya, bakit imbis na matuwa ako, parang nalungkot ako?

sinampal ko sarili ko kung ano ano naiisip ko.

"hello mond?"i came back to reality ng magsalita ulit sya

"apology accepted" sabi ko

"yehey! bati na tayo ah" parang bata talaga 'to, bigla tuloy akong napapangiti. (A/N: baliw ka na kasi, kanina nalulungkot ngayon ngumingiti ka naman)

(wag ka ngang magulo jan Eci katukan kita eh)

"oo na nga, bababa muna ko ah"

"sige,bye mond" cheerful na boses nya, topak talaga haha

bumaba ako sa sala namin pero walang tao, kaya nag facebook na lang ako,tutal wala naman kaming assignments saka friday naman.

browse browse browse

'Niña Cassandra Bautista changed her profile'

matignan nga wall nito

hmm anu ba yan ganda gandang babae puro hotshot nasa wall,

"kuya ah gusto mo si Ate niña noh ayiee si kuya may crush kay Ate nin's" pang aasar ni ron

"ano bang sinasabi mo jan? npadaan lang ako sa wall nya" sabay exit ng tab. badtrip nakita pa ng kapatid ko

"napadaan lang talaga kuya?"

"oo nga bakit ba??!"inis na sagot ko

"eh bakit nagpprint ka ng picture nya hahahahaha"

"tigilan mo nga ako" sabay kuha ng prinint ko. kainis nahuli pa

magluluto nalang ako.

*beep beep

"Ron yung gate!" sigaw ko galing sa kusina,

"binuksan na ni ate"

maya maya pumapasok na si mommy..

"ano niluluto na baby ko?" bungad sakin ni mommy

"naisipan ko lang mag caldareta mie, di ako baby" sabi ko ng nakangiti

"good mood ka ata?"

"hindi naman po"

"crush nya kasi si ate Niña nahuli ko sya kanina nagpprint ng picture"sigaw ni Ron galing sa sala

"binata na ang anak ko ah" singit ni daddy na nakangiti ng nakakaloko

"wag kayong naniniwala jan kay Ron, baliw po yan haha"

"si Niña yung pinsan ni Mike di ba?" tanong ni mommy

"ahm... opo mommy. wag kayong nakikinig kay Ron di totoo yun" depensa ko. (A/N: di ka naman nagbabasketball ngayon bakit dumidepensa ka?)

(epal ka Eci tsk. nababaliw na po ang author natin)

"hindi nga totoo ang sinasabi ni Ron anak" sabay pakita sakin yung picture na prinint ko kanina

o_O hala! yari na san ko ba kasi nalapag yun??

pagharap ko kay mommy ang lapad ng ngiti, inagaw ko agad kay Daddy ung picture. nakakahiya

"nagbblush si Kuya oh" epal ni Mariz

paakyat na sana ko ng nagsalita si Daddy kaya napahinto ako "anak..... maganda sya"

tumakbo nalang ako paakyat dahil alam kong sobrang pula ko na

bakit ba trip ako ng pamilya ko ngayon??

pagkadating ko sa kwarto ko, nilock ko agad ang pinto. di na ko makakalabas, nakakahiya si Daddy pa nakakita

nahiga ako sa kama ko habang naka tingin sa picture nya na ninakaw ko sa fb nya.

"crush na nga ata kita nin's, ikaw kasi eh"

"2months palang tayo magkaibigan pero alam mo na ugali ko,sa simpleng ngiti mo lang napapa ngiti din ako"

"ikaw kaya may pag tingin ka kaya sakin?"

"hirap naman kasi kaibigan kita"

kinakausap ko lang ung picture nya hanggang sa nakatulog na pala ako

I'm secretly engaged with mr.sungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon