topak

12 0 0
                                    

masayang kasama friends ni kuya, mababait din sila. para ngang ang tagal na nila kong kaibigan kasi close na kagad kami, pero mas kaclose ko yung boys kesa sa girls maliban dun sa raymond na mukang wala sa mood.

8pm na kami nakauwi ni kuya dahil ayaw pumayag ng parents nila mariz na di kami magdinner dun, napag alaman ko din na magkkapatid pala sila ron,mariz at raymond.

hinatid lang ako ni kuya and umuwi na din sya, hindi na kasi sya makakalabas pag inabot sya ng 9pm sa village namin dahil may curfew ang minors dito.

nag shower at nagbihis lang ako then natulog na ko maaga pa kaming sisimba bukas.

**
pag gising ko next morning ang daming text sa cp ko, puro unknown numbers, may ilang missed calls din. nung buksan ko ung messages barkada pla ang nagtxt, hiningi daw nila number ko kay kuya mike. after kong basahin mga txt nila sinave ko na lahat ng numbers nila.

naligo at gumayak na ko dahil nga sisimba pa kami,

after namin mag church kumain lang kami sa mall then umuwi na.

pag uwi saka ko palang nireplyan ang barkada, pasensya na tamad talaga kong magtext.

nakatext ko din yung si mr.suplado.

"argggg! nakakainis talaga yang raymond na yan akala mo kung sino hindi naman gwapo"

matutulog nalang ako kesa mainis pa ko lalo sa mayabang na yun. buti hindi nagmana sakanya mga kapatid nya.

nagising ako ng 3pm, sinuklay ko lang buhok ko at bumaba na, nagulat pa nga ako dahil nasa sala sila raymond at kuya mike kasama ang kapatid kong john,mas bata sya sakin ng isang taon,

"oh kuya napasyal kayo?"

,"nagbasket ball kasi kami knina, nagka ayaan lang kaya andito kami hehe"

"nag miryenda na kayo?"

"hindi pa nga ate eh" sabi ni john

"magtimpla ka kaya ng juice" sumunod naman sakin kapatid ko, ako naman nag prepare lang ng bread roll (ung sliced bread na may hotdog, ham &cheese sa loob then may bread crumbs saka pinirito)

"sarap ah. siguro ininit mo lang 'to, alam ko naman hindi ikaw nagluto nito" sabi ni raymond

"crush ka ata ni mond insan hahaha" nabatukan ko tuloy 'tong mabait kong pinsan

"hoy lalaki wag mo ngang kainin yang LUTO KO, yabang nito akala mo kung sino" kanina pa ko naaasar ng asungot na to ah.

iniwan ko nalang at nagpunta ko sa music room namin. magddrums nalang ako pantanggal ng inis sa kumag na yun!

Raymond's POV

ang sarap talagang asarin nung pinsan ni mike napaka pikon hahaha

"brad san pupunta yun?" tanong ko kay mike

"malay ko sayo inasar mo kasi topakin pa naman yun"
lalo ko syang aasarin topakin pala eh haha ang cute nya kasi lalo na pag nagsusungit.

pak pak tugtug pak pak

"sino nagddrums bro?" tanong ko

"malamang si niña yun, nasa labas si john eh. ganyan talaga yan pag naiinis o kaya galit puntahan ko lang ah"

"okay" nacu curious talaga ko sa babaeng yun, mapuntahan nga.

hinanap ko kung saan nang gagaling yung tunog ng drums, hanggang sa makarating ako sa 3rd floor ng bahay nila. malaki din ang bahay nila pero mas maluwag ang bahay namin. nakita kong bukas ung isang pinto kaya pumasok ako and boom! andito sila niña at mike. si niña nga ang nagddrums.

"ano ba yan sakit sa tenga parang latang kinakalampag" sabi ko pagpasok ko ng music room.

"then why don't you just leave and stop annoying me!" taray talaga nito.

"eh kung ayaw ko?" nag eenjoy akong asarin sya ewan ko ba basta trip ko syang inisin

"aray! masakit yun ah"

"buti nga drumsticks lang binato ko sayo hindi tong buong drumset eh!" ang lakas nung babaeng yun putek asintado.

"brad sabi sayo wag mong pipikunin masyado yan tuloy nakahanap ka ng katapat mo"

"sige mang asar ka pa. lalaki ata pinsan mo eh. tara na nga may lakad pa ko eh"

I'm secretly engaged with mr.sungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon