Niña's POV
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto.
"nasan ba ko? anong oras na ba?"
hinanap ko ang cp ko, nasa ilalim pala ng unan,
pano nga ba ko napunta dito? pinikit ko mga mata ko at naalala ko ang nagyari kanina,
umupo ako at nilibot ko mga mata ko, kwarto siguro ni raymond 'to, napangiti ako ng hindi ko namamalayan, ang linis ng kwarto nya parang hindi lalaki ang may ari
kulay blue ang pintura ng kwarto nya simple lang, nasa gilid ang kama nya katabi ng isang table na may picture frame at lamp shade sa kabilang gilid naman ay ang closet nya (ung nakadikit sa pader na closet di ko alam kung ano tawag dun haha) may malaking salamin din sa gilid nito. sa pagitan naman ng closet at bed nakalagay yung kanyang study table. kahit may mga papel na nakalagay organized padin.
may CR din malapit sa closet nya, sa tabi naman ng pinto ay nakadisplay ang tatlong gitara, may acoustic, electic at bass.
sa may paanan naman ng kama nya nkalagay yung shoe cabinet nya,nafocus ang tingin ko sa picture frame sa table nya, imbis na picture nya ang naka display, picture ng mga kapatid nya. mahal na mahal talaga nya sila,
napag desisyunan kong bumaba na,1pm na pala uuwi na ako.
"oh gising ka na pala" naka ngiting bati sakin ni mond
"yep hehe sensya nakatulog pala ko"
"okay lang yun, ikaw talaga. tara kain na tayo late na din eh"pag aaya nya
"naku hindi na uuwi na din ako. nakakahiya na masyado"
"nakakahiya ka jan, sige na sabayan mo na ko wala akong ksabay kumain eh. nagluto pa naman ako ng pininyahan"
"mga kapatid mo?"tanong ko sakanya
"si Mariz umalis may pupuntahan daw, si Ron naman sa bahay daw ng kaklase nya gagawa ng project. kaya samahan mo na ko please?"
"oo na, pasalamat ka pacute ka haha" pinilit kong maging cheerful
"pacute ka jan, halikan kita jan eh" biro nya
"ewan ko sayo. tara kain na tayo gutom na ko eh" sabi ko sa kanya
"sige maupo ka lang jan, ako na bahala" utos nya,
"hindi ikaw ang maupo ako na mag hahanda ng pagkain, makikikain na nga ako pagsisilbihan mo pa ko?? no.way!"
nag talo pa kami kung sino mag hahanda ng pagkain. in the end nagtulong nalang kami dahil pareho kaming ayaw patalo.
"sarap nito ah. ikaw talaga nagluto?"tanong ko habang kumakain kami
"oo naman. pwede na bang mag asawa?haha" sagot nya, kanina ko pa napapansin inspired 'to eh mausisa nga,
"oo naman, may mapapangasawa na ba?haha"
"yun lang ang wala pa haha saka bata pa natin hindi pa pwede hehe"
nagkwentuhan lang kami habang kumakain kami. ang daldal talaga nito parang babae eh.
pagkatapos naming kumain, ako na nag volunteer mag hugas ng pinggan pero di sya pumayag samahan ko nalang daw sya sa kusina, hindi na ko kumontra dahil ayoko talagang naghuhugas ng plato.
Raymond's POV
"dito ka muna ah mamaya ka na umuwi, hahatid nalang kita mamaya"
"eh? wag na nakakaistorbo lang ako"
"hindi noh.saka wala nga akong kasama, may gagawin ka ba?" ayoko lang talaga syang umalis, sigurado kasi iiyak nanaman sya pag mag isa sya.
"wala naman, oo na dito lang ako" napangiti tuloy ako
gusto ko dito lang sya malapit sakin para mabantayan ko sya. hindi ako papayag na umiyak pa ulit sya.
"kwentuhan mo nga ako tungkol sayo" saad ko habang naghuhugas ng plato. gusto ko kasi syang ituring na prinsesa 'coz she deserves it.
"anu naman kukwento ko sayo?" tanong nya
"personal life mo. magkkwento din ako"
"bakit mo naman gustong malaman?"tanong nya
"gusto kasi kitang makilala pa" nakangiti kong sagot sakanya
"kung dahil sa kanina yun mond please ayoko ng pag usapan" lumungkot nanaman muka nya.
nag punas na ko ng kamay at nilapitan sya, "ayokong malungkot ka, kung ayaw mo okay lang basta magsmile ka na" sabi ko habang fino form sa smile yung lips nya.
nagulat nalang ako ng bigla nya kong yakapin "salamat mond"
"ayoko ng iiyak ka pa ah"sabi ko habang nilalayo sya sakin para makita ko ang muka nya na ngayon ay nakangiti na.
ako: "ganyan, di ako sanay ng di ka masaya eh"
Niña: "pwedeng humingi ng favor mond?"
ako: "oo naman. ano ba yun?"
Niña: "yung kanina pwede bang atin nalang yun?"
ako: "no problem kung yan gusto mo. sa isang kondisyon"
Niña: "ano?" nagtatakang tanong nya.
ako: "basta next time na may mangyari, o kaya naman may problema ka andito lang ako ah. gusto ko ako una mong lalapitan. count me as your elder brother, as your bestfriend. pwede ba?" sabi ko ng naka ngiti.
Niña: "oo naman, thank you talaga ah. so tatawagin na kitang kuya haha"
ako: "kuya ka jan isang taon lang tanda ko sayo kuya ka jan"
Niña: "sabi mo kasi elder brother eh haha"
nagkulitan at nag asaran lang kami buong maghapon.
6pm na nung magpaalam syang uuwi na. pero di ako pumayag syempre na hindi sya ihatid.
pagdating sa bahay nila, tahimik nanaman sya. kaya ayoko syang umuwi eh.
"hey Nin's" tawag ko sakanya pagpasok namin ng bahay
"yes?"
"wag ka ng malungkot. maaayos din lahat okay?"
"opo tatay haha"
"yan ang Niña na kilala ko, pasaway haha"
nagtawanan lang kami at nagbarahan. nagluto din sya ng dinner, this time sya naman nag insist na dun na ko kumain sa kanila sila lang naman daw kasi ni John sa bahay mamaya pa daw ang parents nila.
masarap din sya magluto, nakakatuwa kasi pareho kami ng mga hilig like basketball, music, cooking.
after namin kumain hindi nagtagal umalis na din ako. hinatid nya ko sa labas ng gate nila.
"Nin salamat sinamahan mo ko this day" nakangiti kong sambit sa kanya.
"ako nga dapat magpasalamat eh. pinagaan mo loob ko. thanks Mond"
"oh pano alis na ko gabi nadin kasi eh. basta Nina andito lang ako for you. isa pa our house is always open for you" sabi ko habang sinusuot ung helmet ko. nakamotor kasi ako.
"thanks talaga mond your the best magtext ka pag nakauwi ka na ah"
"yes babe haha" pabiro kong sagot sakanya nasuntok tuloy ako.
nadatnan kong kumakain sila mommy,
"anak kain na" bungad sakin ni mommy
"busog na po ako. galing po ako kala Niña eh. paliwanag ko sabay kiss sa cheeks ni mommy.
"ehem ehem" epal ni Ron, di ko nalang pinansin tatawagan ko pa si Niña eh
"akyat po muna ako"paalam ko bago ako asarin ng mga 'to.
nasa hagdan palang ako tinawagan ko na si Niña sumagot naman kagad sya, 20 minutes din kami nag usap hanggang sa nagpaalam sya na inaantok na daw sya.
BINABASA MO ANG
I'm secretly engaged with mr.sungit
Roman pour Adolescentshave you ever been inlove with your total opposite? Niña and Raymond are friends but have these very different attitude towards each other. will they survive being lovers? or they will be better off as friends?