drama queen/king

9 0 0
                                    

Niña's POV

three days na ang nakakalipas simula nung umamin sakin si Raymond pero hanggang ngayon hindi ko padin sya kayang kausapin. hindi ko kasi alam kung pano eh. ang dami nya ng texts at missed calls pero wala akong sinagot kahit isa.

"bunso birthday ni Raymond ngayon ah. di ka pupunta?" andito si kuya ngayon sinusundo ako

"ha?ano na bang date?"

"august 31 po miss, kaya bumangon ka na jan. hindi pwedeng hindi ka sasama"pag pipilit ni kuya sakin

"kuya ikaw nalang, madami pa kong gagawin eh. busy ako"

"bunso alam ko na nangyari kaya wag ka ng magpalusot"napatingin ako kay kuya sa sinabi nya. wala naman kasi akong pinagsabihan nun kahit sino.

"ha?pano?"

"pareho kayong matamlay ni Raymond kaya kinausap ko sya. after decades umamin din sya sakin" paliwanag ni kuya

"bigay mo nalang yung regalo ko kunin mo jan sa closet" utos ko kay kuya, actually last week pa ko nakabili ng gift for him.

kuya: "ang drama mo. puntahan mo na si Mond kanina pa daw ayaw kumain nun. anong petsa na 4pm na oh"

me: "bakit nasakin ba ulam nya?" pamimilosopo ko

kuya: "wala pero yung puso nya nasayo haha nagtext si Mariz sakin tinatawagan ka daw nya di ka macontact"

me: "lowbat cp ko eh. nakakatamad icharge"

bigla akong hinarap ni kuya "bunso alam ko nahihirapan ka din, pero harapin mo sya, kung ayaw mo talaga sabihin mo, wag ganito" paki usap ni kuya

me: "kuya natatakot kasi ako, kaibigan ko sya at ayoko syang masaktan"

kuya: "sa tingin mo ba hindi sya nasasaktan sa set up nyo?"

i sigh in defeat. tama naman sya eh "oo na.intayin mo ko gagayak lang ako"

after 2 hours bumaba na din ako.oo 2hours di ko kasi alam kung pano ko sya haharapin.

"tagal mo bunso" bati ni kuya Mike

nginitian ko lang sya "tara na?" aya ko

pagdating namin sa Manalastas' residence andun ang barkada pati mga pinsan ni Raymond nagkakatuwaan pero wala sya.

"nagpakita din sa wakas!" saad ni Mariz habang nakangiti

"sorry sis. nasan kuya mo?" malungkot na sagot ko

"andun sa kwarto nya ayaw bumaba. ayaw din kumain. puntahan mo na alam kong ikaw lang makakapilit dun" saka nya ko niyakap.

andun din parents nila nag bless lang ako kay Tita Mel at Tito Robert saka ako umakyat sa kwarto ni Raymond

sa pinto ng room nya may post it note na nakasulat: "do not enter"

huminga muna ko ng malalim bago ko buksan yung pinto nya. nakita k0 syang naka baluktot sa kama nya.

"Bes happy birthday" nakangiti kong aya sa kanya. "tara sa baba kain ka muna"

"N-niña??" gulat na gulat sya ng makita ako. kung hindi siguro ganito ang sitwasyon namin pinagtawanan ko na sya

ngumiti lang ako "sorry kung hindi kita sinasagot, hindi ko kasi alam kung pano kita haharapin eh"

"Bes nadulas ako sayo sa feelings ko, but it doesn't mean that you have to like me back . ayoko lang ng ganito tayo" ngumiti sya pero malungkot ang mga mata nya

"pero bes ang hirap kasi eh"

"ano ka ba, kalimutan mo nalang yun. crush lang kita. mawawala din 'to. saka hindi naman kita liligawan noh, haha lalaki ka kaya" sabay punta sa CR

"baliw! maligo ka na nga ang baho mo na" binalibag ko yung unan sa likod nya

"di ka sasama?" biro nya

after 30 minutes lumabas na sya sa CR na nakabihis na.

"andito ka pala pre" bati ni Jayson

"tigilan nyo ko at ako'y nagugutom haha" sagot ni Raymond

"arte kasi nagddrama pa nagugutom naman pala" bulong ko

"may sinasabi ka?!" hala nadinig pala

"wala sabi ko pangit mo"

nag asaran na lang kami hanggang nagpaalam na kaming umuwi ni Kuya,

salamat naman at okay na kami. :)

"Mike ingatan mo 'to ah" bilin niya sa pinsan ko

"yes baby HAHAHAHA" pang aasar ni kuya bago patakbuhin ang motor nya

"baliw!" sigaw nya

pagdating namin sa bahay, naabutan namin ang napaka bait kong bestfriend na si anthony sa garden na nag iintay sa amin

"oh bes ano atin? gabi na ah" tanong ko sakanya

ngumiti lang sya sakin ng malaki sabay yakap sakin. aaminin ko namiss ko ang bestfriend ko

"dito ko matutulog bes!" sabi nya pagkahiwalay namin sa pagkakayakap sa isat isa.

I gave him a questioning look.

"namiss ko kasi bestfriend ko" saad nya pero tinaasan ko lang sya ng kilay.

"okay fine. wala kasi akong kasama sa bahay lahat sila busy kaya makikitulog ako sayo ngayon at wala ka ng magagawa dahil payag na si tita" sagot nya sabay pasok sa bahay namin.

at talaga nga naman pinagsaraduhan pa ko ng pinto. tawa naman ng tawa ang magaling kong pinsan habang pailing iling "bunso, pano ba yan uwi na ko at may ikkwento pa ko kay Raymond mamaya" sabay kindat sakin

"nako kuya para kang tanga jan. papasok na nga ako at baka masiraan pa ko ng mabait sa mga lalaki sa buhay ko hahaha bye kuya love you" paalam ko sabay halik sa pisngi ni kuya

pag alis ni kuya pumasok na din kami ni anthony sa loob ng bahay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm secretly engaged with mr.sungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon