Chapter 1

12 0 0
                                    


In every games there's always a rules.

It always had a winner or loser.

Walang larong parehas kayong nananalo.

Sa isang laro nakadepende sa isang tao kung gusto niya manalo o matalo.

Pero ako?

I never lose. Never in my entire life.

Lahat ng gusto ko nakukuha ko

Wala akong pinapalagpas na pagkakataon dahil gusto ko manalo sa kahit na ano.

Pero hindi ako gangter ha.

That's not what I mean.

Elara Zaniah Avellano, 26 years old, 4th year medical student.

"Congrats, Elara!"

"Galing mo talaga"

"Kagilas. Consistent ka talaga"

"Ano ba kasing sikreto mo? Share naman."

Natatawang umiiling nalang ako sa mga sinasabi nila at nagapasalamat habang naglalakad ako patungong classroom. Ganyan sila palagi sa tuwing may competition sa school namin. Well, hindi ko naman sila masisi, ako na to eh.

"Elara!"

Napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.

"Ano?!" sigaw ko sa kanya

Hinihingal siyang lumapit sa akin. "Naks..oh-oh i-ikaw na naman nanalo"

Inirapan ko siya. "Umayos ka nga muna bago ka magsalita"

"Kanina pa kasi kita tinatawag kaso naging lutang ka na naman yata kaya dire-diretcho ka sa paglalakad"

"Wow ha. Coming from you. Alam nating dalawa na mas lutang ka pa sakin"

Tumawa siya. "Heh!"

"Ano ba yon at bakit ka pa nag effort tumakbo papunta dito?"

Inirapan niya ko "Kasi nga gusto lang kita i-congrats. Galing mo talaga bff!"

"Bff ka diyan? Pinaplastik lang kita Coleen Fiera Dela Vega"

Coleen Fiera Dela Vega, Cofi for short. 4th year Tourism Student. Jolly and maingay na babae. Madaldal, maputi. magkasing tangkad lang kami but I'm 5 years ahead to her. Chismosa, source ng chika 'yan, kahit anong chika nasasagap niya dahil friendly siya sa lahat. NBSB yan kasi mataas ang standard niya sa lalaki. Siya ang pinaka maarte sa aming magkakaibigan. Maarte din yan katulad ko pero yung arte na hindi kaiinisan, kundi arte sa ibang bagay. Ayaw kasi niyang may humahawak sa gamit niya because according to her, its that what we called "privacy". Maarte yan sa pagkain, hindi siya basta basta kumakain ng kung ano-ano ewan ko ba diyan may allergy yata sa ibang pagkain. She's also smart person like me. Kaya nagkakasundo kami sa mga bagay kasi halos parehas kami ng personality.

"Talagang kailangan full name Elara Zaniah Avellano"

Nagkatitigan kami at parehas tumawa.

"Parang tanga naman Cofi, ano nga kasi yon?" natatawang sabi ko

Binatukan niya ko. "Alam mo ang talino mo academically, tanga ka talaga sa ibang bagay"

Sinamaan ko siya ng tigin. "Kung sinabi mo na edi sana tapos na no, may pasok pa po aber"

Nanlaki ang mata niya "Hala oo nga gago bakit ngayon mo lang sinabi"

"Kadaldal mo kasi" sabi ko at inirapan siya.

"Sige na bye. Congrats ulit. See you later!" Sigaw niya

Iiling-iling akong pumasok ng classroom, buti nalang wala pa yung professor namin. Ang sungit pa naman non.

Chasing the MoonWhere stories live. Discover now