SIMULA

7 2 0
                                    

-MICHELLE ARELLANO-

"Mich, aalis ako, may ipapabili ka ba?" Tanong ng kaibigan ko habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok.

"Wala.." Maikling tugon ko bago humiga sa kama na malapit ng bumigay dahil may kalumaan na. Umingay pa ito pero buti na lang nakaya pa nito ang bigat ko.

"Naiinis na 'ko sa tunog ng kama mo, kailan ba 'yan papalitan ni Mrs. Diocares? Bumabayad tayo on time at fully paid pa pero hindi niya mapalitan 'yan. Parang kasing-tanda niya na 'yang kama mo."

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Pero tama siya, matanda na kasi si Mrs. Diocares at mukhang kasing-tanda nga niya itong kama ko. Luma na pero ayos pa naman siya kaso nga lang nakakasagabal ang tunog tuwing gabi.

"Hayaan mo na, papalitan niya rin 'yan hindi pa nga lang siguro ngayon. Mukhang busy, hindi na nga siya dumadalaw sa 'tin dito," tugon ko.

"Pansin ko rin, tatawagan ko na lang mamaya para kumustahin at ipaalala sa kan'ya ang tungkol d'yan sa kama mo."

Ang tinutukoy ng kaibigan ko ay ang landlady nitong apartment na tinutuluyan namin mga halos dalawang taon na. Mabait siya sa'ming mga tenants at tinuring na rin namin siyang pangalawa naming ina kaso nga lang masyadong apurado kapag oras na ng bayaran sa renta ng apartment.

"Kanina mo pa 'yan hawak-hawak ang cellphone mo. Bakit? May hinihintay ka na tawag o text?" kuryusong tanong niya. Hindi ko man lang napansin na tapos na pala siya sa pag-suklay ng buhok niya.

"Oo, tawag mula kay lola," sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"Kakatawag lang ni lola Saida sa 'yo at narinig ko kaya ang usapan ninyo. Ang sabi niya, tatawag siya ulit bukas. Asus! Kilala kita, alam kong hinihintay mo ang reply o tawag ng ex mo. Huwag ako Michelle, lokohin mo na ang iba pero huwag ako," inis na tugon niya. Hindi na 'ko sumagot baka kasi sumabog 'yan sa galit at sermonan na naman ako ng paulit-ulit.

Kaibigan ko talaga siya, alam niya kung kailan ako nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo.

"Move on din 'pag may time, hindi na 'yon re-reply sa mga text mo at hindi na siya babalik. Hay naku! move on na friend, ikaw lang ang masasaktan kapag ipinagpatuloy mo pa 'yan," dugtong pa niya. Tumango na lamang ako bilang sagot at hindi na nagsalita pa.

Pagkalipas ng ilang segundo, umalis na si Trixie para bumili ng grocery. Wala akong maisip gawin kundi ang mapatingin na lang sa kisame ng apartment habang iniisip siya.

Kumusta na kaya siya? Maayos na kaya ang lagay niya? Kumakain kaya siya tatlong beses sa isang araw? Iniinom niya kaya ang mga gamot niya? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero sa tingin ko hindi niya na ito masasagot pa.

Good morning babi, kumusta ka na? Maayos na ba ang lagay mo ngayon? Iniinom mo ba ang mga gamot mo? Pagaling ka babi. Alam mo miss na miss na kita, dalawang taon na kitang hindi nakita at nakasama pero umaasa pa rin ako na babalik ka. Nangako ako sa 'yo, 'di ba? Na kahit ano man ang mangyari, hinding-hindi kita kakalimutan at ikaw pa rin ang mamahalin ko.

Babi, sana nababasa mo ang mga text ko. Araw-araw akong naghihintay sa reply mo pero kahit ni isang text, wala akong natanggap galing sa 'yo. Pero babi kahit gano'n, mahal na mahal pa rin kita at hihintayin kita. I love you babi, I'm hoping and praying na sana gumaling ka na sa sakit mo. I love you.

Huling text ko sa kaniya bago ako nagising sa reyalidad na hindi na nga siya babalik at wala na siyang balak na bumalik. Ewan ko nga ba bakit umabot pa nang isang taon bago ko napagtanto ang tungkol sa bagay na 'yon. Masyado akong nagpapadala sa mga pangako na hindi naman natutupad at patuloy kong pinapaasa ang sarili ko na balang araw babalik din siya, babalikan niya 'ko pero wala, umasa lang ako sa wala.

Bakit kaya ako nagpapakatanga sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan? Bakit patuloy akong umaasa kahit alam ko naman na ako pa rin ang masasaktan?

Naging tanga ako sa pag-ibig, masyado akong nabulag sa pagmamahal niya at sa mga pangako niyang napako. Wala naman akong pinagsisisihan, nagmahal lang ako, umibig sa isang tao na alam kong hindi naman magiging akin at makakasama hanggang sa pagtanda ko.

Bilog daw ang mundo sabi ng lahat, pero ang tanging tanong ko kung bilog nga ang mundo bakit hindi nagtatagpo 'yong mga taong nakatadhana para sa isa't isa? In other words, "parallel universe exist" kasi minsan mapaglaro rin ang tadhana, pinaglalapit tayo sa mga taong akala natin para sa 'tin na 'yon pala hindi naman. Patuloy lang tayong umaasa na balang araw dadating din si The One sa mga buhay natin.

Ngunit hanggang kailan din ako maghihintay? Hanggang kailan ako aasa na babalik nga si The One?

Bilog daw ang mundo pero hindi naman kami nagtagpo ng taong mahal ko. Alam ko na darating ang panahon na magtatagpo ang landas naming dalawa pero sa panahong 'yon siya pa rin kaya ang mahal ko? Siya pa rin kaya ang tinitibok nitong puso ko?

Still You [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon