KABANATA 1

5 2 0
                                    

"Michelle, nakita mo ba ang isang pares ng sapatos ko? Nakalimutan ko kung saan ko nilagay," tanong ng aking butihing kaibigan na abala sa paghahanap nang kan'yang branded na sapatos.

"Trix, mata ang gamitin sa paghahanap huwag bunganga, okay? Baka nand'yan lang sa tabi-tabi, hanapin mo na lang," sagot ko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

Aalis kaming dalawa, mag-e-enroll for second semester. Wala sana sa plano ko ang mag-enroll kasi balak kong umuwi ng probinsya para bisitahin ang lolo't lola ko. Kaso itong kaibigan ko, ayaw akong pauwiin sa'min baka kasi raw hindi na 'ko bumalik ng Maynila.

Mahigit isang oras niyang hinanap ang kan'yang sapatos at sa wakas nahanap niya na. Parang tanga rin 'to minsan ang kaibigan ko, nasa ibabaw lang pala ng closet niya nailagay ang kan'yang sapatos pero hindi pa niya nakita. Nag-uulyanin na talaga ang kaibigan ko.

Siya si Trixie Abegail Moreno, kaibigan ko mag-mula grade school hanggang ngayong college. Hindi kami mapaghiwalay na dalawa at parang kambal tuko kami. Pareho kami ng course na kinuha sa college at iisang apartment lang din kami na tinitirhan. Mabait siya at maalaga. Hindi niya 'ko iniwan no'ng mga panahong nasaktan ako ng dahil sa pag-ibig.

"Alis na tayo Mich, sa university na lang din tayo kakain. Don't worry libre kita, tara na," nakangiting aniya. Wala na rin akong nagawa kundi ang magpatangay sa kan'ya palabas ng apartment.

Ang bait talaga ng kaibigan ko kaya mahal na mahal ko siya eh. Hindi ko rin siya magawang iwan dahil sa mga ginawa at tinulong niya sa akin para makabangon ako mula sa sakit at hirap na dinanas ko sa nakaraan.

Kasalukuyan kaming nagbabantay ng jeep na masasakyan namin papuntang university. Kaso iilang jeep lang ang bumabiyahe, kaya pahirapan sa pagsakay.

"Ano ba naman 'yan?! Wala man lang ni isang jeep ang dumaan. Mag-taxi na lang kaya tayo, Mich." Puro talaga reklamo 'tong si Trixie, eh mga halos sampung minuto pa lang kami na nakatayo rito.

"Makaka-save tayo ng pamasahe kapag sa jeep tayo sumakay 'tsaka 9 am pa lang naman. May dadating din na jeep, hintay lang tayo," sagot ko at sumang-ayon naman siya. Buti na lang masunurin 'tong kaibigan ko, sinusunod agad ang ano mang sasabihin ko.

"Mich, ayan may bus, d'yan na lang tayo sumakay." Napatingin ako sa tinitingnan niya. Parang biglang sumama ang pakiramdam ko nang dahil sa sasakyang tinutukoy niya.

Sa lahat ba naman na pwede naming sakyan, bakit 'yan pa?

"Trix, alam mo naman 'di ba na-"

"Oo alam ko, wala siya d'yan Mich at hindi na 'yon babalik," putol niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako, ayoko sanang sumakay diyan kaso no choice na kami.

Tumigil ang bus sa harapan namin at nauna nang sumakay si Trixie. Habang ako nanatiling nakatayo at walang balak sumakay sa sasakyang makakapagpaalala sa kan'ya.

"Miss? Sasakay ka pa ba?" tanong ng konduktor. Nag-aalangan ako, ayoko talaga kasing sumakay.

"O-oo kuya.. sorry po." Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago ako sumakay. Napapikit ako at pilit na winawaksi sa isipan ko ang mga masasayang ala-ala na kasama siya sa sasakyang ito.

Bahala na nga, kaya mo 'to Michelle.

Pagkapasok ko pa lang ng bus, bumilis na agad ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa paligid at hindi ko man lang napansin na lahat pala ng pasahero sa akin nakatingin.

"Mich, dito..." Lumapit naman ako sa direksyon ni Trixie at naupo na lang din agad sa tabi niya.

"Bakit ang tagal mo? Akala ko pa naman nakasunod ka lang sa 'kin," aniya.

"Sorry," paumanhin ko. Napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko na kanina pa nanginginig dahil sa kaba.

"Mich.. move on na, okay?" Wala akong kahit na anong maisagot kundi ang tumango na lang. Tama siya, kailangan kong mag-move on pero sa tuwing nakasakay ako rito, bigla ko siyang naaalala.

Matagal na panahon na rin 'yon pero bakit hanggang ngayon hindi ko parin magawang kalimutan ang unang araw na nakilala ko siya?

"Miss, may nakaupo ba rito sa tabi mo?" Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita sa harapan ko. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko na siya.

Ang gwapo niya, tangena! Para siyang anghel sa paningin ko.

"Ahh wala.. pwede kang maupo riyan," sagot ko. Ngumiti siya at naupo na sa tabi ko. Ngunit, hindi ko pa rin magawang alisin ang tingin ko sa kan'ya.

College student din siya at sa tingin ko iisang university lang kami ng pinapasukan dahil sa suot nitong ID. Anong year na kaya siya? Pero bakit naging interesado ako sa nilalang na 'to?

Lumapit ang konduktor sa direksyon niya, hindi pa kasi siya nakakapagbayad ng pamasahe. Umiwas na lang din ako ng tingin sa kan'ya baka kasi mahalata pa niya.

"Kuya, sandali lang po ha?" sabi niya sa kay kuyang konduktor. Napalingon ako, mukhang hindi niya mahanap ang kan'yang pitaka. Ilang beses niya ng tiningnan ang bulsa ng bag niya kaso wala pa rin.

"Asan na ba 'yon? Dito ko lang nilagay 'yon ah," usal nito habang kinakalkal ang loob ng bag niya.

"Bakit ka pa sumakay kung wala ka namang pamasahe?" Agad na napatingin sa direksyon namin ang lahat ng pasahero nang sabihin 'yon ng konduktor. Nagsimula na rin ang bulungan sa paligid pero itong katabi ko, hindi niya man lang napansin.

Sa tingin ko kailangan niya na talaga ang tulong ko.

"Ahh kuya, heto ho ang bayad niya," ani ko at inabot kay kuyang konduktor ang bente pesos na laman ng pitaka ko. Gulat na napatingin sa 'kin itong katabi ko ngunit nginitian ko na lamang siya.

"Pasalamat ka, mabait 'tong katabi mo. Kung hindi, baka naibaba ka na ng driver nitong bus," wika ng konduktor. Nilakasan pa talaga niya, 'yan tuloy bumalik sa amin ang mapanghusgang tingin ng mga pasahero.

"Kuya, classmate ko ho siya at hindi naman siguro issue 'yon 'di ba na ako ang mag-bayad ng pamasahe niya?" ani ko na ikinatahimik ng konduktor. Nang maibigay niya na sa 'kin ang sukli, umalis na rin siya sa harapan namin.

'Panget na nga, ang sama pa nang ugali.'

"Hey.. salamat nga pala sa tulong mo. 'Di bale kapag nagkita ulit tayo rito sa bus, ililibre rin kita ng pamasahe," aniya. Umiling ako bilang sagot na ipinagtaka niya.

"Willing naman akong tumulong sa mga taong nangangailangan. Hindi mo na kailangang bumawi baka hindi na rin naman tayo magkita," sagot ko. Napansin kong nalungkot siya sa sinagot ko pero totoo naman 'yong sinabi ko, walang halong biro.

Umiwas na ako ng tingin sa kan'ya at itinuon ang paningin ko sa labas ng bintana. Hindi ko napigilan ang mapailing, ang gwapo nga niya pero makalilimutin pagdating sa pitaka niya.

"I'm Mikael.. pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" biglang tanong niya. Nilingon ko siya at naabutan kong nakangiti siya nang pagkatamis sa akin.

"Michelle.." sagot ko.

Hindi ko akalain na sa araw na iyon, titibok ang puso ko nang dahil sa isang lalaki. At dahil 'yon kay Mikael, ang lalaking isang beses ko pa lang nakita pero siya na ang hinahanap ng mata ko at dahilan nang nagwawala kong puso.

Still You [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon