Start

18 2 0
                                    

Simula :)



"Anak, kunin mo ito at magtago ka!" sabi ni ina sa akin at ibinigay ang patalim na aking ginagamit sa aming ensayo.


Kahit nagtataka at natatakot ay ako'y naghanap ng matataguan. Nakarinig ako ng sigawan sa labas. Narinig ko ang pagmamakaawa ng mga tao.



"Ina!" sigaw ko dahil sa takot.

"Magtago kana, Astra!" sigaw niya.

Agad akong nagtago at pumikit na lamang.

"Patayin siya!" sigaw ng sundalo na nagpatakot sa akin.

Hindi ako nag-abalang gumawa ng anumang tunog. Aking pinapakinggan ang kanilang pagpatay sa lahat ng tao sa aming bayan at ngayon ay pinapanood ko silang papatayin ang aking ina. Ang aking mahal na ina. Nais kong lumabas sa aking pinagtataguan ngunit ramdam ko na hindi iyon magugustuhan ng aking ina.

"Siya ay isang mangkukulam! Gumagawa siya ng mga gayuma  na maaaring pumatay sa lahat ng tao sa ating kaharian!" sigaw ng kawal. "Nais nyang pataying tayo!"

Mangkukulam? Ang aking ina ay isang babae lamang na nagsusumikap para sa amin.

Habang nasa tagong lagayan ako, nagtatago. Pinanood ko ang sundalo na patayin ang aking ina gamit ang kanilang espada. Ang marka ng espada, ang dugo ng aking ina. Nakita ko ang pagbagsak niya sa kanyang mga tuhod na may dugong lumalabas sa kanyang bibig. Para akong naging bato sa aking pinagtataguan.

"Pinatay natin ang bruha ngayon ay magagalak ang hari." sabi nila at saka umalis.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan. Aking nilapitan ang aking ina. Patay na siya. At ito ay dahil sa mga kawal ng kahariang iyon. Dahil sa kanilang mga akusasyon. Pinatay nila ang aking ina. Pinatay nila ang mga inosenteng tao.

Gusto kong umiyak ngunit ang sabi ni ina ay kailangan kong magpakatatag. Pero hindi ko kaya ang sakit. Patay na ang aking mahal na ina.


Napatingin ako sa espada na ginamit ng mga hangal na iyo para patayin ang nanay ko. Ito ay may marka, isang napakagandang marka na nagmula sa masamang kaharian. Isang marka ng araw.

Sila'y magdurusa sa aking kamay.


Umalis ako sa bayan, nasusunog. Bumagsak ang mga luha na aking nais punasan. Ako'y pumunta sa malaking Bundok kung saan walang makakakita sa akin at doon titira. Aking pamumunuan ito. Hindi na ako mabubuhay sa labas ng bundok na ito. Napaka sakim ng mundo.


Dinala ko ang espada at nilinis ito. Kaya kong protektahan ang sarili ko gamit ang espadang ito. Ito lang naman ang pumaslang sa aking ina, naalala ko pang ako'y kanyang tinuruan humawak ng patalim. Ramdam ko ang kanyang agos ng dugo sa patalim na ito.




Ngayon, ako'y maghihiganti sa kanilang pagpaslang sa aking ina at sa mga inosenteng mamamayan.

Tears of the Great MountainWhere stories live. Discover now