Chapter 4

2 0 0
                                    

Chapter 4

"Mahal na Reyna, kay aga mong nagising!" si Pierre.

"Magandang umaga."

"Pierre, kumain ka muna sa kwarto." utos ng matandang babae.

"Mabuting dito na lamang siya kumain," saad ko.

"Nera po, Mahal na Reyna."

"Nera, dito sa hapagkainan na lamang kayo kumain ni Pierre iilan lang naman tayo." utos ko na agad nitong sinunod.

Lumabas ako ng palasyo upang mag ensayo. Kasabik sabik ang pumaslang ng mga masasama.

- - -

"Kay agang magising ng Reyna ng Hesperia." saad ko.

May hawak hawak ang Reyna na matigas na patpat at nagsasanay.

"Kay tagal mong magising, Keegan. Maaari na ba nating umpisahan ang paggawa ng sandata."

"Nakahanda na ba—"

"Handa na ang lahat ng gagamitin, manlalakbay. Tumingin ka sa iyong gilid." pagputol nya sa aking sasabihin.

Kumpleto nga ang mga kagamitan.

"Kung gayon maaari na nating umpisahan ang paggawa, Mahal na Reyna." saad ko at kumuha na ng metal. Saan nya kaya nakuha ito? Maganda ang metal na kinuha nya parang galing pa sa isang magma. 

Itinuro ko sa mahal na reyna kung paano ito gawin. Hindi naman siya naging mainipin sa panonood.

"Kailangan nating mag hintay ng isang araw upang ito ay tuluyang mabuo." saad ko.

"Nais kong lagyan mo ito ng disenyo, tutal ay ikaw naman ang may gawa." saad ng Mahal na Reyna.

"Ang planetang Venus." saad ko.

"Pareho tayo ng iniisip, Keegan. Iyan rin ang aking naisip na disenyo."

"The Evening Star." saad ko.

"Kay gandang disenyo iyon." isip isip niya.

"Mahal na Reyna, maaari bang samahan kita sa iyong pag-eensayo."

"Sige, atin ng umpisahan." sabi niya at inihanda ang patpat.

- - -

(SOLANA)

"Nasaan na kaya si Azar." tanong ni Alvis habang sila'y nasa hapagkainan at kumakain.

"Huwag mo nang aalahanin ang isang iyon, tiyak akong makakuwi rin iyon ng ilang araw." si Malachy.

"Malachy, bilang aking pangalawang anak at isang prinsipeng mandirigma. Ika'y aking inuutusan na sundan mo ang iyong panganay na kapatid kung sakaling hindi siya umuwi ng ilang buwan." utos ng Hari sa kanya.

"Masusunod." tanging sagot ni Malachy.

"Sasama narin po ako, Mahal na Hari." si Alvis.

"Hindi maaari, ipaubaya mo na sa iyong nakakatandang kapatid ito." saad ng Mahal na Hari.

Nagkatinginan ang dalawang mag kapatid.

- - -

*TUHHHHKKKKK

"Tsk!" asik ng Reyna ng Hesperia at muling sumugod.

Kamangha mangha dahil hindi parin siya pagod. Ilang oras na kaming nagsasanay.

Napaluhod ako ng matamaan niya ako ng patpat sa braso. Masakit iyon. Napakalakas ng kanyang hampas.

"Sumusuko kana ba?" hinihingal niyang tanong.

Kailan man ay hindi ako susuko ngunit kung siya ang aking kalaban ay gagawin ko. Ayokong mahampas ulit ng patpat.

"Napakalakas mo, isa ka ngang mandirigma."

Inialis niya ang patpat sa aking leeg.

"Nasasabik na akong ipatikim ang aking galit sa kahariang iyon." tanging saad nya at tinatanaw ang magandang kalikasan.

"Anong kaharian ang iyong tinutukoy, Mahal na Reyna?"

"Ano pa ba? Ang kahariang nasa timog kanluran. Ito ay may markang araw." saad niya.

The Solana Kingdom.

But why?

"Ano namang dahilan kung bakit nais mong maghiganti sa kahariang itinuturing napakalas ngayon." tanong ko.

"Sapagkat sa kahariang iyon nanggaling ang mga masasamang kawal na pumaslang ng mga inosenteng tao! Kasama na rito ang aking pinakamamahal na ina!"

I'm sorry.

"Tingnan natin kung magiging malakas pa ang kahariang iyon kung aking papaslangin ang kanilang pinuno."

My father.

I need to go back to my kingdom.

But i dont want to leave them.

I found peace in this place.

"Keegan, maaari mo ba akong tulungan sa aking nais? Ikaw ay parte na sa aking kaharian dahil wala naman sa mga kaharian ang iyong pinanggalingan."

I looked at her in the eyes. Her emerald eyes.

I want to but the King is still ny father and the Solana kingdom, I can't do it but if i don't my father will kill a lot of innocent people again.

"Bakit hindi mo muna alamin ang dahilan kung bakit ito ginawa ng pinuno ng kahariang iyon, Mahal na Reyna?" tanong ko, iniiwas ang kanyang hiling.

"Ano nga ba ang dahilan?" tanong niya. "Upang mapasaya ang pinuno nila dahil sa pag kitil at pag aakusa ng mali sa mga inosenteng tao?"

I want to deny it but i know, that's the truth.

"Tiyak akong may mas malalim pang dahilan ito, Mahal na Reyna." saad ko.

"Kuh iyan ang ikakabuti ng iyong isip, tutal at dito ka naman na titira, sa aking kaharian." sabi niya.

Titira. I can't stay here.

Hindi na siya nagsalita at tinanaw lamang ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid.

How beautiful the sky is.

.____________.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tears of the Great MountainWhere stories live. Discover now