I am finally back after a month of being hiatus. Thank you for waiting for this update. Enjoy!
***
WARNING R18+
Matapos ang concert ng Dayamond ay hindi na muna ako tumanggap ng mga projects aside from brand endorsements and guest roles. Gusto ko munang magpahinga ng two weeks bago ako tumanggap ulit ng panibagong proyekto.
Gusto ko rin munang mag-focus kina Jasen at Jaze dahil matagal-tagal akong nawalan ng oras sa kanilang dalawa. Gusto ko munang bumawi dahil kahit na pareho nila akong naiintindihan ay kailangan ko pa ring magkaroon ng oras para hindi lumayo ang loob namin sa isa't-isa.
Kahapon lang ay lumipat kami sa bahay ni Jasen dahil gusto niya raw na nakikita kami araw-araw. Naiwan tuloy si Jesse sa bahay ko. Tuwang-tuwa naman ang bata dahil sa mga kotseng nakatambak sa garahe ng ama at hiningi pa nga ang isa.
Jasen was at work and currently cooking our lunch. Marami namang ingredients sa refrigerator niya kaya hindi ako nahirapang isipin kung ano ang iluluto ko.
I cooked a sweet and sour meatballs, onion rings, and rice. Nang matapos akong magluto at maghain ay tinawag ko na si Jaze. He obediently went to the dining room after washing his hands.
Uupo na dapat ako kaso ay biglang tumunog ang doorbell kaya sinabihan ko si Jaze na mauna nang kumain dahil bubuksan ko lang ang pinto. Tumango naman siya at nagsimulang sumandok.
Naglakad ako papunta sa front door. Nang marating ko ay pinilit ko ang pinto at lumabas. Naglakad ako papunta sa gate para tingnan kung sino ang nag-doorbell.
Tumaas ang kilay ko sa nakita ko. Isang babaeng ubod ng kapal ang make-up, ang kapal ng eyeshadow at lipstick niya. Dumako ang paningin ko sa damit niya.
Halos ngumiwi ang bibig ko dahil sa hapit iyon at kulang na lang ay lumabas ang hinaharap sa sobrang baba ng neckline ng dress niya at sobrang ikli rin niyon.
"Who are you? Why are you in President Magnus' house? Magnanakaw ka, 'no? I'll call the police!" Her high pitched voice reverberated. Muntik na akong mabingi dahil do'n.
I looked at her like I'm looking at the most idiot person on this planet. Because she really is a stupid woman!
Sa higpit ng security sa subdivision na 'to, tingin niya may magtatangkang magnakaw rito? At kung magnanakaw man ako, does she think I'll open the door stupidly?
I sighed inwardly. Nasobrahan sa make-up pero kinulang sa talino.
I forced myself to smile at her without intending to open the door for her. Hindi ko naman siya kilala at hindi ko naman bahay 'to kaya hindi ako p'wedeng magpapasok ng kung sino-sino lang dito.
"Wait lang, miss. Tatawagan ko lang si Jasen," sambit ko at tumalikod.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?!" bulyaw na tanong niya. Hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob.
Kinuha ko ang phone ko at ini-dial ang numero ni Jasen. Hindi rin naman nagtagal ay sinagot niya ang tawag ko.
"Baby, kumain na kayo? Bakit ka tumawag? Do you miss me?" Umirap ako sa kawalan sa huli niyang tanong.
"Si Jaze, kumakain na," sagot ko sa unang tanong niya. "May bisita kang babae pinagkamalan akong magnanakaw. Papapasukin ko ba?"
I couldn't hide the bitterness on my voice as I said the following words. I felt him moved to the other line.
"Bisitang babae...?" He pondered for a moment. "I don't expect anyone today. Tinanong mo ba kung sino?" tanong niya maya-maya.
"Hindi." maikling tugon ko. I felt anger and jealousy surged inside me.
BINABASA MO ANG
Domineering Night
Random⚠Warning: R18+⚠ domineering /adj/ asserting ones will over another in an arrogant way. Domineering Duology #1: Jasen Chase Magnus Her boyfriend cheated on her with her step-sister. Her father chose his mistress over her as he believes in their li...