"Goodmorning class!", masayang pagbati ni sir Falcon samin
"Goodmorning sir!", sagot naman namin
"Please take your seats now.", at umupo narin siya. "So last meeting we discuss about the history of Mathematics, for today we will discuss about......bluh......bluh......bluh........", ayun na nga at nagsimula na kong makaramdam ng antok. Di ko lang talaga alam kung bakit naging sleeping pills ko na ang Mathematics. pero kahit ganun magaling parin ako sa subject na yan, simple lang naman kasi eh.Ginogogle ko yung lessons namin at mas nakakakita ako ng mas maraming ideya mula sa internet.
Habang lumulutang ang isip..,.....
"Hoy!...", may pabulong na sumigaw sa tabi ko, sino sa tingin nyo?
......sino pa ba edi yung babaeng akala mo ilang taon ko ng kilala.......
"HOy!, sabi eh", aba't sinabayan na nya ng siko.
Tinignan ko muna yung guro namin kung nakatingin saka ko lumingon sa kanya......
"Oh anong problema mo?", inis na tanong ko sa kanya
"wala....", inis din nyang sagot, saka siya sumimangot at umiwas na
Tignan mo tong babaeng to mangungulit tapos.
Nagtataka ba kayo kung bakit parang close na kami? Kasi naman isang linggo na rin ang nakalipas simula noong makilala ko siya at malamang siya pala yung nagtxt sakin ng gabi ng first day.Ganito lang naman ang nangyare......
/flashback/
"naniniwala na ako sa forever,
magmula ng makilala kita
kaya nga di ako sumorender
anu—-", naputol ako sa pagkanta ng mahina habang pumapasok ng room namin kasi naman
"ENCHONG!ENCHONG!", sigaw ng isang tao sa side ko. rinig ko naman siya dahil di naman nakafull ang volume ng headphone ko.
"ANo! bang!problema! MO!", pasigaw sinabi yan.habang binababa ko yung shades ko hanggang ilong sa pamamagitan ng paghawak sa gitna nito nang hindi naalis ang pagkasugpit sa tenga ko. Nakahood na jaket na naman kasi akong pumasok at nakatalukbong ito sa kin at inalis ko narin ang headphone.
O_O, nagulat naman siya at umurong patalikod
"kalma naman jan oh.", kinakabahang sabi niya, at dumiretso pag-upo sa nasagi nyang upuan sa likuran. Napansin ko namang lima lang kaming nasa loob, yung tatlo napalingon samin at nakapwesto sila sa pinakalikod
"ano bang problema mo miss?!!", pagtatanong ko sa kanya. kasi di ko maalalang kilala ko siya eh, pero parang namumukahaan ko siya
"di mo na ba ako naaalala, ako to si Ainslie yung tinulungan mo kahapon.", nakangiting sabi niya habang tinuturo ang sarili
"Ah ikaw ba yun.?", sagot ko naman at umupo sa pinakaunang upuan, siya sa pangatlo may pagitan kaming isang upuan
"ba't di ka nagreply kagabi?", nagtatakang tanong niya saken
"anong reply ka jan? wala naman akong naaalalang binigay ko yung numero ko sayo ah...", mas nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kanya
"ako yung nag text sayo ng gudnyt, pero di ka man lang nagreply.", medyo malungkot niyang sabi
"aba malay ko sayo, di mo naman sinabi kung sino ka eh. AT teka nga san mo ba talaga nakuha ang numero ko?", tanung ko ulit sakanya, kung gayon siya pala yung nagtext ng maraming spaces tapos gudnyt lang
BINABASA MO ANG
Fear of Falling inLOVE
RomanceHave you ever been inlove? Being brokenhearted? Friendzone? Became stupid? Marami talagang epekto ang love na yan, pwede ka nitong pasayahin,paluhain at malala kung minsan ay patayin pa. These are the three P's that you will experience when it come...