Part 2-
"ANO?! bAT DI MO SINABI AGAD"—ako
At bigla akong tumakbo paalis ng computer shop......................
takbo................
takbo................
takbo................
Takbo ako ng takbo, hanggang marating ko ang gate ng school. Nagpahinga ako saglit at palakad na pumasok sa loob..
"Girl, alam mo ba may nag-iiiyak na babae dun sa skul canteen?", sabi nung isang babaeng nakasalubong ko habang papasok sa skul.
"Oo nga girl, hanggang ngayon nga raw hindi parin tumatahan", pangiti-ngiti namang sagot nung isa.
"oy girls, nagtext yung classmate natin na andun. Nahimatay daw yong babae, kaya dalian nyo puntahan natin", tila masayang pang ibinalita nung isa pang kasama nila.
Akma na sana silang tatakbo ng humarang ako sa kanila "ano?!", gulat kong sigaw, "tell your classmate, not to let anyone touch her!".
Then I ran again, "But—-". Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin sana ng isa sa kanila. "Basta!!" dagdag ko pa habang palayong tumatakbo sa kanila.
Pagkarating ko sa pintuan ng canteen, "nasaan yung babaeng umiiyak" pahingal-hingal kong tanong sa pinakaunang babaeng nakita kong lumabas. "she's inside, at—-" di ko na naman pinatapos yong sinabi niya at dali-daling pumasok.
Inilibot ko ang aking paningin, hanggang sa may nakita akong babaeng umiiyak at nakatalikod sakin. Binilisan ko ang paglalakad papunta sa kanya..
"Anong nangyari sayo?,"nag-aalalang tanong ko saka ako tumabi sa kanya at umakbay sa likod niya.
"huhuhu...hikbi..hikbi...", tanging hikbi lang at pag-iyak ang sinagot niya sakin.
Ilang minuto pa ang lumipas, umiiyak parin siya. Takte lang, kasi ang sinabi hinimatay siya pero hindi naman pala. Mga tao nga naman ngayon, sobra kung mamalita at ako naman sobra kung magulat. Bakit nga ba ganito lagi ang nagiging reaksyon ko, naiinis ako sa mga babae. Pero bakit kapag nakakarinig ako ng mga babaeng nasasaktan, umiiyak o kung anu-ano pa nawawala yung inis na 'yon.
Abala ako sa pag-iisip ng.......
may humawak sa nakaakbay kong kamay kay Ainslie. Hindi ko man lang namalayang, may mabigat na bagay ang humalik sa mukha ko na sinabayan ng isang sigaw.
"Pare ano sa tingin mo yang ginagawa mo sa GIRLFRIEND KO!", pinagdiinan talaga niya yong GIRLFRIEND.
"ANong girlfriend ang sinasabi mo pare", nagtatakang tanong ko habang hawak ang nasugatang bibig at napaupo sa sahig, dahil sa pagkakasuntok niya.
"Girlfriend ko yong inakbayan mo pare!", sumisigaw parin siya habang nakatayo sa likod nung babaeng umiiyak.
"May boyfriend ka pala Ai—",naputol yung sasabihin ko dahil tumingala ang babae at nakita kong hindi siya si Ainslie.
"Nak nang......",pabulong kong sabi pero di ko na natuloy dahil susugurin na naman ako nung lalaking sumuntok sakin kanina pero....
"sssszzzzzzzzzzhhhhhhhhhhhh...BOOgshh!", nadulas yong lalaki sa sahig at napatihaya siya. Anung akala ng mokong na to, ganun ganun na lang yong pagkakasuntok niya sa kin. Bago pa ako napaupo, nakapaghulog na ako ng balat ng saging sa sahig. Nakuha ko yon sa mesa, pinagkainan nung mga dugyot na estudyante, sakto namang natapakan niya at ayon na nga.jeje.
BINABASA MO ANG
Fear of Falling inLOVE
RomanceHave you ever been inlove? Being brokenhearted? Friendzone? Became stupid? Marami talagang epekto ang love na yan, pwede ka nitong pasayahin,paluhain at malala kung minsan ay patayin pa. These are the three P's that you will experience when it come...