PROLOGUE

22 9 0
                                    

Maraming tao ang tumitingin sa akin habang nag lalakad akong umiiyak sa kalsada.

Wala akong ibang gustong puntahan kung hindi ang unang lugar na pumasok sa isipan ko... Maraming nag bubulongan habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Seguro dahil pangit ako kaya panay ang tingin nila sa akin, naka uniporme parin kasi ako dahil tumakas ako pag karating sa bahay galing skwela.

Walang tigil ang pag agos ng mga luha kong hindi ata maubos-ubos... Maraming tanong ang nasa isipan ko na lalong nag papasama ng loob ko.

'Bakit nila ako ginaganito? '

' Ano bang gusto nilang patunayan ko para lang mahalin nila ako? '

Humahagulgol ako hanggang sa makarating ako sa lugar na matagal ko nang gustong puntahan, pero pinipigilan lang ako ng mga pangarap ko... Pangarap na mahalin at alagaan ng sariling ka-dugo.

Napalayo na ang linalakbay ko hanggang sa marating ko na ang distinasyon ko. Kaunti lang ang dumadaan na truck pero hindi ko iyon pinapansin, tumawid ako sa kalsada  at kaunti lang ang dumadaan dito. Siguro dahil sa gabi na.

Nang makatawid ay humawak ako sa railing, mapait akong napangiti ng makita ang napakalalim na tubig. Kung sino man ang mag tatangkang tumalon dito ay tiyak na hindi na mabubuhay dahil sa malakas na pag alon ng tubig at sa lalim nito.

pumikit ako at Ninamnam ang sariwang hangin na dumadapo sa mukha ko,Wala parin tigil ang pag iyak ko.

Buo na ang plano ko, gusto ko nang makalimutan ang sakit na matagal ko nang kinikimkim. Gusto ko nang mag pahinga, pagod na pagod na akong patunayan ang sarili ko sa kanila!.

Ano pa ba ang gusto nilang gawin ko? Lahat ata ng bagay ginawa ko na mahalin lang nila ako pero kulang parin!

Kasabay ng pag mulat ng mata ko ay siya ring pag akyat ko sa tulay at tumayo.

"AHHHH!!! " Isinigaw ko sa hangin ang lahat ng hinanakit ko.

Tignan mo nga naman ang swerte ko ata ngayon dahil wala ni isang kotsi ang nagtangkang tumigil at pigilan ako sa dapat kung gawen.

Mapakla akong tumawa sa naisip kong iyon. Alangan namang titigil sila para lang sa akin?sino ba ako?...pero baka ito na talaga ang sign para tapusin na ang buhay ko.

Umiyak ako nang umiyak at kaunting galaw ko lang ay mahuhulog na ako sa napakalalim na dagat...

Pag ba namatay ako mamahalin nila ako?

Kimi akong napatawa dahil sa isipang iyon.

Kahit ata nagpakamatay ako wala parin silang pakialam sa akin. Sino ba naman ako? Isa lang akong babae na bobo na nga! Pangit pa!!


Hanada na akong tumalon nang may mag salita na kina mulat ko.

"Hey! Miss, are you out of your mind?! "

Napabaling ako sa nag salita at nakita ang napaka gwapong lalaki na  halata sa mukha ang taranta at... Pag-aalala?

Pero baka guni-guni ko lang iyon dahil sa luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko at dahil kulang ako sa aruga kaya kung anu-ano na ang nai-imagine ko.

Ni hindi nga ako kilala ng taong to para lang mag alala siya sa akin,

" Pag ba tumalon ako rito mag babago ba ang buhay ko? " Wala sa sarili kong tanong.

"I'm not a diviner but your life won't change."

Walang lakas akong ngumiti dahil sa sagut niya, oo nga naman hindi siya manghuhula para malaman ang magiging resulta ng gagawen ko.

Tumingin ako sa malayo at bumalik na naman sa akin ang lahat ng pag hihirap ko, umiyak ako ng umiyak dahil sa sakit na nararamdaman na alam kong mahirap tanggalin... Wala akong nararamdamang hiya dahil may nakakita ng pag iyak ko.

Buong buhay ko kinimkim ko ang lahat ng sakit, pag umiiyak ako sini-segurado ko muna na walang makakakita sa akin, at sa sitwasyon ko ngayon... Wala akong pakialam kahit sino ang nakakakita sa akin habang umiiyak.

"Bakit ba kasi pa ako pinanganak kung magiging ganito lang ang buhay ko? Bakit pa ako nabuhay sa mundo kung ganito rin lang naman ang tadhana ko? " Umiiyak kong sigaw.

Luhaan akong tumingin sa lalaki na umambang lalapit sa akin " Wag kang lalapit!" Nanlilinsik ang mata kong ani.

"Kung ano man ang problema mo, hindi solusyon ang pag papakamatay! " Kunot noong sigaw niya pabalik.

"Ginawa ko naman ang lahat! Nag aral ako ng mabuti, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko kahit nahihirapan na sege lang... Pero ang tanging nakikita lang nila ay ang kamalian ko! Palagi nalang si ate... Si ate ang magaling, si ate ang matalino, si ate na palaging Tama! Lahat nalang si ate... P-paano naman a-ako? " Umiiyak akong nakatingin sa kaniya.

Lumambot ang expression niya at lalapit sa akin, at dahil sa gulat aksedente akong nadulas at parang slow motion akong nahulog at sa pag kakalutang ko sa ere biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng naranasan ko, ang sakit lang isipin na kahit sa pag lubog ko sa tubig ay walang magagandang alaala ang pumasuk sa isip ko, lahat nang pumasok sa utak ko ay ang pananakit ng pamilya ko, emotionally... Mas maganda seguro kung pinapalo nila ako kaysa sa sinasaktan nila ang damdamin ko.

Nawawalan na ako ng hininga at kahit marunong akong lumangoy, hindi ako nag atubiling lumitaw... Ito na ang chance ko e... Ito na ang pag kakataon para makapag pahinga na ako...

Bago ako mawalan ng malay ay may humawak sa bewang ko... Hanggang doon lang ang naaalala ko.


N/A:hi! Here I am again at your screen. Hope y'all like my Amorous story here!! Please support me again and please vote and leave a comment, if it's a negative or positive comment I'll still accept your thoughts. AGAIN!! PLEASE VOTE AND LEAVE A COMMENT! THANK YOU! 🖤🖤🖤

Aches Of Love ( Amorous Series #1)Where stories live. Discover now