Weeks had passed, nawala na ang regla ko kaya nawala narin ang pananakit ng stomach ko.
NASA hapag na kami ngayon at kumakain, kompleto kami ngayon dahil maagang nakauwi si papa.
Seryuso lang si papa sa pag kain kaya tahimik ang lahat.
"Uhm, honey, may gustong sabihin si Anna. " Basag ni mama sa katahimikan.
Uminom ng tubig si papa bago tingnan si mama bago si Ate.
"P-pa, g-gusto ko pong lumipat ng school sa university na pinag aaralan ni Aya. " Kinakabahan na tinig ni Ate.
Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa kaniyang hiling.
Kumonot ang noo ni papa at napapanstikuhang tumingin sa kaniya. " Maganda na sa Crenez university kaya bakit ka lilipat sa Saint University? " Kunot noong tanong ni Papa.
"P-para mabantayan si Aya--"
"Hindi. Hindi ka lilipat..." Putol ni papa sa sasabihin ni ate.
Nalungkot ang mukha ni ate , "p-pero pa--"
"Mamili ka. Ikaw sa Saint University mag aaral at sa Crenez University naman mag aaral ang kapatid mo?... Choose Anna. " Seryoso na sagot ni Papa.
Natahimik si ate at tinignan ako ng masama' this is your fault! ' basa ko sa bibig niya.
Napabuntong hininga ako bago nag patuloy sa pag kain. Kukunin ko na sana yung pakbit ng si ate ang kumoha.
Napanganga ako ng ilagay niya lahat sa plato niya, seriously? If this her way to irritate me, then she totally lose.
Mas gusto ko pang matawa, yawa sigurado akong hindi niya iyan mauubos.
"Mukhang gutom na gutom ka ah. " Si mama.
Umirap lang si Ate, tss maldita talaga.
Tahimik lang ako sa pag kain habang sila ay nag uusap-usap. Napaisip ako, paano kaya kung pumunta ako sa lugar kung saan sinubukan kong wakasan ang buhay ko? Makikita ko kaya siya ron?
Sus, kalukohan! Paniguradong wala na iyong paki sa akin... But still, I wanted to know that person who save me from death.
If Ever na hindi siya dumating, I'm pretty sure na wala na ako rito. Hay kagagahan kasi iyon... Pero masyado lang akong nasaktan kaya ko yon nagawa. From that moment, my life was miserable--well, until now.
"Shaya Reuza Viad! "
Muntik na akong mapatalon sa sigaw ni papa, "Bingi ka na ba ngayon? I'm asking you and your out of your mind! "
Napayuko ako, shit, galit na galit na si papa. Ano ba kasi ang sinasabi niya?
"Ganiyan talaga pa, si Aya, hindi pa ba kayo nasanay riyan? " Naka ngising segunda ni Ate.
Humigpit ang hawak ko sa tenidor. " A-ano p-po ulit yon,p-pa?" Kinakabahan kong tanong.
"Tumigil ka na sa pag kokolehiyo. "
Para akong nabingi sa narinig, a-ano raw?
"Ha? A-ano po? "
"Mag madre ka na lang. " Ani pa ni papa.
What the hell? A-ano raw? Mag ma-madre? W-what the hell?
"P-pa, alam niyo po na gustong gusto ko maging isang nurse--"
" Mas mabuti na ang mag madre ka para makapag lingkod ka sa diyos. " Putol ni papa sa sasabihin ko.
"Oo nga naman, mag madre ka nalang. " Segunda ni ate kaya napatingin ako sa kaniya, nakangisi lang siya.
YOU ARE READING
Aches Of Love ( Amorous Series #1)
RomanceUNDER EDITING!!! Shaya Reuza Viad is an ordinary woman, she just wants in her life is to loved by her family, and to get the loved that she wanted.. she study hard. But everything that she does for making her parents love her ends up for nothing!, u...