Chapter 15

3 0 0
                                    

Sinalubong kami ng mainit na yakap ni Tita Marlette nang makarating kami, napangiwi pa ako ng marinig ko ang pagdadaldal ni Mina nang malapit na kami sa dinning.

" Sus, kunyari kapa Isaiah, mukha namang hanggang ngayon e patay na patay ka pa rin sa kaniya. Ano ba ang meron ang lalaki na yon at 'dimo Malimut-limot? Pag ibig nga naman... " Daldal ni Mina at natahimik lang nang makita kami pero agad ding nanglaki ang mga mata niya ng dumako ang tingin niya kay Grey na tahimik sa tabi ko.

"O my god, am I just dreaming? " Hindi makapaniwalang singhap ni Rihanna.

" Putcha! " Mura ni Astra.

Pati si Isaiah ay napaawang ang labi. Alanganin akong ngumiti ng dumako sa akin ang tingin nila. " Grey? Is that you? " Tila Hindi pa makapaniwalang tanong ni Rihanna.

Ngumiti lang si Grey na kinapula ni Rihanna. Napakunot-noo ako dahil sa pamumula niya. Sinamaan ko siya ng tingin ng tingnan ako nito pero ang bruha, inirapan lang ako! Lintik nga namang matang yan!

" Have a sit Mr. Varde, I'm so thankful to finally met you. You are Rifod son, right? " Nakangiting ani ni Tita Marlette.

Tumango lang si Grey at umopo sa tabi ko. Mukhang aliw na aliw si Ms. Exillo kay Grey at ni Hindi na niya kami napapansin, at natutuwa ako sa katotohanang Hindi nagkakamali si Grey na sapawan ng English ang lengguwahing ginagamit niya ngayon, straight Tagalog pa rin siya at Hindi ko maiwasang hindi mapangiti at mapahawak sa dibdib dahil sa lahat ng tibok niyon.

Siniko ako ni Astra sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya, " Anong ibig sabihin nito? " Bulong niya.

" Ahh ehh... " Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanila na nililigawan ako ni Grey, ayaw ko naman kasing sabihin hindi dahil sa baka pagtawanan nila ako kundi baka tawagin nila akong baliw. Sino ba naman ako? Isa lang  naman akong  sempling babae  na ang gusto lang sa buhay ay ang mahalin ng sariling pamiliya na Alam kong malabo. Ganoon naman ako e, sa subrang taas ng pangarap ko, ni hindi man lang ako nangangalahati sa mga 'yon ngayon.

" Boyfriend mona siya? "

Agad akong nasamid ng makisabat si Mina sa usapan bunganga talaga nito, walang preno. Inabutan ako ng tubig ni Grey kaya agad ko itong ininum.

"Okay ka lang " Nag aalala niyang tanong. Tumango ako sa kaniya bago samaan ng tingin si Mina, nag peace sign naman ito sa akin.

Napabuga ako ng hangin bago tumingin kay Tita Marlette na  nakatingin lang din pala sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago tinuloy ang pag kain.

" Aramina, I heard that you want to be a journalist someday, kung gusto mo, pwedi kang sa kompaniya namin mag trabaho pag nakatapus kana. " Ani ni Tita Marlette kay Mina.

" Naku, ang ganda niyo talaga Tita, at Sino ba naman ako para tanggihan ang alok mo? Hihi, segi po pag nakatapus na ako ay dideritso na ako sa kampaniya niyo para doon mag trabaho. " Nakangiting ani ni Mina.

" Tita, pwedi po bang mag tanong? " Dag dag ni Mina.

" Sure, ano 'yon? " Nakangiting ani ni Tita.

" Nasaan po ang daddy ni Eno? " Tanong ni Mina kaya siniko siya ni Astra.

Natigilan naman si Tita bago pilit na ngumiti, " He's died years ago. " Ani ni Tita.

Natigilan naman si Mina bago humingi ng tawad kay Tita. " Sorry po. "

" It's okay, masaya naman ako ngayon because of my son. " Ani ni Tita bago hawakan sa kamay si Eno. Nakaramdam ako ng awa , kasi ako kahit na ganun sila sa akin ay nagpa-pasalamat pa rin ako dahil buhay pa sila, Hindi katulad ni Eno na wala na palang ama.

Aches Of Love ( Amorous Series #1)Where stories live. Discover now