"MAKE it a little bit more sexy Mae." Nandito ako ngayon sa studio ng isang sikat na clothing line para y-model ang ilang damit na y-lalabas sa buwan ng Agosto. I'm wearing black mesh and knit one shoulder sexy dress para sa Women's Collection na magiging tema nang magasin na ilalabas para sa darating na Agosto.Bahagya kong binuksan ang labi ko at seryosong tumingin sa camera at ipinorma ko ang aking likod at puwetan sa tamang anggulo.
"Very Good!" Ani ni Kuya Art. Isang sikat na baklang photographer. Una kaming nagkita sa intramurals sa University sa Mr. And Ms. Intramurals sa taong iyon. Isa ako sa mga kalahok at isa naman siya sa mga judges, hindi ko nasungkit ang korona ng taong iyon pero ako ang napili niyang pag-alokan ng pagmomodelo dahil ayon sa kaniya ay 'mas may potensiyal ako, kaysa sa nanalo.'
"I want you fierce now Mae."
I do as I told. Hindi naging madali ang mga naunang taon ko sa pag momodelo dahil wala iyon sa hilig ko. Pero hindi nagtagal ay nasanay na din ako sa tulong na din ni Kuya Art, ng manager ko at ng mga co-models ko. At sa paglipas nang panahon, masasabi kong ito na ang buhay ko. Dito ako kumukuha ng pantustos sa pang-araw-araw na buhay ko, lalo na sa pag-aaral ko.
"Excellent Mae! Excellent!" Nakangiting wika sakin ni Kuya Art. "We're done for today, and you should take a beauty rest para sa next schedule mo."
I say my warmest thanks to him at pumunta na sa room na inihanda sa akin para makapag-palit ng damit.
Nagpalit ako ng uniform para pumasok sa afternoon class ko. I only have one subject for today at 3 hours iyon. Gusto ko na sanang umuwi at magpahinga pero kaylangan kong pumasok para hindi ako mahuli sa klase. Haay. 'If I only have someone to depend on.'
I was busy wiping off my make-up ng may pumasok sa room ko.
"Mary Mae Garcia! You're really making a name now huh" Inirapan ko siya at naupo. Tsk. This guy really like surprising me.
"What now Kiefer? If wala kang magawa sa buhay mo, then I have many pending things to do." Pagtataray ko dito. "And I'm not making a name, I'm making money para sa pag-aaral ko no."
Kiefer is my co-model, at siya ang kauna-unahang pinartner sakin ng pumasok ako sa pagmomodelo. Mabait ito at siya lang ang ka-isa-isang lalaki na kaibigan ko, maliban syempre kay Kuya Art na isang pusong babae. Even though mabait si Kiefer, hindi mo maaalis sa kanya yung kayabangan at kahanginan niya.
"Woah. Still feisty, are we?" He chuckled and offer his arm for a warm embrace. Instead of embracing him I smack his head. "Aww! That hurts woman!"
"Tigil-tigilan mo ko Kiefer ha!" Kinuha ko ang bag ko at iniwan siya sa loob. Kaylangan ko ng umalis para hindi ako mahuli sa klase ko. Baka magka-biglaang quiz at wala na naman akong ma-isagot. Hindi na pwedeng may ma-ibagsak na naman ako na test.
Sumunod siya sakin habang tumatawa. Tsk. This is what I hate about him, he never stops annoying me. "Is it the time of the month?"
I stop walking at hinarap siya. "Time of the month your face! Pwede ba, stop pestering me? I have a class to attend to!"
"Okay, okay. Just let me drive you." Sinubukan niyang kunin ang bag ko ngunit nilayo ko ito sa kaniya.
"Ayaw ko nga! I better ride a taxi than be with you." Hindi naman sa ayaw kong makasama siya, pero napaka-laking issue ang dala ng lalaking to. In fact, kahit naman hindi siya naging isang modelo sigurado padin na isa siyang walking issue. Anak siya ng isang sikat na businessman at siya ang tinaguriang 'The Disgrace of Ramos" dahil sa pagiging manwhore at pala-away nito.