Sa isang hindi kalakihan at kagandahang bahay ay mayroon'g isang natatanging bata. Hindi siya kagandahan, maliit na bata, maitim, pango, malapad ang noo at payat na batang babae. Hindi din maganda ang kaniyang tindig, hukos kung tatawagin ng ilan. Pero lahat ng katangiang iyon ay hindi niya alintana, sa tuwing siyay sasabihan ng 'pango ay hahawakan lamang niya ang kaniyang ilong at hindi maniniwala.Lumaki siya sa pag-aakala na isa siyang napakagandang babae'. 'Kung panget ako, Wala ng maganda sa mundo.' Yan ang kaniyang motto sa buhay, iyan din ang mga salitang madalas niyang sabihin sa mga taong nagsasabing panget siya.
Kung bakit ganito nalang kalakas ang tiwala niya sa sarili na maganda siya ay may dahilan. Laging sinasabi ng kaniyang Lola Lita na maganda siya, ito din ang nagtatanggol sakanya sa mga taong sinasabihan siya ng panget.
Hindi niya ito tunay na Lola, hindi ito ang Nanay ng kaniyang Mommy at hindi din ng kaniyang Daddy. Kapatid lamang ito ng Nanay ng Mommy niya. Pero kahit na ganoon para na niya itong tunay na magulang. Ito ang nagpalaki sakaniya, sanggol pa lamang siya ay ito at ang asawa nitong si Lolo Leet ang nag alaga sakaniya.
"Ekang! Kakain na!" Sigaw ng kaniyang Tita Pane, anak ng kaniyang Lola Lita at Lolo Leet. Mataba itong babae at may malaking nunal sa tabi ng ilong. Mabait ito at lagi siyang binibili ng gusto niya.
"Mamaya na!" Sigaw ng batang babae na hindi manlang nag aksaya ng panahon na lumingon sa tumawag sa kaniya. Subalit ay ipinagpatuloy ang paglalaro ng Chinese Garter kasama ang mga kaibigan.
"Hoy bakla! Natulala ka na naman dyan!" Nabalik ako sa reyalidad ng sigawan ako ng aking bestfriend na si Bunny. Maganda itong babae, lalo na kung hindi sana ito sungki. Pero kahit ganoon mahal na mahal ko ito.
Inirapan ko na lamang ito at kinuha ang aking notebook para mag kunyaring nagbabasa. Ayaw ko kasing maistorbo lalo na't naaalala ko nanaman ang masaya kong buhay noong bata pa ako. Noong mga panahong totoo pa ako.
"Ay! Snob ang peg!" Umupo ito sa tabi ko at inagaw ang notebook ko at saka ako tinitigan ng mataman sa mata. "Alam mo ang ganda mong babae pero hindi kita makeribells." Tsaka ako inirapan ng dalawang beses.
Kinuha ko ulit ang notebook na kinuha niya sakin at binuklat ko ito sa parteng itetest namin mamaya. "Alam mo Bunny, alam kong maganda ako from head to toe." Seryoso kong sabi sakanya. "Pero ang hindi ko maintindihan, sa ganda kong to! Hindi ako pinapansin ng crush ko!" Tsaka ako na iiling na bumaling sa notebook ko.
Sinapak ako nito ng malakas kaya't tinignan ko siya ng masama. Pero sa halip na matakot o ano tinaasan lamang niya ko ng kilay at nagbukas ng isang chichirya. "Tanga ka kasi! Kung ako ikaw, gagawa na ako ng paraan para magustuhan ako ni Jensan!"
"Tigilan mo ko Zandrix Michelle, alam mo namang-
"Hindi magandang tignan sa isang babae na gumawa ng unang hakbang at dapat lalaki ang gumagawa non. Oo Mae, alam ko. Pero wala kang mararating diyan sa pananaw mo na iyan." Putol nito sa sinasabi ko.
Alam ko namang tama siya, walang mangyayaring improvement sa amin ni Jensan kung wala akong gagawin lalo na at may iba siyang gusto. Pero wala din namang kasiguraduhan na magugustuhan niya ako kung gumawa man ako ng kung ano man na hakbang. Halos matampal ko ang sarili kong noo sa naisip, 'Really Mae? You sounded like you're considering that hideous idea!'
"Alam ko Bunny, but what can I do? He's already head over heels with-with that girl. I cant just interfere with them and ruin everything." I sigh. Love isn't a trade transaction that you should give and take. Not because I like him, already means he should like me too. It takes feelings, emotions, loyalty and trust in both parties. But in my case, we don't have any mutual feelings, it's one sided.
