Chapter Fifteen

0 0 0
                                    

Natasha's POV


Nakarating na ako ng building ng condo unit ko. Pumunta akong elevator at pumasok duon. Pinindot ang floor na titigilan ko.


*ting!!!*


Hudyat na nandito na ako sa palapag kung nasaan ang unit ko. Lumabas akong elevator at nagtungo sa gawi papuntang unit ko.


Bigla akong napatigil at nagtaka ng may makita akong familiar na mukha na papalagpas sa aking harapan.


Teka.. Ano namang ginagawa nito dito? Ngayon ko lang sya nakita sa building na toh at nakakapagtaka kasi wala naman syang unit dito..


Mukhang napansin na nya ako kaya binati nya ako..


"Ow.. Hi Natasha.." parang gulat pa sya ng makita ako.

Napatigil din ako sa paglalakad para batiin sya.


"Ahh. Hello Gail.." medyo naiilang pang bati ko sa kanya..


Aba! Hindi naman kami close nyan. Pasalamat sya binabati ko pa sya kahit di ko sya close noh. Psh.


"Anyway,bakit ka nga pala nandito?"


Dahil sa nacucurious ako,naitanong ko sa kanya kung bakit sya nandito..


"Hmm. May hinatid lang ako dito. Ahmm. Actually paalis na din ako. Ahh.. Sige.. Bye.." sabi nya sabay lagpas pa sa harapan ko.


Bakit ganun? Para syang hindi mapakali? May parang itinatago sya.. Na para bang may nagawang kasalanan..


Tsk! Ewan.. Nasesense ko lang.. Yung human instinct ba? Anla! Basta ganun..

Nang makalagpas na sya,nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa condo unit ko. Siguro mamaya ko na lang sya pupuntahan. Magpapahinga muna ako saglit..


Nakarating na ako sa harap ng unit ko at dumiretsong pumasok. Kumuha ng tubig sa ref at saka uminom.


Nagtungo muna ako sa living room at doon ko isinalampak ang sarili ko sabay higa ng ayos kahit hindi pa ako nakakapagbihis..


Napatingin ako sa orasan kung saan nakalagay sa divider na katabi ng flat screen tv ko. 4:35. 35 mins ago nang magdismiss ang classes namin.

Bigla akong nakaramdam ng antok kasabay nun ang pagbagsak ng mata ko.


.........


Gail's POV

(Naks! First time toh. Hahaha.)


Nang makalabas na ako ng unit ni Xyler e mabilis akong naglakad para maakalis na. Baka maabutan pa ako ni Natasha nito. Patay ako!


Kasalukuyan na akong naglalakad ng may lumabas sa elevator na babae at sakto pang makakasalubong ko.

Still You [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon