Chapter Eleven

0 0 0
                                    

Skylynn's POV

Kakatapos lang ng class hours namin. At kasalukuyang naglalakad ako ngayon sa may hallway.

Naku! Kelangan ko pa lang dumaan muna sa locker ko para ilagay tong mga libro ko.

Nang makarating na ako sa may locker ko, nilagay ko na kaagad ang mga libro ko.

Pagkalagay ko ng mga books ko sinaraduhan ko na agad.

"Booooo!"

"Ay anak ng tinapa!" napatalon ako sa gulat.

Sino ba naman kasing nanggulat sa akin? Kainis e. >____<

Pagtingin ko sa harapan ko si Dylan pala.

"Ikaw na naman? Anong ginagawa mo dito at nanggugulat ka?" inis na tanong ko sa kanya.

"E nakita kita dito kaya nilapitan kita.. Masama na bang lapitan ka?"

"E.. Hindi naman. Nakakagulat ka kasi. Kung ako'y may sakit sa puso baka inatake na ako dito." sabi ko pa sa kanya na nakabusangot ang mukha.

"Sorry naman. Hahahaha!" tatawa-tawang sabi pa nya.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko ng may maramdaman akong kamay sa may balikat ko. Kaya napatigil ako.

Shemssss! Para akong kinuryente dun ah! Please Dylan.. Wag naman.. Baka mas lalo akong ma-fall sayo!

"Ahmm. Sky uuwi ka na ba?" tanong nya pa ng may paghawak pa sa balikat ko para pigilan ako.

"Hi.. Hindi pa.. Bakit?"

Naku naman! Wag sanang mahalata ni Dylan na nauutal ako! Paktay ako netoh.. >___<

"E saan ka pa pupunta?"

"Sa condo ni Natasha. Dadalawin ko sana sya." tugon ko naman sa kanya.

"Ahh. Ganun ba? Kamusta na kaya sya? Okay na kaya sya?" sunod-sunod na tanong nya.

"Kaya ko nga pupuntahan para malaman ko di ba? Tsaka ikaw na din nagsabi na puntahan ko sya para malaman ko lagay nya."

"Teka nga.. Ang dami mong tanong.. Wag mong sabihing may gusto ka sa bestfriend ko? Umamin ka nga Dylan. May gusto ka kay Nat? Ah?" pagpapatuloy ko pa sa kanya.

Patuloy lang kami sa paglalakad at malapit na kami sa may gate.

----------------------

Dylan's POV

"Teka nga.. Ang dami mong tanong.. Wag mong sabihing may gusto ka sa bestfriend ko? Umamin ka nga Dylan. May gusto ka kay Nat? Ah?" pagpapatuloy nya.

"E paano kung sabihin kong OO? Gusto ko sya." sabi ko.

Pero mas gusto kita kesa sa bestfriend mo!

Bigla syang natahimik at napabagal ang paglalakad nya..

"Naku! Wag ka nang umasa na magugustuhan ka din nya. May boyfriend na yon e."

"E ano naman? E di aagawin ko sya sa boyfriend nya." sabi ko pero hindi naman totoo.

Haha. Tingnan ko lang reaksyon mo. Ikaw naman talaga gusto ko at hindi ang bestfriend mo.

"Hindi mo na nga sabi sya maaagaw kasi nga may boyfriend na sya!" this time tumaas na ang boses nya. Nasigawan na nya ako.

Teka? Ano bang problema nito at nasigaw sya?

"Anong problema mo at nasigaw ka?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka.

Napatigil kami sa paglalakad.

Still You [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon