3

10 0 0
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nag linis muna ako nang saglit sa bahay habang tulog pa sila Tita. Nag luto na rin ako ng simpleng agahan nila para pag gising ay meron na silang maka kain. 

Buti nalang ay nakapag paalam na ako kay Tita kagabi, hindi ko na rin kasi namalayan ang pag uwi nila dahil agad din akong naka tulog. 

Pag labas ko ay ikinando ko na lamang ang gate at nag lakad na patungo sa sakayan ng Tricycle. Kung mag iintay pa kasi ako eh baka matagalan pa bago may dumaan, okay na rin itong makapag lakad lakad ako para kahit papaano may exercise rin ako. 

Ang kagandahan sa probinsya ay pausbong pa lang ang araw ay dilat na dilat na ang mga tao dito, kaya naman hindi rin ako nahirapan makasakay ng Tricycle dahil pag dating ko sa sakayan ay siya namang sunod sunod na naka pila ang mga ito. 

"San tayo, hija?" 

"Ah manong, san ho kaya ang malapit na kolehiyo rito?" 

"Kolehiyo..?" Napa tingin sa ulap si manong at bahagyang nag isip. "Ah! Sa San Agustin College, yun na ang pinaka malapit dito." Napa ngiti naman ako at napa tango.

"Sige po, manong. Dun po tayo." Ani ko. 

Agad namang pina takbo ni manong ang kanyang tric at nakalarga na kami. 

Mahigpit kong hinawakan ang dala dalang envelope.

Sana tumatanggap pa sila ng mga iskolar. Pag susumikapan kong makapasok sa program nila tutal isang taon nalang naman ako. 

Business ad ang kinuha kong kurso sa kolehiyo, naka full scholarship din ako sa Maynila nung nag aaral pa ako, kaya kumpyansa ako sa mga grado ko, meron din akong recommendation letter para pandagdag sa katibayan ko na pasok ako para maging isang iskolar.

Kahit na hindi na full scholarship ang makuha ko, ang importante ay kahit ilang porsyento ay maka kuha ako, pag ttrabahuhan ko nalang yung tuition fee ko kung sakali. 

"Dito ka na, ineng." Lumabas nako sa Tricycle at agad na inabot ang bayad kay manong. May sukli pa sana akong limang piso pero hindi ko na rin kinuha, maliit na bagay man sa iba pero sa kagaya namin ni Manong alam kong malaking bagay na yun.

Nginitian naman ako nito at nag pasalamat at ganun din ang ginawa ko. 

Pagkaharap ay agad na tumambad saakin ang isang malaking gate, maaliwalas ang lugar na ito, may iilang estudyante rin ang nag lalabas pasok dito. 

Malalim akong napa buntong hininga at nag lakad na papasok. 

I really hope everything goes according to plan. 

"Uh, mag a-apply ko sana ako para sa scholarship." Ani ko sa guard.

"Transferee?"

"Oho."

"May dala kang requirements?" Agad kong linabas ang envelope ko.

"Meron ho!" Akmang bubuksan ko to nang pigilan ako nito.

"Sa loob mo na ipakita yan, hindi naman ako admission office." Saad nito saakin. Hilaw akong napa ngiti at napa tango. 

Ang sunget naman. 

Pero baka may pinag dadaanan lang. Ewan ko, parang kasama ata sa qualifications ng pagiging guard ang dapat maging masunget. Para ba ma-intimidate ang mga estudyante at huwag makalimutan ang mga ID nila?

Ay ewan!

Sinunod ko nalang ang turo saakin ng guard at diretso na sa Admission Office. 

Pero..

Hindi ko akalain na ganito pala kalaki sa loob! 

Halos mahilo ako sa kaka alala sa mga sinabi nung guard!

Agad ko namang linibot ang mga mata ko para sana may mapag tanungan. 

Sa isang bench ay may naaninag akong grupong nag kukumpulan. Umaliwalas naman ang mukha ko at agad na nag tungo doon. 

"Uh, e-excuse me?" Panimula ko, ngunit lahat sila ay may pinag kaka abalahan. 

Tumikhim ako at muling nag salita..

"Hello, p-pwedeng mag tanong?" Mas linakasan ko pa ang boses ko. Ngunit bahagya akong napa tili nang sa pag lingon ng lalaki ay muntik na akong maduwal sa pagkaka sanggi nito saakin! Napa pikit ako iniintay na tumama ang pwet sa lupa!

Ngunit lumutang lamang ako sa ere, hudyat na may naka salo sa likod. Shit? 

Sino yun?!

"Oh my gosh!" Napa balik ako sa ulirat nang marinig ang tili ng mga babae sa grupo!

Inayos ko ang aking tayo at bahagyang inayos ang damit!

"Shit! Sorry, miss. Hindi kita nakita, ayos ka lang ba?" Ani nung lalaking naka bangga saakin. Napa tango naman ako at tumkhim.

"Mygosh! Hindi ko naramdaman yung presensya mo girl, para kang multo. Ghad!" Saad nung babaeng maikli ang buhok at may bangs.

Napa kurap kurap naman ako at agad na nag init ang mga pisnge ko.

Nakakahiya!

"Are you okay?" Isang malambing na boses ang nagpukaw saaking atensyon. Napa singhap ako nang makita ang lalaking nag tanong.

Matangkad ito, matangos ang ilong, may pagka moreno at may clean cut na gupit. Maamo ang itsura nito at hindi mapag kakaila ang kagwapuhan ng features ng mukha nito. 

Napa iwas ako nang tingin dahil mukhang napatagal na ang titig ko sakanya!

Go back to your senses, Isla! 

"O-oo, ayos lang. Salamat!" Medyo napa lakas ang boses ko, halatang kabado.

"Sorry again, miss. Is there anything that we can do for you?" Tanong nung naka bangga saakin, halatang may guilt pa rin sa mukha niya. 

"A-ah! Mag tatanong lang sana ako kung alam niyo k-kung saan yung Admission O-office?" Nauutal kong sabi.

Napa kagat ako sa pang ibabang labi ko nang di mapigilan ang pangungutal.

Hindi ko kinakaya ang lahat ng atensyon nila ay nasaakin, sobrang nakakahiya! Please lang. ituro niyo na kung nasaan para maka alis nako!

"Just go straight and turn left, merong pababa doon, you can see the Admissions there." Yung babaeng maganda at maiksi ang buhok ang sumagot saakin, napa tango tango naman ako. 

May mga iilang nag bubulungan sa mga kasamahan nila, ang iba pa ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pag akyat baba ng mga mata nila saakin. 

I hate attention! I hate their stares!

Feeling ko expose na expose ako sa harap nila. Shit!

"S-salamat!" Sambit ko at agad na ring tumalikod! Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang iilang mga sinabi ng mga tao sa grupo na iyon.

"She's definitely checking you out, Flo!" Ani nung isang lalaki. 

"Maybe the girl is new, di siya pamilyar." Yung isa naman. 

"For sure. Hindi linuhuran si Javier eh."

Agad na nag tawanan ang grupo habang papalayo ako! Mariin akong napa pikit at halos suntukin na ang sarili.

Nakakainis! Nakakahiya! 


Rise and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon