7

3 0 0
                                    

Hindi ko na rin namalayan at mabilis nalang ding lumipas ang mga araw. Naging smooth lang din naman ang trabaho ko sa beerhouse, lalo na't nandyan si Tri para suportahan at alalayan ako. Ngayon naman ay kakatapos ko lang mag handa para sa first day ko sa school. 

Wala naman kaming uniform, pero kung ako papa piliin, mas gugustuhin ko nalang sanang may uniform kami para bawas labahin at iwas isipin kung anong susuotin sa pang araw araw. Lalo na't ngayon, medyo kakaunti pa lang ang mga damit ko at baka may mga araw na hindi agad ako makapag laba dahil na rin sa mga gawain ko sa school, beerhouse at sa bahay.

I mentally note na bibili ako nang iilang mga damit sa una kong sahod sa beerhouse. 

Pag labas ko nang kwarto ay wala namang tao dahil maaga pa, panigurado ay tulog pa si Tita at Ricardo. 

Pinasadahan ko muli ng tingin ang bahay, linis..check, luto..check!

Agad na akong lumabas at tamang tama ay may dumaan na tricycle. Pinara ko ito sumakay na rin. 

"San Agustin ho." Ani ko. 

Sinipat ko ang aking orasan at medyo maaga pa naman ako. Muli kong tinignan ang aking dala upang masiguro na wala na akong nakalimutan. 

First day. 

Kahit college na kabado pa rin ako, lalo na't transferee pa ako. Naalala ko yung mga naka salubong ko noong nag enroll ako, panigurado ay doon din nag aaral ang mga ito dahil bukod sa mga mukhang ka edaran ko ang mga ito ay mukhang kumportableng kumportable na rin ang mga ito sa San Agustin.  

I just wish they're nice..I hope they're nice..

Hindi rin nag tagal ay nakarating na kami sa school. 

Wala pa gaanong tao. 

Pero may iilan nang nasa grass na naka tambay. Ang sabi sakin ay sa unang araw ko kailangan kong dumaan ulit sa admission para saaking I.D. Kaya doon ako papunta ngayon. Napag desisyunan ko nang gantong oras na ako parati papasok, nagustuhan ko ang sinag araw sa School, nakaka relax..nakaka motivate. Dahil na rin siguro sa mapuno rito kaya refreshing ang ambiance lalo na sa umaga. 

"Isla Alvarez?" 

"Yes po, ma'am." Tipid itong ngumiti saakin at inabot na ang aking I.D. Nag pasalamat lamang ako at lumabas na rin, as I grab the door, saktong may papasok din. 

"Oopss!" It's the girl from my enrollment. Yung maganda na may bangs!

"Sorry!" I immediately said. 

"No, sorry! Hindi ko napansin na may palabas...oh hey!" Malapad itong ngumiti at itinuro saakin ang daliri niyang may nail art. "Ikaw yung naka bangga kay Javier last time, right?" 

"A-ah..ako nga..yata?"

"Oo ikaw yun! I remember coz akala ko you're a multo!" Hindi ko alam kung anong ire-react ko kaya hilaw lamang akong napa ngisi. 

"Cortez, please come over now." Napalingon ako sa Admission Officer na nag salita..

"Yes, sir!" Ani nito, "I'm Monic, by the way! Welcome to San Agustin!" Malapad na ngiti ulit nito saakin at diretso nang pumasok sa loob. 

Hindi na ako nakapag salita kung kaya't lumabas na rin ako. 

Wow..

That was...nice? I guess...



Hindi naman ako nahirapang hanapin ang classroom ko dahil madali lang kabisaduhin ang campus kahit na malaki ito. Meron nang iilan sa loob kung kaya't dire diretso na rin akong umupo sa dulo nang naka yuko. Parang hindi pa ako handa makipag eye to eye sa kahit na kanino. 

Maging smooth lang sana ang araw nato. 

Rise and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon