9

2 0 0
                                    

Dahil unang araw pa lang naman ng klase ay ayun lang din naman ang ginawa namin sa iba naming subject, at ang naging set up ay kung ano ang naging grupo namin sa unang subject ay ayun nalang din ang naging grupo namin sa ibang subject. Dahilan ng karamihan ay para hindi na kami mahirapan mag adjust nang mag adjust sa pabago bagong groupings.

I agree.

Though, okay din minsan ang magkaroon ng ibang grupo para magkaroon kami ng chance na makapag salimuha sa iba rin naming mga kaklase.

But dahil majority na rin naman ang decision ay sumang ayon nalang din ako rito. Besides. wala naman sa agenda ko ang mag stand out sa klaseng to. Kaya as much as possible, I'll keep my opinion to myself. Mas gugustuhin ko pang hindi ako masyadong kilala nabibigyan ng pansin ng mga tao kesa yung expose na expose ako sa lahat.

Pag katapos ng mga nauna naming klase ay lunch break na, may daanan din naman dito sa likuran kaya dito na rin ako lumabas.

"Isla!" Pag labas ay laking ngiti ko nang makita si Tri na nag iintay sa hallway.

"Tri!" Ani ko at agad na lumapit sakanya. "May klase ka ba dito?"

"Actually, doon lang ang room ko.." tinuro niya ang classroom sa di kalayuan at napa tango tango ako, "Naalala ko kasi ang dash mo, naisip kong wala kang kasama kaya pumunta nako dito."

Napa ngiti naman ako dun at guminhawa rin ang aking pakiramdam. Iniisip ko pa lang yung mga tao sa canteen ay umuurong na ang buntot ko na wag kumain doon.

"Salamat Tri ha? Hanggang dito tinutulungan mo ako."

"Ano ka ba, wala yun! Kunsensya ko nalang din kung mapano ka knowing na malapit lang naman ako sayo." Saad nitong naka ngiti.

I smiled at him too.

"Ano tara?"

"Tara!" Sang ayon ko at agad na rin kaming nag lakad papuntang canteen.


Tama nga ako, madami nga ang tao dito sa canteen, hindi naman puno pero masasabi pa ring madami dahil sabay sabay na ang iba't ibang year levels sa lunch break. Para hindi kami makapag aksaya ng oras ni Tri ay ako na ang nag presenta na pumila at siya naman ay nag hanap ng lamesa namin.

Nag offer na rin ako na ilibre siya ng lunch, bilang pasasalamat na rin sa pag sama at pag alala niya saakin.

Tumanggi pa nga ito pero napilit ko rin siya, ayun nga lang ay una at huli ko na nga lang daw tong gagawin dahil hindi siya sanay na linilibre ng babae.

Mga lalaki nga naman..

Dahil matatangkad ang mga naka pila sa harap ko ay hindi ko pa naaaninag ang mga pagkain sa harap, kung minsan ay napapa atras ako dahil nag tutulakan ang mga ito sa harapan.

"Aw."

"Sorry!!" sa kaka iwas ko ay napa atras ako natapakan ang isang tao. Agad akong lumingon nang marinig ang daing nito!

"Aw." Ulit nito nang pag lingon ko ay humampas naman ang mahaba kong buhok sakanya!

I flushed!

"I'm sorry! Sorry!" Ani ko at hindi magkanda humaog kung anong hahawakan ko sakanya, kung yung mukha niya ba o paa.

Nako naman, Isla!

"It's aight." Ani nito at pag angat ko ng tingin ay napa singhap ako nang makita ang lalaking naka salo saakin nung nakaraan. "Hey," baritono ang boses nito at kinuha ang atensyon nung mga lalaki saaking harapan.

"Nakaka bangga na kayo ng tao." malamig na ani nito. Napa tingin naman saakin ang dalawang lalaki,

"Pasensya na, miss."

Rise and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon