Hindi siya makahinga. Para siyang sinasakal. Wari ba'y may kadenang nakagapos sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang katawan at unti-unting humihigpit. Pinilit niyang idilat ang mga mata, at kadiliman ang bumungad sa kanya. Nagpumiglas siya at sinubukan niyang hilahin ang kadenang nakapulupot sa kaniyang leeg.
Wala siyang ibang nakikita kundi kadiliman. Sumigaw siya, humihingi ng saklolo. Pero pakiramdam niya ay walang nakakarinig sa kaniya. Gayunpaman, ipinagpatuloy niya ang pagsigaw. Nananalanging may makakarinig sa kaniya mula sa isang bangungot.
Kalaunan, nakikita na niya ang malaking hugis bilog sa ibaba niya, nagliliwanag ito. Nasa gitna siya niyon, nakalutang. At puno ito ng mga simbolo at makalumang letra. Alam niya ang mga salitang iyon, isang orasyon ng kulam na ginagawa habang natutulog ang biktima. Lumiliwanag ang bawat salita, ibig sabihin, nasa gitna siya ng ritwal. Ramdan niya ang malakas na kapangyarihan nito.
Ang mga simbolong nakaukit ay ukol sa kamatayan. Madali sana kung pagpapahirap lang ang kulam na isinigawa para sa kaniya dahil madali niya itong malalabanan. Hindi pa man sapat ang kaniyang kapangyarihan, sinikap niyang kontrahin ang orasiyon. Ginawa niya ang lahat ng makakaya at kaalaman upang kontrahin ito. Nakita niyang may panibagong mga kadena na lumitaw mula sa pinakagitna ng bilog na iyon at pumulupot sa buo niyang katawan.
Simula ng maliit pa siya, may itinuro na ang kaniyang mga magulang sa kaniya. Tungkol sa pagsagawa ng ritwal at pangontra ng anumang kulam. Kasama niyon ang pagbalik ng kulam sa gumagawa ng pamatay na orasiyon. Natutunan din niya ang mahahalagang orasyon upang protektahan ang sarili laban sa mga kalahing mangkukulam.
Hindi man bihasa dahil iniiwasang magsagawa ng ritwal ang kanilang pamilya kung hindi kinakailangan, ay sinubukan pa rin niyang gamitin ang nalalaman. Sinimulan niya ang pagbanggit sa pambukas na orasiyon. Napakalakas ng kulam, hindi ganoon kadali ang pagputol sa ritwal ng kalabang mangkukulam, pero hindi siya susuko. Hindi ngayon.
Ngunit, mas humihigpit ang kadenang nakagapos sa buo niyang katawan. Ipinagpatuloy niya ang pagbanggit sa mga salitang pangontra ng kulam kahit unti-unti na siyang kinakain ng kadiliman. Pakiramdam niya, katapusan na ng lahat.

YOU ARE READING
Tatoo Cross
AksiIt was the age of Witches. Churches were brought down, witches hunters dead, and the Bible was nowhere to be found but hidden. Sheira Murray has a hard life fitting into the world of her own race. Because of a historical legend, her family became e...