III

37 0 0
                                    


Naglilinis ako ng kuwarto na puno ng alikabok, parang walang nagookupa sa kuwarto na ito sa dami ng alikabok at agiw sa kisame at pader. Inatake ako ng allergy ko magdamag dahil sa mga alikabok na ito.

Bawat sulok ng kuwarto ay pinunasan ko, pati mga side table, aparador maging ang banyo. Sinipon na ako sa mga alikabok at tagaktak ang aking pawis. Isinasalansan ko na ang sandamakmak na damit at mga sapatos na binili ni Sir Tony para sa akin, ang gaganda ng mga tela at mukhang mamahalin, tiyak napakasarap nitong suotin. Napansin ko ang mga itiketa na nakasabit sa damit at ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko ang presyo.

Jusko! 6,999.75 sa isang kapirasong tela,sinong tao ang magaaksaya ng ganun kalaki na pera para sa isang pirasong damit na halos hindi naman naiiba ang itsura sa mga nabibiling damit na tig singko pesos sa palengke. Ang mga sapatos na kay tataas ng takong 15,000 ang isang pares. Mahihimatay yata ako sa mga nakikita ko, ineestima ko kung magkano ang halaga ng lahat ng naipamili ko. Ganun siya kayaman na kaya niyang magtapon ng malaking pera para sa isang estranghera na ngayon niya pa lamang nakita at nakilala? At ang mas lalong nakakapagtaka ay bakit sa lahat ng iskolar na dinala niya ako lamang ang binilhan niya. Natatakot ako sa totoo lang ngunit nagenjoy ako ng husto dahil ito ang unang beses na makakapagsuot ako ng mamahaling mga gamit. Sinong mag aakala na ang babaeng katulad ko ay may magagarang mga damit.

Busy ako sa paghanger ng mga damit ng bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Camilla na tumutulo pa ang buhok at tanging tuwalya lamang ang saplot, namumula ang mukha niya maging ang balat niya sa braso likod at mga hita. Lupaypay din at mugto ang mga matang tila pagod na pagod, lumapit siya sa katabi kong tukador at humugot ng damit na maisusuot.

Kating kati akong magtanong kung anong nangyari sa kanya ngunit pinigil ko ang aking sarili dahil bagamat pumipili siya ng damit na maisusuot ay tila wala siya sa sarili, tila mga kamay lang niya ang may buhay.

Halos mabuwal siya sa pagkakatayo ng subukan niyang itaas ang kanyang kanang paa upang isuot ang kanyang underwear, nagdesisyon ako na tulungan siya at ituloy ang pagbibihis sa kanya, pag silip ko sa kanya ay naguunahan na ang kanyang mga luha sa pagpatak ngunit ang kanyang mukha ay wala pa ding reaksyon. Posible palang mangyari ang ganung bagay, siguro sa sobrang bigat at pagod mga mata na lang niya ang nagdesisyong lumuha para sa kanya.

Pinunasan ko ang tumutulo niyang buhok at sinuklayan siya pagkatapos, inalalayan ko siya pahiga sa kanyang kama at hindi na nakatiis ang bibig kong magtanong kung anong nangyari sa kanya sa nakalipas na magdamag. Katulad kanina ay wala din akong makitang reaksyon, hinayaan ko na lamang siyang magpahinga.

Nahiga na lamang ako sa sarili kong kama at maya-maya lamang ay may kumatok na sa pintuan. May edad na babae ang kumakatok at niyayaya na kaming manghalian, niluwagan ko ang pinto at nginitian ang matanda "Salamat po, susunod na ho kami ni Camilla." Nang Silipin niya si Camilla ay may rumehistrong awa sa kanyang mga mata. "Halina sa baba, dadalhan ko na lamang si Camilla ng pagkain mamaya." Tipid ang kanyang ngiti saakin at sumunod na lamang ako sa kanya sapagkat nagugutom na ako.

Tatlong mahahabang lamesa ang nakita ko, halos puno lahat ng upuan. Ngunit ang nakakagulat ay naroroon si Sir tony, iginiya ako ni manang Fely sa upuan katabi ni Sir Tony. Tahimik lang siyang kumakain, katulad kahapon hindi din nagsasalita. Tahimik din ang lahat dahil na din siguro naiilang din sila kay Sir Tony.

Kumain na lang din ako ng tahimik dahil talagang nagugutom na ako, habang kumakain ay iniisip ko pa din kung anong nangyari kay Camilla, ano kayang ginawa ni mang berting sa kanya? 

"Bilisan mong kumain, aayusin natin ang enrollment mo." Bigla na lang nagsasalita nakakagulat "Sige po, maliligo na lang ako pagkatapos kumain." Hindi na siya sumagot ulit, tinapos ko ang pagkain at naligo na ako agad at baka mainip si Sir tony.

Pagkatapos kong maligo ay dali dali na akong bumaba  dahil inaantay na ako ni Sir Tony, naeexcite ako na kinakabahan, saan kaya niy ako pag aaralin. Natutuwa ang puso ko dahil matutupad ko na ang pangarap kong makapag kolehiyo, para akong nakalutang sa langit at halos sumabog ang puso ko.

Sumakay na ako sa kotse katabi ni Sir Tony, medyo na conscious pa ko sa amoy ko, ang bango bango niya kasi kahit hindi ko hulaan alam kong mamahaling pabango ako gamit niya. Ako kasi kahit pambili  ng baby cologne ay wala, nakaasa lang talaga ako sa safeguard.

"Bakit Architecture ang gusto mong kurso? That's interesting kasi bihira ang babaeng arkitekto" bigla bigla talaga siya nagsasalita, dapat sigurong masanay na ako. "Magaling po kasi akong gumuhit." Natawa siya sa sinabi ko, may nakakatawa ba don? Yun kasi ang malimit na sabihin ng mga kaklase ko, bagay saakin maging arkitekto dahil magaling akong gumuhit. "Yun lang? Are you good with numbers? How about your problem solving skills and analysis?" Yung lang? Hindi kaya lahat ng tao marunong gumuhit, 95 ang grade ko sa math ano! at valedictorian din ako ng aming batch. "Oo naman Sir Tony, valedictorian ako ng aming batch." Saad ko "Hmm. Mabuti kong ganon, marami pang skills ang kailangan para maging isang arkitekto bukod sa galing sa pagguhit. You have piqued my interest but please just call me Tony, hindi naman siguro nalalayo ang edad ko sayo."

Talaga ba? Ang isang katulad niya naiintriga saakin, siguro ako ang unang babaeng pumili ng kursong arkitekto sa lahat ng mga naging iskolar niya. 

Dinala niya ako sa isang kilalang unibersidad sa diliman, napakalaki ng paaralan na ito at napakatahimik dahil bakasyon ng mga estudyante. Sinamahan ako ni Tony sa information upang humingi ng registration form at makapag entrance exam. Sana ay mag qualify ako sa kursong napili ko. Kahit wala akong ideya kung ano ba ang pagiging arkitekto ay naeexcite pa din ako lalo sa college life.

Nag de-daydream na ako tugkol sa mga lugar na pupuntahan ko at mga bagay na maeexperience ko kung sakaling palarin akong makapasa sa entrance exam. 

Dahil sa sobrang excitement hindi niya napansin ang makahulugang titig ni Tony. Para itong tigre na matiyagang naghihintay sa kanyang biktima.


ESCAPE FROM HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon