Nandito na ko sa magandang gusali na kung tawagin ay boarding house, napakalaking gusali nito na may 7 palapag, ginawa daw itong building na ito para sa mga scholar ni Mr. Perkins, tunay ngang napakayaman ng pamilya nila dahil napakaraming tao akong nakikita sa loob ng gusali. Sa unang palapag hanggang sa ikatlo ay para sa mga lalaki, ang ikaapat na palapag hanggang ika pito ay para naman sa mga babae. Nasa ika pitong palapag ang kuwarto ko, may kasama akong isang babae sa kuwarto na hindi ko makausap dahil balisa siya, nakatulala lang sa labas ng bintana. Napakaganda niya at napakakinis ng kutis, napakadami niya ding gamit na halatang mamahalin, nagaalangan tuloy ako na kausapin siya.
"Hi!" alanganing ngiti ko sa kanya. Nagulat siya ng lingunin niya ako at parang natatakot? Bakit naman siya matatakot?
"Hi. Kanina ka pa ba nakarating dito?" tabinging ngiti ang ibinigay niya saakin. Nakakapagtaka na ngayon niya lamang pala ako napansin, mukhang napakalalim ng iniisip ng babaeng ito.
"Hindi naman, mga bente minutos na ang nakalipas ng dumating ako rito, ako nga pala si Jullie. Ikaw ano ang pangalan mo?"
"Ako si Camilla, bago kang iskolar ni Tony?" Tony? Tony lang ang tawag niya kay Mr. Perkins?
"O-oo, mula ako sa ampunan, isa ako sa mga pinalad na mapili ni Mr. Perkins."
"Napakaganda mo, hindi ako nagtataka na isa ka sa mga napili niya."
Nagtataka ako sa babaeng ito, para akong nainsulto sa sinabi niya. Ang ibig ba niyang sabihin ay napili lamang akong iskolar dahil maganda ako? Sinimangutan ko siya. "Naku wala akong ibig sabihin Jullie, ipagpaumanhin mo." siguro ay naramdaman niyang nairita ako kaya agad siyang humingi ng paumanhin at humarap ng muli sa bintana.
Nawiwirduhan talaga ako sa kanya, parang napakalalim ng iniisip niya at may laman ang kanyang mga salita. Nag-umpisa na tuloy akong kabahan dahil siya ang makakasama ko sa matagal na panahon.
Niligpit ko na lamang ang mga damit ko at maayos kong isinasalansan sa kabinet na nasa tabi ng aking kama. Habang si Camilla ay nandoon at nakatanaw pa din sa bintana, ewan ko ba kung ano ang tinitingnan niya ron, tila hindi siya nagsasawa.
Palabas sana ako para kumuha ng kobre kama sa ibaba, doon daw kasi nakalagay ang mga kagamitan ng may naunang pumihit sa seradura, nalaglag si Camilla sa kanyang upuan at nanginginig ang buong katawan niya ng tingnan niya ang unti-unting pagbukas ng pintuan. Ano ba talaga ang problema ng babaeng ito?
Iniluwa ng pintuan si Mr. Perkins na bagamat simpleng itim na t-shirt at pantalon ang suot ay nangingibabaw pa din dahil sa angkin nitong kagwapuhan. Diretso ang tingin niya sa akin."Come with me."
Yun lang ang kanyang sinabi at mabilis din siyang lumabas sa silid namin. Ano daw? Sumama daw ako sa kanya?
Nang lingunin ko si Camilla ay sindak ang mukha niya habang nakatingin sa akin ang nanlalaki niyang mga mata, ano nanaman ba ang problema niya? Walang lingon ko siyang iniwan sa silid upang sundan si Mr. Perkins, inaantay niya pala ako sa elevator.
Bumaba kami sa ground floor at dumiretso si Mr. Perkins sa sasakyang naghihintay sa labas ng gusali, nilingon niya ako at nabasa ko sa mga mata niyang sundan ko siya. Kandatapilok ako sa pagmamadali.
"Saan po tayo pupunta Mr.Perki-"
"Tony, call me Tony." pinutol niya ako ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Saan niyo po ako dadalhin? Sir Tony?"
"Bibili tayo ng mga kakailanganin mo sa pag-aaral. and please just call me Tony."
"Pati po ba ang mga kasama ko sa ampunan ay bibilhan natin?" Kaya pala Tony lang ang tawag ni Camilla sa kanya dahil yun ang gusto ni Mr. Perkins.
"Ikaw ang bahala." Napakatipid naman sumagot ni Tony, nakakailang pa ang presensya niya.
Sa isang magarang mall niya ako dinala, napakaganda at tila ito hotel.
Isang babae ang sumulpot sa aking harapan, nagpakilala siyang si Susan at siya daw ang mag aasiste sa akin. Bakit kailangan niya pa akong iassist kung gamit lng naman sa eskwelahan ang kailangan kong bilhin? "Tony, kaya ko ng mamili mag isa ng mga kakailanganin ko sa eskwelahan."
"She's a stylist, she will assist you from your clothes to your shoes, bags and accessories "
"Susan give her everything that she wants, I'll wait for her in my office. " binalingan niya si Susan at iniwan na ako dito.
Ano daw? Stylist? Para saan at bakit?
Iginaya na ako ng babae sa department store at ipinasukat sa akin ang kung ano-anong damit. Naguguluhan man ay isinukat ko na lang ang lahat ng ibinibigay niya sa akin.
Para akong nakalutang dahil sa sobra kong kalituhan. Wala pang tatlumpung minuto ay 10 basket na ang napuno namin ni Susan, ng makuntento siya ay ipinabalot na niya ang lahat ng laman ng basket at basta na lang siyang lumabas sa department store, teka hindi man lang ba niya ito babayaran? Hindi din naman kami sinita kaya nagpatianod na lang din ako sa kanya. Napakadami pa naming pinasukang tindahan at napakarami na din naming bitbit na shopping bag bago kami pumunta sa bilihan ng school supplies. Sa pagkakataong ito ay pinabayaan na ako ni Susan mamili mag-isa. Idinamay ko na ang mga kasama ko sa ampunan. Kinuhanan ko din sila ng tig iisa nilang bag.
Wala pang isang oras ay tapos na akong mamili. Paglabas ko ng bilihan ng school supplies ay wala na ang mga bitbit ni Susan, hinatak nanaman niya ako at dinala sa kotseng sinakyan ko papunta dito.
Prente ng nakaupo si Mr. Perkins at ako na lang ang inaantay."Did you got everything you need?" tanong niya sa akin.
"Opo at sobra-sobra pa."
Hindi na nagsalita si sir Tony pagkatapos. Tahimik lang kami, ngunit may bumabagabag sa isip ko. Bakit ako lang ang binilhan ng mga bagong damit ni Sir Tony? At bakit wala kaming ibang kasama gayong lima kaming bagong dating? Gusto kong magtanong pero natatakot ako, paano ba naman ay napakaseryoso ni sir Tony. Nakaupo siya at walang ginagawang kahit na ano pero natatakot ako, natatakot ako sa kanya.
Nandito na kami sa tapat ng gusali at ipinabuhat ni sir Tony ang mga shopping bag sa driver. Kaming dalawa na lang ng driver ang umakyat, naiwan na si sir Tony sa baba.
Pagbukas ko ng pinto ay inilapag na ng driver ang lahat ng napamili sa aking kama. Ng tuluyan ng makalabas and driver ay dali dali akong nilapitan ni Camilla. "Saan ka dinala ni Tony? Ano ang mga bitbit mo?" nanginginig ang kanyang mga kamay, at tinignan niya ako na tila awang-awa siya saakin. Ngunit bakit? "Dinala niya ako sa mall at ibinili ng m-"
"Hindi mo dapat tinanggap! Hindi ka dapat sumama sa kanya! Alam mo ba kung anong ginawa mo? Nilagay mo sa kapahama-."
"CAMILLA!."
Dumagundong sa buong silid ang boses ni Sir Tony. Nanigas naman si Camilla sa kanyang kinatatayuan, nawalan ng kulay ang kanyang mukha. "Ipinatatawag ka ni Mang Berting." Ayaw sumunod ni Camilla, tiningnan niya ako na tila humihingi siya ng tulong.
Wala siyang nagawa ng hilahin na siya ni Tony palabas.
Naiwan ako sa silid na lubos na nagtataka. May kakaibang nangyayari sa boarding house na ito. Anuman iyon ay natatakot ako para sa aking sarili at para sa aking mga kaibigan. Parang nasa kapahamakan ang aming mga buhay sa loob ng boarding house na ito......
BINABASA MO ANG
ESCAPE FROM HELL
RomanceNagmamadaling yapak ng mga paa ang maririnig sa katahimikan ng gabi. unti-unting nahahawi ang mayayabong na talahib na dinadaanan ni Jullie. bagamat sugat sugat na ang kanyang mga talampakan ay patuloy pa rin siyang tumatakbo upang takasan ang tao...