Pagkatapos ng lahat ng sadya ko sa school ay dinala ako ni Sir Tony sa isang mamahaling boutique kung saan mga branded na kagamitan ang binibenta. "Pick one." Pinapili ako ni Sir Tony sa mga bag na nakahilera sa estante, halos magkakamukha lang naman ang mga nakikita ko, sinisipat ko ang presyo ngunit walang nakalagay.Halos pare-pareho ng kulay, "Ang boring naman ng kulay halos pare-pareho, maging ang designs halos walang pinagkaiba." Hindi ko napigilan ang bibig ko, nagsasabi lang naman ako ng totoo. "You're right." He looks impressed. Umikot ako sa kabilang istante hanggang sa namataan ko ang mga bags sa pinakadulong bahagi ng boutique, hindi kagaya sa iba ang pagkakasalansan ng mga bag sa istante, malalaki ang espasyo sa pagitan ng bawat bag. Kakaiba din ang design at kulay ng mga iyon. Isang bag sa pangalawang shelf ang gusto ko, napakaganda ng handle at materyal na ginamit, malaki din ang bag na tingin ko kakasya ang lahat ng gamit ko sa school.
Hahawakan ko na sana ang bag ng "What do you think you're doing?" Isang babaeng naka gloves ang biglang lumapit saakin at tinapik ang kamay ko. "You can't touch anything without a glove here." Ang sungit naman bakit naman bawal hawakan, gusto kong kapain ang materyal paano ko bibilhin ang isang bagay ng hindi ko man lang nakikilatis. "She's with me Donna, I'll pay for anything she touches." Biglang lumitaw si Sir Tony mula sa aking likuran.
"Napakadami pang dapat matutunan ng babaeng ito." Ano naman ang dapat kong matutunan, hindi ba't ganun naman kahit saang tindahan ka mag punta, kailangan mong kilatisin ang produkto bago bilihin. Aba! Mahirap na ano at baka masayang lang ang pera ko. "Is that what you want?" Itinuro ni Sir Tony ang bag na gusto ko. Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya at hindi ko na tinangkang nahawakan iyong muli. Baka umusok na ang ilong ni Donna pag ginawa ko yon.
Kumpleto ang boutique na ito, mula damit, sapatos, accessories maging undergarments meron. dinala ako ni Sir Tony sa lahat ng section ng boutique na ito. Hinayaan niya akong bilhin lahat ng gusto ko, kasama si Donna siyempre. Pakiwari ko wala siyang tiwala sa akin, para tuloy akong shoplifter. Kada galaw ko nakasunod agad si Donna.
Ang nakakaloka walang presyo ang mga gamit na naroroon, paano ko malalaman kung sumosobra na ako? Ang hirap naman sa mundo ng mayayaman, lahat ng bagay kakaiba sa kanila.
Nang matapos na ako ay binayaran na ni Sir Tony ang limang bestida, walong pares ng sapatos at apat na bag. Hindi na ako bumili ng mga accessories dahil hindi naman ako mahilig sa ganon. Walang katao-tao sa boutique na ito, parang kami pa lang yata ang customer nila. Hindi kami natagalan mag bayad dahil nga kami lang naman ang customer.
Sinundo na kami ng driver sa mismong pintuan ng boutique, bumaba ang driver at kinuha ang mga shopping bags, pinagbuksan na din niya kami ng pintuan ng sasakyan.
"Pwede ho bang magtanong?" Kanina pa talaga ako nagtataka, "What?". "Bakit bawal hawakan ang mga gamit doon ng walang gloves?" Napatitig siya sa akin at nagkaroon ako ng pagkakataong silayan ang nakapa guwapo niyang mukha. Ang kinis halatang laki sa aircon. "Because a scratch will decrease the value of the item." Napataas ako ng kilay, gaano ba kalaki ang halaga ng mga item na 'yon "Bakit walang presyo? Pwede ho bang itanong kung magkaano ang lahat ng 'yon? " Itinuro ko ang mga shopping bags sa likod ng kotse. "2.4 million."
Halos mahimatay ako sa sinabi niya, sinong matinong tao ang magbebenta ng mga damit bag at sapatos sa ganung halaga, at sino namang hibang ang bibili? "Ho?" Hindi ako makapaniwala, gusto ko ng tumakbo pabalik sa boutique at isauli lahat ng binili ni Sir Tony. "Do you enjoy it?" Oo naman at naenjoy ko ng sobra, napakagaganda ng mga bagay na iyon pero hindi kaya ng sikmura ko na tanggapin ang ganon kamahal na bagay. "Pwede pa ho bang isauli lahat? Hindi ko kayang tangg-". "Do you enjoy it?" ulit niya sa kanyang tanong. "Opo per-".
"I'm glad you do, walang presyo dahil ang boutique na 'yon ay para talaga sa mga taong katulad ko ang estado.Hindi namin kailangang tignan ang presyo because we are confident that we can afford whatever it costs." Ang arogante ng dating, pero para sa kanila siguro normal lang, totoo naman kasi na ang mayayaman hindi kailangan tumingin sa presyo. Kami kasing mahihirap yun ang una namin tinitignan, ang presyo ng isang bagay. Kailangan pa kasi naming i-compute kung kaya ba ng aming budget bago kami bumili ng mga luho. Mas kailangan kasi naming unahin ang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain. Ang mga damit ay ang pinakahuli sa aming listahan, hangga't maisusuot ang isang damit ay hindi namin ito papalitan kahit pa mukha ng basahan.
Napaka swerte naman talaga, bakit hindi na lang lahat ng tao ay pantay-pantay nang estado sa buhay, 'di sana lahat nakumuhay ng masagana. Wala sigurong krimen kung lahat ng tao pantay-pantay. Pangarap ko ang ganitong buhay e, yung madalian lahat, yun bang mabibili ko lahat ng gusto ko ano mang oras ko gustuhin.
"Bakit mo ginagawa ito sa akin? Bakit ako sa lahat-lahat ng iskolar mo?"
"You're a wise young lady. There is no such thing as a free lunch." Hindi naman ako tanga, alam ko kung ano ang gusto niya. Oo natatakot ako pero ito ang pangarap kong buhay. Ito mismo ang pangarap ko at si Sir Tony ang makakapagbigay nuon saakin. Hindi ko palalampasin ang ganitong pagkakataon.
"Unang kita ko pa lang sayo ay nagustuhan na kita. Goal oriented and ambitious. My ideal girl. I'm curious how far you'll go to achieve your goal."
"Lahat, you'll be surprised" umismid siya.
"I knew it! Gusto mo ang ganitong klase ng pamumuhay, materyoso kang babae." Hindi ko alam kung nagagalak ba siya o nadissapoint ngunit tama siya. Materyosa akong babae, yun ay dahil uhaw ako sa mamahaling bagay. Hindi io naranasan kailanman makapagsuot ng mga bagong damit maliban sa underware na tig singko sa palengke.
Kung ang mga taong katulad ni Sir Tony ay may pribilehiyo katulad nito bakit hindi ko iparanas sa aking sarili? Kung si Sir Tony ang dahilan para makuha ko lahat ng gusto ko, nakahanda na ako kung paano niya man ako sisingilin.
BINABASA MO ANG
ESCAPE FROM HELL
RomanceNagmamadaling yapak ng mga paa ang maririnig sa katahimikan ng gabi. unti-unting nahahawi ang mayayabong na talahib na dinadaanan ni Jullie. bagamat sugat sugat na ang kanyang mga talampakan ay patuloy pa rin siyang tumatakbo upang takasan ang tao...