Prologue

4 0 0
                                    

"Hoy, Serenity'ng bali ang kamay!" Hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon ang turing nila sa akin.

Sa itinagal-tagal ko sa mundong ito ay puro panlalait na lang ang mga naririnig ko mula nang magkaisip ako. Ipinanganak akong may kapansanan kaya lagi akong nabu-bully. Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad.

"Payag ka no'n, Zyrene? Ini-snob ka lang?!" Dinig kong sabi ng isa niyang kaibigan na si Mylene. Kinagat ko ang ibabang labi ko at huminga nang malalim; inihahanda ang sarili ko sa susunod na mangyayari dahil nakukutuban ko na ang gagawin nila...

"Hoy, Serenity Nuevo! Kinakausap kita ng maayos kaya sumagot ka!" Hindi na ako nagulat noong hilahin niya ang buhok ko upang pilit akong mapaharap sa kanya. Walang nagtangkang umawat dahil lahat ng mga tao ay desidido sa pagsuporta kay Zyrene. Gusto kasi nila akong paalisin sa school nila.

"Tibay talaga nito, hindi pa rin nadadala." Insulto ni Claudette na kaibigan din ni Zyrene sa akin.

"Hayaan mo na, Claudette." Tumulo ang mga luha ko sa sakit nang mas lalong hilahin at higpitan ni Zyrene ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Pakiramdam ko kasi ay matatanggal ang mga buhok ko sa sobrang higpit ng hawak niya sa bawat hibla niyon.

"T-Tama n-na..." Naluluha kong sambit. Natumba ako nang marahas niyang bitiwan ang hawak niya sa buhok ko. Ramdam ko ang hapding nanuot sa balat ko dahil sa pagtama ng katawan ko sa pader.

"Marunong ka naman palang magsalita eh! Sa susunod kasi ay sasagot ka kapag tinatawag kita para hindi ka nasasaktan!" Bulyaw niya sa akin na parang kasalanan ko pang sinaktan niya ako. Naglakad siya paalis kasama ang mga kaibigan niya.

Napabuga ako ng hangin dahil sa paggaan ng loob ko noong mawala sila sa paningin ko. Inayos ko ang sarili ko at tumayo.

I heard all of my cousins were saying that school is fun and entertaining... But I opposed to them silently. Since day one, I never had a fun in school. 

Everyday, I would wake up with fears because in school, it always feels like a nightmare.

But no one doesn't care, not even the teachers.

His Lifetime CompassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon