Papunta ako ng cafeteria kahit ayoko dahil natatakot akong maasintahan ng kung sino pero kailangan dahil kailangan kong kumain. Lunch break ngayon kaya alam kong maraming tao sa cafeteria.
Nang makapasok ako ay agad akong nailang sa mga titig nila. Sa araw-araw na pagpunta ko rito ay wala na silang ginawa kung hindi ang pukulan ako nang tinging may panghuhusga, daig ko pa ang gumawa ng krimen sa mga titig na ibinabato nila sa akin.
Um-order ako ng pagkain at ipinalagay iyon sa isang styro-foam container dahil hindi naman ako rito kumakain. Bumili rin ako ng tubig at nagbayad. Nang maibigay ang sukli ko ay binitbit ko ang isang cellophane na naglalaman ng mga binili ko at naglakad patungo sa rooftop ng building namin.
Umupo ako sa isang lumang table and chair at maingat na binuksan ang cellophane. Nagsimula akong kumain ng tahimik at dahan-dahan, pinipilit na kontrolin ang sariling kamay dahil sa natural na panginginig nito dulot ng kapansanan ko.
Bumukas ang pinto ng rooftop at narinig ko ang boses nina Zyrene kaya natigilan ako sa pagkain. Mariin akong pumikit dahil alam kong ako ang sadya nila dito.
"Tingnan mo nga naman." Napadilat ako dahil sa nanunuyang boses niya. Natatawa niya akong tinignan. "Kalma, wala pa nga akong ginagawa, natatakot ka na."
Hinawakan niya ang ulo ko at hinaplos 'yon. Kumilos ang kamay niya para kuhanin ang styro-foam na naglalaman ng pagkain kong adobo at itinaktak sa lupa kaya napatitig ako ro'n. Napahinga ako nang malalim dahil hindi nila sa akin itinapon ang pagkain. Wala pa naman akong pamalit na dala.
Ngunit nakagat ko ang ibabang labi ko noong dumapo ang paningin niya sa bote ng tubig na hawak ko at halos wala pang bawas. Kinuha niya iyon at binuksan bago niya walang sali-salitang ibinuhos iyon sa ulo ko. Tumawa ang mga kasama niya nang itapon ni Zyrene ang bote sa ulo ko.
"Ligo-ligo rin kasi. Ang baho mo kaya lagi." Pambubuska pa ni Claudette bago sila tatawa-tawang lumabas ng pinto ng rooftop. Wala akong nagawa dahil alam kong ila-lock nila iyon. Napahinga ako ng malalim noong maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.
"Huwag kang iiyak... Huwag kang iiyak..." Humihikbi kong pagpapatahan sa sarili ko. Pero imbis na mas lalo lang akong umiyak. Hirap na hirap na ako.
Natigilan ako dahil sa yabag ng mga paa nang kung sinoman. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaking nakasoot ng polo at slacks na seryosong naglalakad palapit sa akin. Nasa kamay niya ang isang coat na itim na uniform ng boys na nasa school namin. Nang huminto siya sa harap ko ay nagpigil ako ng hininga sa pag-aakalang isa siya sa mga inutusan ni Zyrene para bully-hin ako.
His black eyes pierce through my own eyes as he lowered his body. Tahimik niyang inilagay sa balikat ko ang coat na hawak niya bago siya umayos ng tayo at inilahad ang kamay sa akin.
"Let me help you," his gentle voice made me trembled mentally. Fear rushed down to my system. Nabasa niya siguro ang reaksyon ko kaya umayos siya ng tayo. "It's okay. I won't harm you, I promise. Stand up on your own if you don't want me to touch you." Malumanay ngunit tila naniniguro niyang saad.
Dahan-dahan akong tumayo sa upuan, pumikit ako at inabangan ang mga gagawin niya. I've experienced it before. After Zyrene bullied me, a guy pretended to be gentle but when he held my hand, he aggressively pushed me and did worse than what Zyrene did to me.
Ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin siyang ginagawa kaya unti-unti kong iminulat ang mata ko. His gentleness faded as I opened my eyes, his expression changed into a serious yet emotionless one. Napapahiya akong yumuko.
"Sorry." Mahinang sabi ko. Ramdam ko ang paninitig niya kaya hindi ko iniangat ang ulo ko at tumitig na lang sa sahig.
"Do you experience it everyday?" Tanong niya sa maagap na paraan. Kahit na hindi niya direktang sinabi ay alam ko na ang tinutukoy niya— ang pambu-bully ng mga tao sa akin. Binigyan ko siya ng dalawang tango bilang sagot kahit pa sumasama ang katawan ko sa pagtango ng ulo ko.
"What's your name?" he suddenly asked.
"Jeztine," mahinang tugon ko habang nakayuko.
Natahimik kami. Nakayuko pa rin ako kaya hindi ko na alam kung ano ang ginagawa niya. Inayos ko ang sarili ko nang tumunog ang unang ring ng bell. Ibig-sabihin kasi noon ay 15 minutes na lang ay tapos na ang lunch break.
I heard the clicking sound of the door that's why I raised my head up only to found the unknown guy who carried my trash in front of it, hiding a card in his pocket. Did he just... lockpicked the door easily?
Naglakad ako palapit sa pinto noong mapagtanto ko na nasa kanya pa pala ang mga pinagkainan ko. I stood beside him and shyly spoke.
"Ahm... S-Salamat." Kukuhanin ko na sana ang mga kalat ko pero inilayo niya iyon sa akin.
"Ako na, just fix yourself and let me walk you to your room." Tatanggi pa sana ako kaya lang ay naglakad na siya palayo. Pero tatlong hakbang pa lang ang nagagawa niya ay huminto siya at bumaling sa kaliwang likuran niya. "Wag mong subukang tumakas..." Umangat ang isang gilid ng labi niya. "...remember, you have my coat," he didn't wait for my response and continued walking away. Leaving me here on the spot where he left me with a dumbfounded expression.
Dahil nga wala na akong magawa ay pinanood ko na lang siyang itapon sa trash can ang hawak niya na hindi rin naman nagtagal dahil malalaki ang bawat hakbang niya. Tahimik kaming naglalakad pababa sa hagdan nang tanongin niya kung anong grade na ako at kung saang building ang room ko.
"Grade 10 po ako. Sa building na 'to lang po ang room ko," Mahina kong sabi.
"Saang floor?" tanong niya.
"Third floor po," tugon ko. Tumango-tango siya at hindi na umimik kaya tahimik kaming naglakad ulit. Sumandal siya sa may pader noong huminto ako sa tapat ng room ko. Noon ko lang napansin ang bag na nakasabit pala sa likuran niya. Tinitigan ko siya dahil hindi pa rin siya umaalis sa harap ng room namin.
"What are you doing? Get inside your classroom." Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ko hinubad ang coat na ipinatong niya sa balikat ko at iniabot sa kanya.
"Salamat." Ngumiti ako ng tipid pero tinitigan niya lang ako.
"Wear it. You're soaking wet. Do you have an extra uniform?" Tumingin siya sa likod ko kaya tumingin din ako roon. I saw my adviser walking towards here kaya isinoot ko ang coat noong lalaki para isoot pero mabagal at nanginginig ang kamay ko kaya hindi ko magawa.
Napahinto ako noong hawakan ng lalaki ang coat niya at ang kaliwang kamay kong hindi nagfa-function at maingat na ipinasok sa sleeve ng coat ang kaliwa kong kamay.
I gasped at alam kong narinig niya iyon kasi maingat niyang binitiwan ang kamay ko. Nagmamadali akong isoot ang isang sleeve ng coat niya bago ako dali-daling pumasok sa loob at umupo sa upuan ko sa dulo.
Di rin nagtagal ay pumasok si ma'am kasama ang lalaking tumulong sa akin na parang walang pakialam sa mundo ang reaksyon. Tumayo kaming lahat at bumati bago kami umupo muli noong sumenyas ang guro.
"Good afternoon. He's a transferee from United Kingdom." Nakangiti siyang bumaling sa lalaking kasama niya. "Introduce yourself, mr. Chua." Utos ng guro sa binata.
"Hello, dai ja hao—" tumikhim siya nang mapagtantong hindi namin maintindihan ang lenggwaheng gagamitin niya sana. "I mean, hello everyone. My name is Rixon Jasper Chua." Naghintay kami ng kasunod pero hindi na siya nagsalita pa. Natawa ng bahagya si ma'am at umayos ng tayo.
"Please be seated beside miss Romualdez." Itinuro ni ma'am ang upuan sa tabi ni Zyrene pero hindi kumilos si Rixon at tinignan lang saglit ang upuan.
Umikot ang ulo niya't luminga-linga na para bang may hinahanap.bHis eyes sparkled when our eyes met. Iiwas na sana ako ng tingin kaya lang ay itinuro ako ni Rixon 'daw kuno'.
His husky voice resounded to my ears as he spoke with finality.
"I want to seat beside her."
BINABASA MO ANG
His Lifetime Compass
Short StoryShe had a disability, full of self-doubt and insecurities. He's a famous tennis player, a beauties' slayer. To different people met in the same direction no matter how many opposition they receive... They never gave up until she became his life...