Chapter 4

2 0 0
                                    

Nang malaman ni Rixon ang tungkol sa nangyari ay galit na galit siya at walang sabing umalis sa harap namin. Simula noon ay hindi na namin siya nakita. Daneon assured me that he's just busy with his training while Zyde said that he is just cooling himself down.

Nasa malaking sports center kami ng aming bayan dahil dito ginaganap ang laban kapag sports festival. Nandito na kasi ang volleyball court, basketball court, soccer field, tennis court, badminton court at iba pang court na pasok sa sports list.

Ayaw nga akong papuntahin ni mama kaso required ang lahat ng students na um-attend kasi may attendance 'to. Bukod doon ay kailangan ng bawat school ng audiences para mag-cheer ng players.

"There you are!" I heard someone exclaimed from behind. I turned around and saw Daneon and Zyde with worried expression.

"Kanina pa kami paikot-ikot dito para hanapin ka. Nag-aalala na kami sa 'yo." Zyde said. Naglakad kami papunta sa mahabang pila ng mga estudyante ng school namin kung saan pumipirma para sa attendance.

Dahil nga mahaba ang pila, it took us minutes before we finally entered the sports center. Maraming players ang nagwa-warm up habang naglalakad kami papunta sa tennis court.

"Saan tayo uupo?" tanong ko nang makapasok kami sa tennis court. Dahil maingay ang paligid ay hindi iyon naintindihan ni Zyde kaya yumuko ito at itinapat ang tainga niya sa bibig ko.

"Ano 'yon?" Malakas na tanong niya, ipinauulit ang sinabi ko.

"Saan ka'ko tayo uupo." Sinubukan kong lakasan ang boses ko. Lumayo naman siya at itinuro ang upuang nasa front row na katapat ng player's bench. Mas mataas lang ito ng dalawang hakbang gawa ng hagdan.

Naglakad kami papunta sa itinuro ni Zyde. Umupo kami sa tatlong upuang may nakalagay na 'reserved' at pinagitnaan nila akong dalawa. Noong una ay tumanggi pa ako dahil baka hindi pala sa amin iyon pero sinabi ni Daneon na nagpa-reserve talaga si Rixon ng upuan para sa amin.

Nang magsimula ang second doubles ay inabutan ako ni Daneon ng bote ng tubig na halatang bago ngunit naka-loosen na 'yong takip. Tinanggap ko iyon at ininom bago nagpasalamat. Kumakain si Zyde ng potato chips at inalok din ako pero umiling ako bilang pagtanggi.

The doubles matches went over and the second doubles of our school lost while the first doubles won. Nakita kong tumayo si Rixon na kanina pa nagwa-warm up. Siya kasi ang third singles ng Ferrer Tennis League.

The players shook their hands and went to their serving line. Since the first doubles match winner is our school, the serving will go to Rixon. Seryosong iniangat ni Rixon ang kaliwang kamay niya na may hawak na raketa, he bended his body backwards and served the ball.

It was a backhand service. But the moment the ball hit the ground, it bounced with brute force so the opponent couldn't counter it. The crowd of our school cheered. Inulit ni Rixon ang paraan ng service niya kanina hanggang sa manalo siya sa first set ng game.

The umpire announced the changes of service so it's time for the opponent to serve. Mataas na tumalon ang kalaban bago niya paluin ng malakas ang bola. Rixon managed to counter it by returning the ball upwards as it flew high towards the opponent's court. He did the lob shot return which the opponent failed to counter.

The game continues and Rixon won without letting his opponent scored. The match ended with the score of 6-0.

"The match is over. Rixon Jasper Chua from Ferrer Academy won with 6-0 score," the umpire announced as the crowd of our school cheered in victory. Lihim kong hinangaan si Rixon. I've watched him play during the qualifying match but I didn't know that he could be this great.

Narinig ko ang mahinang tawa ng mga katabi ko at naramdaman ko ang pag-high five nila sa likod ko.

"Nice! Walang kupas talaga si Chua." Zyde snickered.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Lifetime CompassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon