Chapter 3

1 0 0
                                    

Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa gate ng bahay namin ay dinig ko na ang sigawan nina kuya at mama. Napahinga ako ng malalim. Nag-uumpisa na naman sila.

"Sabi ko kasi ay bantayan mo si Jeremy, mama, dahil may laro po ako at mawawalan ako ng stars kapag hindi ko itinuloy 'yon." Halata sa boses ni kuya ang inis at pagkapikon dahil mataas ito kumpara sa normal na tinig niya at sinasabayan pa iyon ng matinding palahaw ng isang dalawang taong gulang na bata. 

"Ano ba ang masama sa sinabi ko, ha, Jeremiah?! Ang ayos-ayos ng sinabi ko! Sabi ko bantayan mo muna ang anak mo kasi magsasaing ako at magluluto ng ulam! Kapag naman hindi ako nagluto magagalit kayo! Putanginang buhay 'to. Anak mo 'yan kaya dapat ay ikaw ang nagbabantay dyan. Jusmiyo naman Jeremiah Stanley, trenta anyos ka na at may pamilya kaya dapat ay responsable ka na hindi 'yong puro computer at cellphone ang inaatupag mo! Para kang estudyanteng lulong sa games!" Mahabang sermon ni mama.

Umakyat ako nang mabilis sa taas dahil tiyak kong sa oras na makita ako ni kuya dito ay sa akin niya na naman ibubunton ang init ng ulo niya. Hinubad ko ang sapatos ko, nagpalit ako ng damit na pambahay at isinoot ang earphone ko bago ko patugtugin ang mp3 player ko at umupo sa kama para gumawa ng assignments ko.

Hindi ko na namalayan pa ang oras dahil sa tambak na assignments na ginawa ko. Nagulat na lang ako nang may kumalabit sa akin. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si ate Andra na asawa ni kuyang mainit din ang ulo sa akin. Dali-dali kong tinanggal ang nakapasak sa aking tainga nang mabasa ko sa ekspresyon ng mukha niya ang inis.

"Nandito ka na pala hindi ka man lang nagsasabi!" sigaw niya agad sa akin. "Papatayin mo ba si mama sa pag-aalala, ha?!" Dagdag niyang tanong nang hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang siya kaya sininghalan niya ako bago siya padabog na umalis sa harap ko.

Wala naman talaga akong balak na sagutin at kausapin siya kahit ano pa ang gawin niya sa akin. Talking to her was completely pointless and senseless because she keeps on judging me. Sila ni kuya 'yong tipong gusto nila palagi silang tama. You'll never win an argument if they are your opponents because the more you point out their wrong actions, the more they will insist it.

I don't understand why ate Jamaica agreed to let them live here in our house. Dapat kasi ay sa edad nilang ito ay may sarili na dapat silang bahay at plano para sa buhay nila. Pero look at them, hindi man lang nahiya kay ate. Panganay ang kuya ko pero si ate ang sumalo sa responsibilidad na dapat ay kay kuya Jeremiah.

Napabuntong-hininga ako. Awang-awa na talaga ako sa mama ko dahil kargo niya pa kami ni kuya. Minsan ay iniisip kong kung wala lang sana akong kapansanan ay matutulungan ko sila ni ate. Dumagdag pa ang hika kong kailangang paggastusan dahil mahal ang gamot.

"Jeztine, kakain na." Dinig kong sabi ni mama sa malumanay na paraan na para bang hindi siya nagalit kanina.

"Opo, 'ma. Itatabi ko lang po itong mga assignments ko. Baka po kasi makalimutan kong ilagay mamaya." Paalam ko. Ngumiti lang si mama sa akin at umalis na.

Naging tahimik ang hapunan namin kaya mabilis kaming natapos.

"Maghugas ka doon, Jeztine. Puro ka cellphone sa taas. Wala kang ginagawa sa bahay pabigat ka pa. Kukuhanin ko 'yang gadget mo eh." Napahinga ako ng malalim. Mas pinili kong hindi siya pansinin.

Hindi ko alam kung nananadya ba 'tong si kuya o ano kasi noong una't huli akong naghugas noong nakaraang taon ay basag ang ilang mga plato, baso, at mug dahil hindi ko kayang kontrolin ang katawan ko.

Pumanik ako sa taas at ni-lock ang kwarto ko. Humiga ako at pumikit kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi lang sila ang nahihirapan, na nahihirapan din ako dahil gusto kong tumulong sa kanila pero wala akong magawa dahil sa kondisyon ko.

His Lifetime CompassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon