['Myouri's POV']
"Ang husay, napakagaling mo sa ganyang larangan, hija." kita ko sa mata niya na proud na proud siya sakin.
"Salamat, Lolo. Alam ko po kasing paborito niyo ito kaya ako na po mismo ang kumuha para sa inyo." inabot ko ang isang basket ng apple sa kanya. Ako pa ang namitas doon sa hacienda niya. Simula bata pa lang ako, gusto ko nang ako ang mismo ang namimitas ng apple para kay Lolo.
"Salamat, hija. Wala ka bang pasok ngayon? Kanina pa umalis ang mga pinsan mo." Nawala ang ngiti niya ng sabihin niya 'yon. Alam kong hindi ako gusto ng mga pinsan ko dahil paboritong apo ako ni Lolo.
"Meron po akong pasok, Lo." kinuha ko na ang nakalapag na bag ko sa mesa dito sa veranda ng mansyon ni Lolo.
"Pahatid kana kay Leo." tinawag niya ang isang driver namin dito sa mansyon. Nagpaalam agad ako kay Lolo dahil alam kong malalate na ako.
Pagkarating sa school, diretso agad ako sa classroom ko. Ganoon parin, walang masyadong pumapansin sakin at wala din akong maraming kaibigan dito sa school. Hindi katulad ng pinsan kong si Rayleen at Ryle, marami silang kaibigan dito. Halos lahat din ata naging kaibigan na nila. Pero ako, sanay na sa ganitong sitwasyon na walang kausap. Mag-isa pag kumakain sa canteen.
"Good morning, class. For today, may bago kayong classmate na galing pang-Maynila." pagkatapos sabihin ni Mrs. Kasie 'yon ay may pumasok na lalaki.
"I'm Kenji Drake Salazar, 16 years old." pagpapakilala niya.
Lame introduction.
Pero nagsigawan lahat ng mga babaeng kaklase ko. Kinikilig pa sila ng naglakad na palikod 'yong si Kenji. Gwapo naman siya at ang puti ng kutis niya pero feel ko bad boy siya. Mukhang maraming babaeng papaiyakin nito in the future.
Pagkatapos 'non, nagsimula na din kami sa lesson namin sa English. 4th year highschool na ako ngayon at makakaalis na din ako sa lugar na ito. 4 years na pagtitiis, 4 years na walang kaibigan, 4 years na study first lang at 4 years na walang nakakaalam sa pagkatao ko.
"Class dismissed."
May dalawang subject pa ako ngayong umaga bago ang lunch kaya nakinig lang ako ng maayos habang nagdidiscuss si Mr. Lucen sa paborito kong subject na Science. At sumunod 'non ay Filipino at lunch na nga.
Umupo ako sa pinakadulong seat dahil doon lang may bakante at ayokong umupo doon malapit sa entrance ng canteen. Buti nalang at nagbaon ako, si Manang Gloria pa ang nagluto ng paborito kong ulam which is adobo at liempo. Through the years, tahimik ang buhay ko dito sa school. Mas na-enjoy ko nga 'yon dahil wala naman pakialam mga pinsan ko sakin. Kahit sa mansyon, hindi kami nagpapansinan.
"Can I seat? There's no available seats na kasi." paliwanag ng babae sa harapan ko, napalingon-lingon din ako sa paligid at wala na ngang vacant seat. I think, 4th year na din siya dahil same kami ng lace ng id pero hindi ko siya kaklase.
"Sure." ikling sagot ko at pinagpatuloy lang ang pagkain ko.
"Thank you. I'm Mykaela Jane Suarez. Nice to meet you." nakipag-shakehands na din ako, mukha kasing friendly siya.
"Myouri Iannee, nice to meet you." ngiting sabi ko at kumain nalang ulit.
"You're always alone. You don't have friends ba?" she asked.
"I don't do friends." sagot ko.
"Why? Is there a problem?" umiling lang ako bilang sagot ko. I can't talk too much while I'm eating.
Tumango nalang siya at tahimik na ding kumain. Nauna na akong umalis pagkatapos kumain, balak ko muna tumambay sa bench ng hallway para magstudy. May quiz kasi kami sa A.P kahit up to 30 lang naman daw, need ko parin mag-aral.
YOU ARE READING
𝖠 𝖲𝖾𝖼𝗋𝖾𝗍 𝖫𝗂𝖿𝖾 𝗈𝖿 𝖠 B𝗂𝗅𝗅𝗂𝗈𝗇𝖺𝗂𝗋𝖾 [ 𝖮𝗇-𝗀𝗈𝗂𝗇𝗀 ]
Teen Fiction"𝖧𝗈𝗐 𝖼𝖺𝗇 𝖨 𝗄𝗂𝗅𝗅 𝗁𝖾𝗋 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍 𝖺𝗐𝖺𝗒? 𝖨 𝖼𝖺𝗇'𝗍 𝖽𝗈 𝗍𝗁𝖺𝗍! 𝖠𝗅𝗅 𝖨 𝗐𝖺𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗆𝗈𝗇𝖾𝗒 𝖺𝗇𝖽 𝗁𝖾𝗋 𝖿𝗎𝖼𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗎𝗌𝗂𝗇𝖾𝗌𝗌!" "𝖤𝖺𝗌𝗒 𝖻𝗋𝖺𝗍, 𝖨 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝖺 𝗉𝗅𝖺𝗇 𝖺𝗅𝗋𝖾𝖺𝖽𝗒. 𝖸𝗈𝗎 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗇𝖾𝖾�...